Chapter 29

2.4K 19 12
                                    

Nakarating na sa bahay si Tin. Umaasa siyang gising pa ang kanyang mga magulang pagdating nya ngunit bigo siya... tulog na ang mga ito. Hindi naman kataka taka iyon ala una na nang madaling araw. Alam din ata ng mga ito na inaya siyang kumain sa labas ni Slater. Pinagmasdan niya ang nahihimbing sa pagtulog na Ama. Mahal nya ang kanyang mga magulang lalong lalo na Ama, she's a Daddy's girl, alam nya ang pinagdaanan nito maitayo lamang ang Construction firm na pinaghirapan nito. Nag iisa lamang siyang anak at wala itong ibang maasahan sa pamamahala niyon kundi siya ngunit pinili nya ang ibang propesiyon. Ni wala siyang narinig na pagtutol mula sa Ama sa halip ay sinuportahan nito ang kung ano mang gusto niya at di siya binigyan ng obligasyon na sumunod sa yapak nito bilang isang magaling na Engineer at businessman. Though she is a business woman herself ngunit sa ibang propesiyon nga lamang. At hindi naman ito tumutol instead her Dad was so proud of her and still is proud sa narating nya ngayon. 

Sa ganitong sitwasyon ayaw nyang sumugal, at alam nya sa sarili nyang di niya kaya ang pamamalakad niyon, lalo na at nasa kalagitnaan ng crisis ang naturang kompanya ng Ama. She just can't risk handling the ompany itself at this point in time. At hindi rin niya kayang pabayaan ang Entourage at iwan ang pamamahala niyon sa mga kaibigan lalo na sa panahong iyon na marami siyang kliyente at magkakaroon siya ng fashion week sa susunod na buwan to be held in Singapore. Kung sarili lamang niya ang kanyang iisipin pwede nya isuhestiyon sa Ama na hayaan na lamang nila ibenta ang natitirang shares sa kompanya, ngunit maski iyon ay wala syang alam. Di niya alam kung magkano na ang nalugi at nawalang pera sa kanila. Kung tutuusin ay hindi naman sila na mamumulubi kaya nyang buhayin ang mga magulang sa kinikita niya, but it is too selfish to her side kung hahayaan nyang mawala ang kompanya nila. Paano na lamang ang pinaghirapan ng kanyang Ama babaliwalain na lamang nya ba iyon? hindi nila matatamasa ang karangyaan na meron sila ngayon kung hindi sa paghihirap ng Ama. At hindi niya hahayaan na ang mga gahaman niyang kamag-anak ang tuluyang magtamasa ng pinaghirapan ng Ama. Bigla niyang naisip ang mga sinabi ni Slater kagabi. Willing itong tulungan siya at ang kanyang Ama. Magpapakasal lamang sila at hindi siya obligadong pagsilbihan ito bilang asawa nito. Napapakagat labi siya sa isiping iyon, magiging may bahay siya ni Slater Saavedra? Ngunit kelangan nyang magdesisyon para sa ikabubuti ng kompanya sa lalong madaling panahon. Napapabuntong hininga sya na lumapit sa kinaroroonan ng Ama. Hinalikan niya ng marahan ang noo nito at bumulong rito.. " I love Dad, you know I do... anything for you and Mom." aniya sa mahina at garalgal na boses. Tumulo ang kanyang luha, pinunasan nya ang kanyang mamasa masa ng mata. Bago pa siya maiyak ng lubusan ay marahan na siyang tumayo at baka magising pa ang mga ito. Binuksan nya ang pinto at lumabas na ng kwarto ng mga ito. Tinungo na niya ang sariling kwarto at naghanda na ring matulog. Bukas na lamang niya haharapin ang decisyon na kanya ng napagpasyahan.

Kinaumagahan ay nagising siya ng maaga hindi pa man tumutunog ang sinet- up nyang time sa alarm na nasa bed side table nya. Maaga siyang magtutungo sa shop marami siyang dapat asikasuhin isa na roon ang nalalapit na party ng kanyang Tita Lucy sa darating na Linggo. Hindi rin naman siya gaanung nakatulog at ang daming bumabagabag sa kanya. Naghanda na siya ng isusuot pagpasok.. naligo at nagbihis na siya. Nagtimpla lamang sya ng kape, hindi na nya inabala pang gisingin ang magulang nag iwan lamang siya ng note at sinabit iyon sa refregarator.  Inabutan sya ng traffic sa daan kaya naman pasado alas siyete na rin sya nakarating sa shop.

" Good morning Manong!" bati niya sa security guard nila.

"Good morning Ma'am. Ang aga niyo po." ganting bati nito. " Ah Ma'am may delivery po kayo uli, nasa  counter po ng reception area." imporma nito sa kanya at tinuro kung saan ang mga regalong tinutukoy nito. 

" Salamat Manong.. wala ka ba ideya kung sino ang nagpapadala ng mga iyan?" tanong nya rito. Napakamot naman ito sa ulo.

" Wala Ma'am eh. Delivery boy lamang po ang nagbibigay at ayaw sabihin kung sino ang nagpapadala, ilang ulit ko na rin pong tinanong." paliwanag naman nito. Tumango naman siya.

SOMEONE LIKE YOUKde žijí příběhy. Začni objevovat