Pang-siyam

1.3K 65 3
                                    

Paki-read din po ng "Cupid's Arrow" ko. :)
--------------------

"Ang unti naman ng pag kain mo," kumunot ang noo nya. Ngumunguya sya habang dinadag dagan ng ulam at kanin yung pinggan ko.

Pabalik balik naman yung mata nila, sa akin at kay Taehyung. I'm pretty sure, kanina pa sila nakaka pansin pero walang nagbabalak mag tanong.

Ngumiti. "Okay na to. Busog pa naman ako." Uminit ang pisngi ko.

"Anong okay? Mahal pa din naman kita kahit mataba ka na. Kaya, kain ka lang." Ngumisi sya sa akin. The fudge! Walang filter!

Jungkook cleared his throat kaya napa tigil sya. Kasi naman, e! Malamang magtataka talaga sila! Kahapon lang, halos mag sapakan na kami tapos ngayon biglang sweet?

"Oh bakit? Any problem, bro?" Hindi pa din nawawala ang ngisi sa labi nya kahit ngumunguya sya. Para bang tuwang tuwa pa sya.

Nag iwas naman ng tingin si Jungkook at nagpa tuloy na sa pagkain. Tumahimik na din si Taehyung pero nanatili pa din ang ngisi sa labi nya hanggang sa matapos kami.


"Irene!" Nagtaas ako ng kilay kay Jungkook. Kanina pa nya ako hindi pinapansin, pero ngayong wala si Taehyung, saka nya ako tinawag.

"Bakit?" Lumapit sya sa akin at hinawakan ang wrist ko. Hinila nya ako kung saan. Nag sha-shower naman si Taehyung kaya hindi naman nya siguro kami makikita.

"Kayo na ba ulit ni Taehyung?" As expected. Anong sasabihin ko? Oo, pero hanggang dito lang? Edi lalo kong sinabi na ang tanga tanga ko.

Hindi nalang ako sumagot. Hindi ko alam at ayaw ko sagutin. Oo na, tanga na! Hindi ko na kailangang sabihin pa sa iba. Kung ano ang meron sa amin ni Taehyung, sana hanggang sa aming dalawa nalang.

"E ano ngayon?" Lumunok si Jungkook at umirap nang marinig nya ang boses ni Taehyung sa likod nya. "Bitiwan mo sya, Jungkook." Madiin nyang utos.

Humarap si Jungkook sa kanya pero hindi pa din ako binibitawan. "Really, V? Porket alam mong mahal ka, i-ttake advantage mo na? Dude, magpaka lalaki ka naman!"

Dumilim ang mukha ni Taehyung. Nakapa mulsa sya at unti unting lumapit sa amin habang naka tingin sa kamay ni Jungkook na naka hawak pa din sa pulsuan ko.

"Sabi ko, bitiwan mo sya." Matilim nyang tinignan si Jungkook.

Pinilit ko namang tanggalin ang kamay ni Jungkook sa akin. Ayokong magalit sa akin si Taehyung, ayokong mag away kami.

Napa tingin sa akin si Jungkook na gulat. "Bakit?" Punong puno nang emosyon ang mukha nya.

"Bibitiwan mo sya o babasagin ko ang mukha mo?" Mahinahon pa si Taehyung. Kung hindi, baka nga basag na mukha ni Jungkook ngayon.

"Jungkook, ano ba." Hindi din naman ako manhid para hindi ko maramdaman ang special na ipaparamdam sa akin ni Jungkook. Ang hindi ko alam ay kung seryoso sya.

"Sinaktan ka nya diba? Bakit sa kanya ka pa din?" Halos magmamakaawa sa akin si Jungkook. Pinapaalala nya kung gaano kasakit ang ginawa sa akin ni Taehyung.

Pumikit ako. "Everyone deserves a second chance, Jungkook." Naramdaman ko ang unti unting pag bitaw sa akin ni Jungkook at narinig ko ang tawa at mura nya.

Dumilat ako. Ni hindi ako matapunan ng tingin ni Jungkook, titig na titig lang sya kay Taehyung. If looks could kill, patay na silang dalawa.

Ngumisi si Jungkook. "Sana this time, ipag laban mo na sya." Umalis ng walang paalam si Jungkook. Wala ding nag sasalita sa amin ni Taehyung, anong ipaglaban?

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon