Chapter 20

3.3K 21 14
                                    

Church...

It is a sunny Sunday afternoon, pababa na sina Tin sa limousine kasama ang mga relatives ni Pinky na kasali sa wedding entourage. Nakasunod sa kanila ang service van na kung saan nakasakay ang kanyang kaibigan na si Georgy ang ibang abay naman ay nauna na gamit ang ibang sasakyan. Naunang bumaba ang mga bagets nyang kasama, wearing all smile at super excited sa kasal na magaganap sa ilang saglit lang. Hindi nya rin maiwasang di ma- excite, ganito ang lagi nyang nararamdaman tuwing may ikakasal syang kliyente. Pero hindi nya alam kung bakit mas excited sya ngayon, may isang taong gusto nyang makita.. iwinaksi nya ang isip ng maalala si Slater. Hindi naman siguro nya ina-anticipate na makita ito pagtanggi nya sa naiisip. Tiningnan nya ang sarili sa rearview mirror na naroon, nginitian nya ang sarili ng makita ang kanyang sariling repleksyon sa salamin at bumaba na. Unang bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Slater na nasa entrance ng simbahan, napalingon ito sa gawi nya at bahagyang nag tama ang kanilang mata. Tila nabatubalani itong makita sya, sya ang unang nagbaba ng tingin.. ni hindi man lang nya ito nginitian. Habang may ibang kalalakihan din na nakatingin sa kanya giving her the awed gazed matanda man o bata. She just gave everyone a sweet smile, everytime may bumabati sa kanya at pinupuri sya. 

" Are you a cousin of Pinky?.." anang isang binata na naroon siguro mga kasing edad nya iyon.

" Ah no, I am the wedding coordinator.. it so happened that i have to replace the maid of honour of the bride since her sister can't make it." aniya rito.

" Oh I see, that's why your not familiar. By the way I'm Dave, family friend of Pinky at the same time barkada ko si Winston the groom." anitong pagpapakilala sa sarili at inilihad pa nito ang kanang kamay sa kanya.

"Oh I see." aniya lang dito at tinanggap ang nakalahad nitong palad.

" Its so nice meeting you...?" anito na tila nagtatanong ng kanyang pangalan.

" Ah sorry how rude of me, just call me Tin." sabi nya habang di pa rin binibitawan ang kanyang kamay na hawak nito, nginitian nya ito at tinuro ang kanyang kamay.

" Oh sorry Tin, I was just mesmerized by the beauty infront of me." anito na di pa rin tinatanggal ang tingin nito sa kanya. 

" Bola, anyway nice meeting you too but I have to do my work." hinila nya agad ang kanyang kamay at nagpaalam na rito, habang hindi nya alintana na may mga matang nakasunod sa kanya. 

Meanwhile Slater is just few inches away from Tin, ng bumaba ito sa sinasakyan nito kanina hindi nya mapigilang humanga at mabatubalani sa ganda nito. The lady is wearing a satin beige gown na hapit sa magandang hubog ng katawan nito. No wonder everybody was mesmerized sa bukod tanging ganda nito, and that smile of her wearing that red lipstick on na nag emphasize sa maganda at maliit nitong labi. Maski sya ay tila huminto ang mundo pagkakita sa dalaga. Pinilig nya ang kanyang ulo, nainis pa sya ng makitang linapitan ito ng isa sa mga kaibigan nyang si Dave na business partner ni Winston at barkada nila. Iniiwas na lamang nya ang kanyang tingin sa mga ito nang matapos ang dalawa mag usap. Ilang saglit lamang ay lumapit na uli si Dave sa kinaroroonan nila. 

" Pare, she's so beautiful!!." ani Dave habang papalapit sa kanya.

" Who?.." tila walang interes na tanong nya lamang rito.

" Didn't you see the lady I'm talking with?.. yung naka beige na gown. Wow men, mukhang ang bait bait nya." sabi nito na parang teenage boy na nakita ang campus crush sa school.

" Si Tin?.." tipid na sagot nya rito.

" You know her?.." anito na parang nagulat.

" Yeah, she's a childhood sweetheart." aniyang pagsisinungaling rito.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now