Chapter 18

2.9K 16 14
                                    

Tinanghali si Tin ng gising kinabukasan kaya huli na rin syang nakarating sa opisina. Wala ngayon si Collete dahil may aayusin pa ito para sa kasal ni Pinky kinabukasan. Siya pala lamang at si Manong ang tao sa opisina, kakatawag lang din ni Georgy na male-late ito ng araw na iyon. Siya na rin ang nagbukas ng shop, tiningnan nya ang reception area at chineck kung ano ba ang itenerary nila ng araw na iyon. "So, final rehearsal  for Pinky's wedding at 1pm. I need to deliver the gown sa bahay mismo ni Pinky." paanas na basa nya sa mga gagawin nila ngayon. Nang matapos ay umakyat na sya sa kanyang opisina, nagulat sya ng may makitang boquet of white roses sa table nya. Inusisa nya iyon pero wala namang nakalagay na notes, ipagkikibit na lamang sana nya iyon ng balikat ng mapansin ang favorite coffee nya na katabi lang kung saan nakita nya ang mga bulaklak. Doon na sya nag usisa, bumaba sya at nagtanong sa guard.

" Kuya saan galing yung bulaklak, at coffee sa table ko?.." aniyang tanong sa guard.

" Ahmm Ma'am may nagpaabot lang po. Paki bigay ko daw po sa inyo." anito na kakamot kamot sa ulo. Ikiniling nya ang ulo at tiningnan ng mataman ang kausap nya.

" Pwedeng paki describe mo Kuya?.." pag uusisa pa nya.

" Delivery boy lang po eh." anito na kakamot kamot pa rin sa ulo.

" Oh okay, sa susunod Kuya huwag nyo na tatanggapin ha. Baka mamaya may lason pala yun." aniyang bilin dito.

" Pasensya na po, Maam. Segi po sa susunod makakaasa po kayo." anito habang tatango tango.

" Okay, thank you." aniya rito ngunit may duda pa rin. Sino nga kaya ang nagpadala ng mga iyon... aniyang kausap sa sarili. Kung hindi lamang sila nagkaron ng sagutan ni Slater iisipin nyang galing ang mga iyon sa binata. Napapailing na lamang sya habang pabalik sa kanyang opisina. Maya maya lamang ay tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot nya iyon.

" Hello.. Iha, ito nanaman ako mangungulit." bungad ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Ang kanyang Tita Lucy. Alam na nya kung ano ang sadya nito, iyon ay ang pinag usapan nila kagabi. 

" Oh Hi Tita!.. about doon po sa schedule ko this week .. hmm wait po check ko lang." aniya at binulatlat ang kanyang organizer, wala naman syang ibang kliyente maliban sa party ng kanyang Tita Lucy next next week kaya ayun na ang pinaka huling trabaho na meron sila this month dahil ang iba sa susunod na mga buwan pa idaraos ang kasal ng kanyang ibang  mga kliyente. "Okay Tita, pero baka Monday na po ako makasunod sa inyo. Pwede naman po na mauna na kayo nina Mommy at susunod na lamang ako after ko e- settle ang mga maiiwan ko pang trabaho, segi po kayo yung party nyo next week baka di ko maasikaso yun kayo din!" aniya rito.

" Yeah I understand Iha, that will do. Atleast mapagbibigyan mo ako." anito na halata sa boses na tuwang tuwa ito. " Oh sya Iha, yun lang naman gusto kong malaman. I won't disturb you again today. Thank You! I'll call your Mom, ako na bahala." anito at nagpaalam na. Her Tita is so spoiled, napapailing na lamang sya at hinarap na ang trabaho para sa araw na iyon. Saka na lamang nya aayusin ang suppose leave nya after ng kasal ni Pinky. At maya maya lamang ay aalis nanaman sya para magtungo sa simbahan kung saan idaraos ang kasal para sa huling rehearsal nina Pinky ang kanyang kliyente. Tinawagan nya si Collete para ipaalala rito ang mga gagamiting bulaklak para sa design sa simbahan mamaya, at on the way na nga ito. Mauuna na ito sa simbahan upang umpisahan ang pag de-decorate niyon. Maya maya lamang ay dumating na si Georgy nagpaalam sya agad rito, at pagkakataon na nyang umalis papuntang simbahan tutal may maiiwan naman sa shop. 

" Gy, ikaw na bahala ha. I have to go to church alam mo na.." aniya rito habang abala sa pag aayos ng gamit na dadalhin nya. Inihanda na rin nya ang wedding gown niPinky na nakalagay sa kahon upang dalhin sa simbahan doon na lamang nya iaabot ang gown dito oara di na sya magpunta sa bahay ng mga ito at tutulungan nya si Collete mag decorate ng simbahan. Tapos na nyang i final touch ang gown kagabi pa kaya wala na rin namang problema.

SOMEONE LIKE YOUWhere stories live. Discover now