Labing lima

1.1K 53 13
                                    

Hindi ako makakadalo ng overnight prayer! :(
---------------------


"Seulgi, umayos ka." Inis na sabi ni Wendy habang nililigpit ang mga panyong binasa ni Seulgi.



"Hindi nyo kasi ako naiintindihan!" Sigaw nya tapos umiyak nanaman.



"Unnie, hindi ka man namin naiintindihan, dadamayan ka pa rin namin kaya kami nandito sa tabi mo." Ani Yeri saka niyakap si Seulgi mula sa likod.



"Eh kahit na!"



"Seulgi, wala namang magagawa yang iyak mo. Hindi naman sya babalik kapag inubos mo yang luha mo sa kanya." Sabi ko. Realtalk. Kaya kung kakayanin, hindi talaga ako umiiyak sa harap ng mga tao.



"Pabayaan nyo muna akong umiyak ngayon, tapos bukas hindi na." Napa iling si Joy sa sinabi nya. Hiniwalayan din kasi sya ni Jimin ng walang dahilan.



"Baka naman kasi sobrang landi nyo na kaya nagsawa?" Siniko ko si Wendy sa sinabi nya. Kahit kailan talaga hindi sya boto sa mga nagiging boyfriends namin, hindi nya lang ako masabihan ng ganyan kasi mas matanda ako sa kanya.




"Hindi! Kahapon lang, inaya nya ako ng date. Kaya pala kung makayakap sya sa akin kahapon parang magbebreak na kami. Ayun, nagbreak nga kami ngayon." Umiyak nanaman sya.




"Hahayaan ka naming umiyak ngayon, Seulgi. Pero bukas, ayusin mo na yang sarili mo." Tumango sya sa akin. Hindi namin sya iniwan hangga't hindi sya maging okay.



Lumipas ang tatlong oras, nakatulala nalang sya. Maga ang mata at mapula ang mga ilong.



Pag-ibig. Napaka traydor.



"Ano, buhay ka pa?" Tanong ni Wendy.



"Oo! Hindi ko naman sya kailangan sa buhay ko." Okay, bitter si ate pero since heart broken, pag bigyan!



"Bitter ka fo." Umiirap na sabi ni Yeri.



"Hala sya! Magpa hinga na tayo, bukas na ang laban natin sa Volleyball." Tumayo ako.



"Unnie, paano kung manuod sila bukas?" Malungkot na tanong ni Seulgi.



"Hindi yan. Wala naman silang panunuorin na hoobae kaya 100% sure na hindi sila manunuod." It's true. Alangan namang manuod pa sila para icheer kami? Ang bastos lang tignan.



"Eh! Lovelyz kalaban natin bukas, alam mo namang close sila sa Lovelyz."



"Alam mo ikaw, tigil tigilan mo na yang kakaisip mo ng kung anu-ano! Eh ano naman kung manuod sila? Hindi ka naman sasakmalin ni Jimin, e. Liit liit nun, e." Umiirap na sabi ko.



"Unnie naman!"



"Naririndi na ako sayo, unnie." Inis na sabi ni Joy mula sa likod namin.



"Hoy ikaw! Magbebreak din kayo ni Sungjae, kala mo." Siniko ko naman sya. Bitter amp.



"Okay lang! Tanggap ko dahil walang forever!" Sabi nya at inunahan na kami sa pag akyat ng hagdan.



"Kay God may forever." Mahinang sabi ni Yeri at umiling.



Kinabukasan, syempre maaga akong nagising. Araw araw naman, wala nang bago dun.


Anyways highways, nagprepare na ako ng breakfast namin dahil mamayang gabi na ang game namin. Buong araw kaming magpapahinga ngayon.


"Goodmorning unnie! God bless." Masiglang bati ni Wendy. Tumango lang ako at nagpa tuloy na sa pag luluto.


Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon