Chapter 3

3.3K 13 2
                                    

Habang on the way na sya sa bahay ng Tita Lucy nya hindi nya miwasang magbalik tanaw muli ng mga panahong magkapitbahay lamang sila, ng hindi pa ang mga ito nag ma-migrate sa America. Madalas sya sa bahay ng mga ito, minsan hinihiram sya ng kanyang Tita Lucy sa kanyang Mama, sa kanilang dalawa ni Jessica mas paborito sya ng kanyang Tita Lucy. Magkakaibigan ang Mama nya, Tita Lucy at Tita Jane na syang Mama naman ni Jessica, pero mas kinagigiliwan sya ng lahat madaldal kasi sya though wala syang gaanong talento tulad ni Jessica na marunong kumanta mas magaling naman sya sa pakikipag kwentuhan sa mga matatanda na aakalain mo ay matanda rin ang kausap mo. Nang tumuntong na sila ng High School ni Jessica nagbago na ito, lumayo na ang loob nito sa kanya at madalas pinalalabas nito na sya ang nagbago sa pakikitungo rito sa kanyang mga magulang at mga nakakakilala sa kanila. Hindi nya alam kung saan nagsimula ang pagkainis nito sa kanya basta isang araw namalayan na lamang nya na kung ano ang meron sya ay kelangan meron din ito. Naging ka kompetinsya nya rin ito sa grades, sa achievements sa school pati na rin sa atensyon. 

Mayayaman ang kaibigan nito samantalang sya ay kaibigan ng lahat, di kasi sya pumupili ng taong kakaibiganin, nabansagan ang grupo nito na mean girls during their High School days.. hindi na kasi ito ang Jessica na weak and a darling without even trying. Naging kalaban ang turing nito sa kanya, isang tao lang siguro ang hindi sumuko dito at si Slater iyun, na hindi naman kataka-taka dahil mukha namang sunod sunuran si Slater sa gustuhin ng dating kaibigan. Ang mismong mga magulang nito ay minsan ng naipatawag ang atensyon sa school ng dahil sa mga ginagawang kamalian nito. Kaya ipinadala si Jessica ng mga magulang nito sa Australia upang dun na ito mag patuloy ng pag-aaral. Balita nya sa ngayon ay isa na itong aspiring Model, wala sya masyadong alam na tungkol dito dahil pinutol na mismo nito ang pakikipag kaibigan sa kanya ng mga panahong akala nito ay isa syang kontrabida sa buhay nito. Hindi naman nya pinapatulan ang kaibigan noon dahil alam naman nya sa sarili nya na wala syang inaagaw maski ang atensyon ng magulang nito. 

Namalayan na lamang ni Tin na nasa naturang subdivision na pala sya ng kanyang Tita Lucy. Tinanong nya sa guard kung saan ang nakalagay na address sa kapirasong papel na ipinakita nya rito, hiningan sya ng ID nito bago sya tuluyang papasukin sa exclusive na subdivision na iyon. Hindi sya nahirapan sa paghahanap dahil hindi naman kalayuan iyon sa main gate ng subdivision. Bumaba na sya sa kotse at nag dorbell sa mataas na gate ng mga ito. Mansion type ang naturang bahay, hindi naman kataka taka iyon dahil mayaman naman talaga ang pamilya ng mga Saavedra. Ang kanyang Tita Lucy ay half chinese na napangasawa ng kanyang Tito Alfie na half chinese din ngunit sa mother side nito. Ang kanyang Tito Alfie ay isang business man, kaya hindi kataka-taka kung magmamana dito ang nag iisang anak ng mga ito na si Slater. Matalino, mayaman ...an epitome of  an ideal guy ika nga nila. Naputol lamang ang kanyang pag mumuni muni ng bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaki na guard ata ng mansion na iyon. 

" Yes Miss, sino po kailangan nila." magalang na tanong nito sa kanya.

" Ahmm.. may appointment ako kay Mrs. Lucy Saavedra. Paki sabing si Christine Ranollo. " pormal na sabi nya, at matipid na ngumiti rito.

" Cge po Ma'am sandali lamang po." magalang naman na paalam nito at tumawag sa intercom na may connection na linya sa loob.

" Cge po Ma'am pasok po kayo, pasensya na po.. security purposes lamang po." paumanhin nito.

" No, its okay.." aniya na nginitian ito. At iginiya na sya nito sa pinto papasok sa mansiyon. Pinasamahan sya sa naroon na katulong at iginiya naman sya ng katulong sa living room.

" Ma'am maupo muna po kayo tawagin ko lamang po si Ma'am Lucy." turan sa kanya ng kasambahay na nginitian at tinanguan na lamang nya.

Habang nag aantay ay di nya mapigilan ang humanga sa kabuuan ng bagong bahay ng kanyang Tita Lucy, maganda ang interior niyon very classy malamig sa mata ang bawat kulay na makikita sa loob ng living room. Sa isang parte ng bahay sya na hook yun yung naka sabit na canvass sa corner ng living room.. Abstract painting na napakaganda ng pagkakagawa. Nasa ganoon syang position ng biglang may magsalita sa likuran nya.

SOMEONE LIKE YOUHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin