Special Chapter (JungRi)

934 26 5
                                    

Hindi ito connected sa story.

________________

Special Chapter

"Are you really ready for tomorrow, Yeri?" tanong sa akin ni Joy unnie kahit na nakatingin siya sa kaniyang kuko.

Umupo ako sa couch at tumabi sa kaniya. Binagsak ko ang aking sarili at mariin na pumikit. Pinakiramdaman ko ang aking sarilisa tanong ni Joy unnie. Ready na ba talaga ako?

Ready na ba akong mag debut?

"What if ayaw nila sa akin? Siyempre, nakasimula na kayo nila unnie as Red Velvet..." mahinang sabi ko.

Marahas niya akong pinalo sa braso, "Ano ka ba? Originally, lima naman talaga tayo! Na delay ka lang..." humalakhak siya but I don't find it funny.

"Thank you for reminding me," sarkastiko kong sabi saka umirap sa kaniya.

Naalala ko namana kung bakit ako na delay.

Kabado at nanginginig ang kamay ko habang nakatutok sa aking cellphone. Ngayon na irerelease ang video ko sa youtube, gusto kong mag basa ng comments kahit na pinipigilan ako nila unnie. Hindi raw magandang mag basa ng comments dahil hindi maiiwasan ang hindi ka magustuhan ng tao.

"Kumain ka na riyan, Yeri at maaga tayo sa Music bank bukas!" Malakas na sigaw ni Seulgi unnie.

Hindi ko siya pinansin. Halos lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko nang makita ko na ang video ko sa youtube. Umulan agad ang mga comments. Nanlumo ako nang makita kong halos lahat ng iyon ay puro hates. Siguro bilang lang sa lima kong kamay ang tanggap ako.

Maraming may ayaw sa akin.

Kinabukasan, sabay namin ang BTS sa promotion ng Ice Cream Cake. Nag tago ako sa likod ni Joy unnie nang makasalubong namin sila sa hallway. Binati nila kami at tinignan ko siya. Ngumiti siya sa akin ng sincere. Sincere!? Bakit niya ako ngingitian ng ganun?

"Unnie, bakit ganun?" Kunot noo kong tanong nang makarating na kami sa dressing room.

"Anong bakit ganun? Sigurado ka bang natatandaan ka talaga niya?!" Sagot ni Irene unnie.

Malamang natatandaan niya ako! Pero paano nga kung hindi?

Natapos namin irecord ang performance namin ay pumunta ako sa rooftop. Nagulo ang mahaba kong buhok dahil sa lakas ng hangin. Inayos ko iyon at tumingin sa baba. Hindi ko maiwasang isipin siya. Hindi ko maintindihan kung bakit maayos niya akong pinakikisamahan.

"Pst!" Halos mapatalon ako nang sitsitan ako.

Nilingon ko ang likod ko at nakita kong nakatayo roon ang isang meyembro ng BTS. Ngumisi siya sa akin kaya ngumiti rin ako. Tumabi siya at tumingin din sa baba kung saan ako nakatingin kanina.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya.

Tumingin din ako sa baba, "Wala lang..."

Naamoys ko ang matapang ngunit hindi masakit sa ilong na pabango niya. Sumingkit ang mata niya nang matamaan iyon ng sinag ng araw.

"Ikaw si Yeri diba?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"A-ako nga..." lumunok ako.

Humarap siya sa akin, "Nice meeting you." Saka nilahad sa harap ko ang kaniyang kamay. Tinignan ko iyon ng sandali saka tinanggap.

"Nice meeting you, Jungkook."

Nagulat siya nang banggitin ko ang pangalan niya. Tumawa ako sa reaksyon niya saka marahas na tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Humarap ako sa baba habang siya ay gulat pa ring nakatingin sa akin.

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon