Chapter 8

2.9K 13 2
                                    

Sa isang banda naman ay nag-uusap ang dalawang babae na tungkol sa mga anak nila. Si Anna na Ina ni Christine at Lucy naman syang Ina ni Slater. Habang nakikita ng dalawang babae ang mga anak hindi nila maiwasang di mangarap na sana ang kanilang mga anak na lamang ang magkatuluyan.

" Look at them Kumare, they look perfect for each other?... right?" ani Lucy.

" How I wish, yeah. Makita sana nila ang isa't isa in a romantic way." ana man ni Anna. " Which I doubt kumare, I don't know kung ako lang ba ang nakakapansin but it seems they don't like each other. Oh well... your son, mas close ito kay Jessica.. di ba?.." dugtong pa nito.

" Yeah, pansin ko din naman na tila malayo ang loob nila sa isa't isa. Pero malay mo kumare, look at them civil naman sila and I think my son is trying to reach out with 

Tin, hindi pa naman huli ang lahat. I have something to tell you, pero sana huwag mo na muna i kwento sa iba. Actually, Slater and Jess was engaged and about to get 

married two months ago... but Jess jilted Slater sa mismong araw ng kasal nila." pagkwe kwento ni Lucy.

" Ohh... kumare, am sorry! We don't know how come?" nabigla sa ibinalita ng kaibigan.

" Yeah exactly,  no one knows.. just us. It was supposedly a private wedding buti na nga lang both of them agreed to make it private. Pero itong si Jessica ay hindi pa pala handa at mas pinili ang modelling career nito over my son. You knew at first palang that I don't like Jessica for Slater kumare, but since mahal ng anak ko at sya ang makikisama so kelangan kong matutunan tanggapin ang mga bagay bagay sa batang iyon., maski na ba na kaibigan din nating matalik ang mga magulang ng batang yun, pero mas may future ang anak ko kung si Tin ang pipiliing mahalin ni Slater. Mother's knows best right, kaya nga ngayon natutuwa ako at nagkita uli ang dalawa siguro hindi man nila gusto ang isa't isa.. pero malay natin. Your daughter is a beautiful person inside and out." mahabang paliwanag ni Lucy.

" Yeah, she never failed us. Alam mo bang sya ang nagpatayo mismo ng sariling nyang negosyo? wala syang hiningi mula samin, its all her hard work. Kahit may kaya nag working student pa yan at yung inipon nya.. ayan napunta sa negosyo and now there's  "Entourage"." kwento naman ni Anna.

" Exactly why I like your daughter, she's so humble when it comes to everything she has. She will make a good wife to Slater or any man she'll going to marry. Hindi kayo nagkamali ng pag papalaki kay Tin, but yeah our Slater is a good person too. Siguro may mga bagay bagay lang di sila pinagkakasunduan ng kanyang ama ngayon, but he is a responsible man I assure you kumare if ever man na sila ang magkatuluyan." ana man ni Lucy.

" Hayy.. kumare, ako na siguro ang pinaka masaya kung makakahanap ang anak ko nag taong mamahalin sya ng tapat at tunay. Kung si Slater man yun, mas magiging masaya pa ako lalo." aniya sa kaibigan.

Hindi na nakapag concentrate si Tin sa pag e-sketch, kaya pinag pasya na lamang nya na makisali sa Daddy at Tito Alfie nya. Akala nya ay hindi na sya susundan ni Slater, ngunit tila naman nanadya ito.

" Hey, see how rude of you.. iniwan mo ko dun habang nakikipag usap pa ko sayo, gusto ko ng maniwala na ganyan ka talaga." anito na hinahabol ang mabilis nyang pag lalakad.

" Oo, ganito ako pag ayaw ko sa tao... nilalayuan ko. Masaya ka na? and beside hindi ka nakikipag usap, your annoying me." pag supla nya rito.

" Okay, ganito na lang. Let's have a truce." nakangising baling uli nito sa kanya.

" At anong truce?.." tanong nya rito.

" Hmm, seems your interested huh!!?" anito na nakangisi pa rin.. saka lamang sya huminto at hinarap ito.

" Spell it out!!.." pag hamon nya rito.

" Okay..." pinag cross nito ang mga braso sa harap ng matipunong dibdib nito at humarap sa kanya. " We'll have a match game, pag natalo kita you will be nice to me.. hahayaan mo kong makilala kita sa pamamaraan ko. Pag inaya kitang lumabas sasama ka sakin, and hindi mo na ko tatarayan." paliwanag nito. Magsasalita na sana sya ngunit di sya hinayaan nito. "Hep, hindi pa ko tapos. Kung ikaw ang mananalo I will be your slave for a week, lahat gagawin ko anumang iutos mo. Ililibre kita ng breakfast, lunch and dinner. Ipapadala ko sa shop mo and pwede mo akong gawing bodyguard kung gusto mo." pag sasaad nito sa pangalawang consequence pag natalo nya ito. Ganun pa man hindi sya papayag dahil sa dalawa sya pa rin ang talo, makikita at makikita nya pa rin ito na syang pinaka iiwas iwasan nya.

" No, pag ako ang nanalo you will leave me alone, you will stop pestering me at babalik tayo sa dati. Okay? deal." inilahad nya ang isang palad dito upang makipag kamay.

" Oopps.. I was the one who made the truce kaya ako ang masusunod. Take it or leave it. Kung ayaw mo naman, okay lang.. ganun pa rin naman I'm interested to be friend you. So, i'll make my way para makilala ka." anito na nauna ng maglakad sa kanya.

" Wait, stop!!.." habol nya rito. " Okay segi ganito na lang pag natalo kita, okay you will be my slave for one week. Pero after 1 week, I will never be seeing you again!.. and that's final. Ganun din pag nanalo ka, you'll have my time but after that hanggang doon na lang yun.. Is that a deal?" pag compromiso nya rito.

" Hmm.. okay deal. So, let's go. Goodluck sating dalawa!" at inilahad nito ang daan para sa kanya, tiningnan nya muna ito ng masama bago tumalima at naunang maglakad dito.

Pumwesto na silang dalawa. Inihanda na nya ang sarili sa laban daw na ito, at di nya hahayaang makaisa sa kanya ang lalaki. Pero sa bagay nga naman alin man sa dalawang consequence ay dehado sya.. dahil magtatagpo at magtatagpo pa rin ang landas nila sa ayaw at sa gusto nya. Hindi nya lang natanggihan iyon dahil never syang umaayaw sa hamon. Iniisip na lang nya na tatan-tanan din sya nito pag natapos na ang lahat ng ito. Kelangan nya lang mag ingat at hindi nya alam kung ano plina plano nito... on the other hand iniisip nya na baka gusto lang din nito makipag kaibigan sa kanya. They we're no longer teenagers after all. Pero napaka imposible talaga, ay bahala na.. pag kausap nya sa sarili.

Unang round pa lang ay nanalo na sya, mas malapit sa par ang bola nya. Gayun din sa pangalawa at pangatlong tira, tiningnan nya ito at nginisihan. Hindi man nya tahasang aminin sa sarili nya pero nag e-enjoy syang makita ang lalaking talunan. Tahimik lang ito at napapakamot sa ulo. 

" Ako pa kasi ang hinamon mo.." aniyang parinig dito.

" Yabang!!.." nakabusangot ng sabi nito. Umabot na sila sa pang apat na rounds mas malapit ang bola nito sa par.. ngingisi ngisi naman ito.

" You know what, wala na rin naman talo ka na.." aniya rito. At tumira na para sa pang huling round nila. At yun nga sya nga ang nanalo 4-1 ang score nila. Nilapitan nya ito, inilahad nya ang palad para makipag kamay rito. " So?.. you will be my slave for one week, and gagawin mong lahat ng iuutos ko lang sayo Engr. Slater Saavedra." aniya rito hindi na nya inantay ang anumang sasabihin nito at tinlikuran na ito.

" Okay, you win!" anito na tila nasisiyahan pa sa pagkatalo nito. Bigla syang napalingon dito, pero mukhang naasar naman ang itsura nito kaya ipinag patuloy na lamang nya ang paglalakad pabalik sa pwesto nila.

Nangingiti naman si Slater habang sinusundan ang papalayong dalaga. Seems his plans are working, kasama talaga sa plano nya iyon. Kahit pa natalo sya sa laro ata aminado syang magaling talaga ito, ay plano na talaga nyang maging utusan nito. Strategy nya yun para mapalapit sa dalaga. Pero hindi nya na muna gagawin ang mga planong iyon kagad para di naman mahalata nito. Iniisip nya palang ang plano ay napapangiti na sya. Hindi na nya ginambala ang dalaga matapos ang laro nila, hinayaan nya itong atupagin ang kung anumang pinag kakaabalahan nito kanina bago nya ito kulitin. Hanggang sa natapos ang araw na iyon at mag paalaman na ang kani kanilang magulang sa isa't isa. It was a nice day indeed kahit papano ay nag enjoy sya, nag enjoy syang makuha ang atensyon ng dalaga kahit na parang lagi itong sasabak sa giyera pag sya ang kaharap o kausap.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now