Sampu

1.3K 69 4
                                    

After one week, bumalik na din kami. Uuwi sana ako ng Daegu para bumisita kila Mommy kaso magkakaroon kami ng comeback para sa The Velvet album namin. (Sana nga meron)

"Irin! Tignan mo to." Inabot ni manager four yung cellphone nya sa akin at pinabasa yung news. Dumungaw na din sila Wendy para makichismis.

"V is dating a fansite master? Sino?" Naka kunot noong tanong ni Yeri pagkatapos mabasa yung news.

"Wala naman na kayo, diba?" Tanong ni manager three. Tumango ako. Oo nga, wala na kami pero it doesn't mean na wala na akong nararamdaman sa kanya. Hello?! Two weeks ago palang ang nakakalipas pagkatapos ng pag uusap namin sa isla tago.

"May isa pa, si Sujeong naman. Mas mukhang legit," pumindot pa si manager four sa kanyang cellphone at akmang ipapakita nya sa akin nang hablutin iyon ni Seulgi.

"Practice na tayo," iritang sabi nya.

Nag practice kami ng buong araw pero ang isip ko ay lumilipad. Pag sa iba, okay lang sa kanya makipag date kahit na may mga news na. Pero pag sa akin, hindi pwede?

"Unnie, wag mo nang isipin yun." Lumapit sa akin si Wendy pagkalabas na pagkalabas nila manager sa practice room.

"Ang weird nila manager, parang tuwang tuwa pa." Umiiling na sabi ni Joy.

Ngumiti ako. "Ano ba kayo, okay lang no! Tsaka may closure naman kami nung nasa isla tayo."

"Naiinis din ako kay Jimin!" Iritang sabi ni Seulgi tsaka inoff yung phone at binato sa may bag nya.

"Oh? Ano? Sawa na kayo sa paglalandian? Ako kasi sawa na." Sarcastic na sabi ni Wendy.

"Ang bitter mo sa amin! Porket ayaw sayo ni Hoseok." Nakasimangot na sabi naman ni Seulgi.

Nanlaki ang mata ni Wendy. "For your information, ateng, sya na ang may gusto sa akin ngayon!"

"Bakit ba?" Rinig kong tanong ni Joy kay Seulgi nang hindi ito mag tigil sa pagkakairita habang binabanggit ang pangalan ni Jimin.

"Tinanong ko lang naman kung totoo yung news tapos sasagutin nya ako nang 'sige, may gagawin pa ako' diba nakakainis?" Nag dabog dabog pa sya.

"Ha? Seriously, Seulgi, hindi ko makita kung saan doon ang nakakainis."  Sabi ko.

"Palibhasa kasi masyado kang understanding! Kahit nga ata masaktan ka ng todo, e, mapapatawad mo pa din si Taehyung." Mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.

Ngumiti ako. "Hindi naman mababago yung nangyayari kapag hindi ko patatawarin si Taehyung, e."

"Shut up na nga! Wag na nga natin pag usapan ang mga lalaki. Let's have fun! Ano?" Sabi ni Yeri. Napa tingin kaming lahat sa kanya at sabay sabay namin syang binatukan.

"Anong let's have fun ka dyan! Kita mong kailangan nating magpractice." Umiirap pa si Joy.

Napansin ko naman na kinuha ni Seulgi yung phone nya tsaka inopen. Hindi nakatiis. Tumili pa sya, dahilan kung bakit napa tingin kaming lahat sa kanya.

"May comeback din sila! Sabay sa atin." Tsaka sya nag type nang irereply siguro kay Jimin. Tahimik naman kaming apat.

"Pano yan?" Napa tingin sa akin si Wendy.

"Kaya na ni Unnie yan. Tara kain," aya ni Joy. Wala talagang kwenta tong Sooyoung na to tss.... pero totoo, wala na sa akin yun. Okay kami pero hindi ko alam kung kaya ko pa syang kausapin.

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon