Chapter 48 - Epic night and A pathetic ex- girlfriend

1.5K 35 28
                                    

JUST A REMINDER: This Chapter may contain some scene not suitable for young readers.. hehe skip skip na lamang po pag di nyo carry ang scene... not SPG totally slight lang =) 

                     ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" I love you Slater.." 

Parang huminto ang mundo ni Slater sa narnig mula sa asawa. Tama ba ang narinig nya? sinabi nga ba ni Tin iyon? Yun ang mga katagang inaasam asam nyang marinig mula rito. Ngayong narinig na nya hindi naman sya makapaniwala. Kaya hindi nya maapuhap ang sasabihin, he was dumbfounded... The feeling is mutual,  she loves me.. I love her. Gusto nyang tumawa sa tuwa. Ngayon lamang sumikdo ang puso nya nang ganun. He's probably the happiest man on earth at this hour. Parang kay dali nawala ang inis nya sa sinabi ng asawa. Tumawag kasi ang doctor ni Jessica at ipinaalam na tumakas daw ang dalaga at di alam kung saan nagpunta. Naka off ang phone ng huli at di ma contact, nag aalala ang doctor na baka may masamang mangyari sa dalaga. 

He was about to say something to Tin nang magsalita muli ito...

" Tara gutom na ko... kain na tayo!" aya na nito. At hinila na sya patungong mesa natapos na rin ang tugtog.

" Tin wait... " aniyang pigil sa asawa.

" Hmm.. what?" tanong nitong nakangiti.

" What did you just said?" paninigurado nya sa narinig, baka kasi naulinigan nya lang at nadala lamang ito romantic set up nang lugar. He's totally a jerk right?... kailangan pa ba talaga ulitin ni Tin ang mga salitang iyon para sya maniwala.

" Sabi ko kain na tayo..." lumipat ito sa likuran nya at paakap syang tinulak nito ng marahan patungo sa kinaroroonan ng table. Ngunit pinigil nya ito at humarap dito.

" No, yung sinabi mo before that... " pangungulit nya pa rito.

" Hmm... that I love you? Mmm.. yeah, I love you Mr. Saavedra. Masama ba yun na sabihin ko sa asawa ko na mahal ko sya?.." hindi kumukurap na anito sa kanya. There she is again hypnotizing her, para syang nalulunod sa mga narinig. What's wrong with him ba? you have to answer it Slater... tell her you love her, idiot!! cursing himself.... ngunit wala pa ring namutawi na salita sa bibig nya. Nakatingin lamang sya rito na para bang inaarok pa ang sinasabi nito. Dumaan ang panandaliang katahimikan sa kanila.... at sya rin ang bumasag niyon.

" Tin... ahm. . . " kung kelan natagpuan na nya ang boses at magsasalita na sana sya ay inunahan muli sya nito.

" I don't you want you to return the favor na sabihin sakin ang tatlong katagang iyon. Just show it, I think it's more than enough." sa halip ay seryosong sabi na lamang ni Tin. At hinalikan na lamang sya nito sa labi... 

Again he was speechless. Ibang klase talaga ang asawa. Gusto na nya sanang sabihin how much he love her... na dito umiikot ang mundo nya sa mga sandaling iyon, kung masakit ang pag iwan ni Jessica noon.. nakaya nya. Ngunit hindi nya alam kung kakayanin nya din pag si Tin ang nang iwan sa kanya.... baka ikamatay nya. Exaggerated yes, but that's how he felt for her. Pero paano nya sasabihin rito iyon.. yung tipong papaniwalaan nito. Aware with the fact that her wife is no ordinary girl, sa loob ng isang buwang pagsasama nila hindi ito nadadala sa mga cheesy lines and all that. Naalala nya kung paano sya nito pangaralan sa mga ineregalo nya rito, he felt a bit disappointed sa naging reaction nito. Pero ano nga ba ang magagawa nya Tin almost had everything, kaya dinaan na lamang nya ito sa biro. But truth was nasasaktan din sya, hindi nya kasi alam kung i-please ang asawa. Ano nga ba ang kaya nya pang gawin para dito. Siguro tama ito I don't have to say it, ipapakita ko na lang sa kanya how doting husband I am.

" Gutom ka ba talaga?" tanong nya sa asawa matapos ang halik na pinagsaluhan nila.

" Mmm.. slight. Why?.." parang nahuhulaan naman nito ang gusto nyang sabihin.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now