Trenta

779 39 13
                                    

"Oh Jimin, bakit?" I tried to calm my voice. Kung malungkot lang din ang maririnig na boses ni Jimin mula sa akin ay lalo lang din syang malulungkot.

I heard him sigh, "Napanuod mo?" Tanong nya. Napalunok ako nang pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan.

"Alin?" Maang-maangan.

"Taehyung and Seulgi's wedding..." tumulo ang mainit na likido mula sa gilid ng aking mata. Hindi agad ako nakasalita dahil baka mahalata nya.

"Hmmm..." tumango ako as if nakikita nya ako.

Parang tinutusok ng kutsilyo ang dibdib ko. Ako nalang lagi ang nasasaktan sa relasyon naming ito, ako nalang lagi nagseselos, ako nalang sumusuyo, ako nag-aayos.

At baka ako nalang din ang may gusto.

"Noona... pwede kami pumunta dyan?" Nagulat ako sa tanong nya at the same time kumabog ang dibdib ko.

"S-sino kasama mo?" Galit ako sa kanya diba? Bakit masaya pa ko kapag iniisip kong sasama sya kay Jimin?!

"Si J-hope, noona..." napanganga ako sa sinabi nya. Oh, so hindi sya kasama? Well, wala si Seulgi dito sa dorm kaya baka magkasama sila para sa We got married nila.

Ang tanga ko na umasa ako sa sinabi ni Taehyung. Akala ko talaga magagawan nya ng paraan, pero sino nga ba sya? Idol lang sya at nakapirma pa ng kontrata, hindi sya pwedeng basta-basta umayaw nalang sa mga projects.

"S-sure... nandito ang Twice at NCT," nagpaalam syang magbibihis na muna daw bago pumunta ng dorm.

Inayos ko na din ang sarili ko para bumaba. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa aking reflection sa salamin.

Bumaba ako. Naabutan ko silang nanunuod ng We got married. Napatingala silang lahat sa akin at natarantang pinatay yung TV.

"Sabi ko sayo Chenle, huwag na tayong manuod e!" sabi ni Joy saka ngumiti ng pilit sa akin.

"Anong ako? Diba kayo-" tinakpan ni Yeri ang bunganga ni Chenle.

"Ang daldal mong intsik ka!"

Ngumiti ako sa kanila. Kitang kita ko sa mata nilang nag-aalala sila sa nararamdam ko pero ayokong kinakaawaan.

"Pupunta si Jimin at J-hope..." sabi ko at nagtungo ng kusina para tignan kung may pagkain pa.

"Ha? Bakit daw? Hindi kasama si..." hindi matuloy ni Wendy ang kanyang tanong.

Nakita kong ubos na ang dala ng NCT kaya magluluto nalang ako. Kahit ramyun nalang. Tinititigan ko ang tubig na pinapakuluan ko.

Ano kayang ginagawa nila Taehyung? Nakakainggit naman. Kahit scripted lang ay nalaman ng ibang tao na may "sila"

Naramdaman kong may pumasok sa kusina kaya nilingon ko iyon. Ngumiti ako kay Taeyong.

"Nauuhaw ka?"

Hindi nya ako pinansin. Diretso lang sya sa akin habang ang kanyang mukha ay hindi manlang makitaan ng humor. He's looking at me intently, diretso sa mata ko kaya nataranta ako.

"A-ah..."

Lumapit sya sa akin. Bumaba ang tingin nya sa kunukulong tubig, pero I tried to move pero hindi kumikilos ang katawan ko.

"Taeyong..."

Humalakhak sya at umiling. Lumayo sya sa akin saka kinuha ang ramyun sa gilid. Sya na ang nagluto. Alam kong magaling sya kaya hinayaan ko nalang.

"Ano nanamang ginawa sa'yo nung lalaking yun?" Seryosong tanong nya habang nagluluto. Hindi ko alam kung ako ang kausap nya kaya hindi ko sya sinagot.

"Joohyun..." nanlaki ang mata ko saka napatingin sa kanya.

"H-ha?"

Tumawa sya, "Hindi ka pa din nagbabago..." tinikman nya ang kanyang niluluto saka nilapag ang kutsara sa gilid.

"Okay na to," sabi nya saka kumuha ng bowl at nilipat nya dun ang ramyun. Saktong dumating sina Jimin.

"Yo nigga!" Sigaw ni J-hope.

"Si Irene noona?" Rinig kong tanong ni Jimin.

Ngumisi ako at binuhat ang ramyun na luto ni Taeyong. "May lason to!"

Nagsigawan silang lahat ng makita ang ramyun. Nagsilapitan silang lahat ng ilapag ko iyon sa table.

"Luto mo?" Tanong ni Jimin saka ngumisi pa at takam na takam na.

"Luto ni Taeyong to!" Sabi ko. Nilingon nilang lahat si Taeyong na umiwas ng tingin dahil sa attention na natanggap.

"What? That's an ordinary ramyun, walang especial dyan..." malamig nyang sabi saka umupo sa tabi ni Chenle. Wala sa sarili nyang binuksan ang TV.

Natahimik kami at pinanuod ang ginagawa ni Taehyung at Seulgi. Nakangising pinakita ni Taehyung ang singsing kay Seulgi saka nilagay iyon sa kanyang kamay.

Yun yung singsing na gusto nya ibigay sa akin nung isang araw!

"Hyung..." nakita kong siniko ni Mark si Taeyong saka nginuso ako. Papatayin nya sana ang TV nang pigilan ko sya.

Nanuod kami kasama sila Jimin, hindi ko maikakaila ang galit sa kilos at mukha nya. Para syang bomba na gusto nang sumabog.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong tapos na. Kanina pa din naman kasi sya nagsimula.

Hindi matanggal sa isip ko yung singsing na hindi ko tinatanggap sa kanya. Bigay yun ng fansite master nya, ang gusto ko lang naman bigyan nya ako ng singsing na hindi binigay sa kanya.

Pero kahit na ganun, masakit pa din makita na may iba syang inaalagaan maliban sa akin.

Lumabas ako ng gate nang walang nakakapansin. Kahit hindi nila sabihin, alam kong naaawa sila sa amin ni Jimin at ayoko ng ganun.

"Irene!" Nagulat ako nang makita si Jungkook. Tumakbo sya saka hinawakan ang balikat ko.

"Jungkook... anong ginagawa mo dito?" Sinandal nya ang dalawa nyang kamay sa kanyang tuhod saka hinabol ang kanyang hininga.

Kumunot ang noo ko, "Okay ka lang?"

Tinignan nya ako habang hinihingal sya. His serious eyes met mine, "Ikaw ang tatanungin ko nyan..."

"H-huh?"

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako sa mata, "Are you okay?"

Tumawa ako, "Oo naman, bakit hindi?"

Nagulat ako nang yakapin nya ako. Parang gusto kong umiyak nang maramdam ko ang comfort sa balikat nya. Lumunok ako para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak.

"Dapat nag-isip ka munang mabuti noon bago mo sya binigyan ng chance..."

Yan din ang gumugulo sa utak ko. Tama bang binigyan ko sya ng chance? Kung hindi, edi sana hindi ako nasasaktan ngayon.

"Ilang beses mo na syang binigyan ng chance pero bakit pag dating sa akin, hindi mo ko mabigyan kahit isang beses lang..." bulong nya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko din alam! Nasasaktan ako ni Taehyung pero sa kanya lang din ako sumasaya.

"Kahit isang beses lang..." ulit na bulong nya. Narinig ko ang mahina ng hininga sa aking tenga.

Ang kaninang luha na pilit kong pinipigilan ay bigla nalang bumagsak nang makita ko ang dalawang tao sa harapan ko ngayon.

---------
Votes and comments! Kailangan ko ibalik ang JungRene kasi mas feel ko sila hihi.

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon