Labing siyam

1K 54 6
                                    

"Hoy... anong sasabihin ko?" Pabulong na sabi ko sa phone. Tinakpan ko yung mukha ko dahil nasisilaw ako sa flash ng camera.

"Just tell the truth..." seryosong sabi nya. Napa ngiwi ako. Gusto ko din ipublic yung relationship namin pero gusto ko pag nireveal namin yun, kaming dalawa ang aamin.

"Taehyung..." nagmamakaawang sabi ko.

"Excuse me... excuse me..." may lalaking lumapit sa akin pero since tinakpan ko yung mukha ko ay hindi ko nakita kung sino.

Lumapit sya sa akin tsaka ako hinigit. Imposibleng si Taehyung to dahil naririnig ko pa sya sa kabilang linya. Siguro si Bugom...

"And now, BTS' Jungkook?" Sabi ng reporter. Huh?!

Bago ko pa sya lingunin ay tinakpan na nya yung mukha ko gamit ang jacket. Jungkook? As in Jeon Jungkook?!

"Takpan mo." Nasagot ang kung ano mang tanong sa isip ko nang marinig ko uli ang boses nya.

"J-jungkook?" Halos bulong na tanong ko.

"Anong Jungkook? Nandyan si Jungkook?" Tanong ni Taehyung sa kabilang linya. Hindi ko naman sya nagawang sagutin.

"Hey... anong ginagawa ni Jungkook?"

"Mag iingat ka kasi sa susunod." Ani Jungkook pagkarating namin sa sasakyan. Narinig ko ang mura ni Taehyung sa kabilang linya.

"Taehyung, mamaya nalang ako tatawag." Paalam ko. Umalma pa sya pero binaba ko na.

"Uh?" I don't know how to start a conversation. Ang awkward dito sa loob ng sasakyan, I want to ask him sana kaso mukhang hindi sya sasagot ng tanong.

"What is it?"

"I just want to ask... kung anong ginagawa mo sa MB?" Ngumiwi ako sa hiya. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya! Urgh, I hate this feeling!

"Nothing."

Sabi na, e. Sabi na! Kaya ayokong mag tanong kasi ganyan din lang naman isasagot nya.

Buong byahe kami tahimik. Panay ang tunog ng cellphone ko dahil sa mga text ni Taehyung. Hindi ko din sinasagot yung tawag nya.

"Answer it..." iritang sabi ni Jungkook nang tumunog muli ang phone ko.

Umirap ako. It's Taehyung. Tinaggal ko yung battery ng cellphone ko para hindi na uli makagawa ng ingay. Mamaya ko na sabi kakausapin si Taehyung, e!


"Oh? Bakit?" Gulat na tanong nya sa ginawa ko. Umiling ako. Inuwi nya ako hanggang dorm.

Ngumiti ako sa kanya. "Thankyou!"

"Anything for you..." medyo bulong na sabi nya pero sapat na para marinig ko.

Pumasok ako sa loob. Tarantang napa tingin sa akin si Seulgi habang nanunuod sila, I guess binalita na yung nang yare.

"Bakit nandun si Jungkook?" Kunot noong tanong ni Wendy.

"Peg ebeg, unnie!" Sagot ni Yeri.

Binuksan ko yung phone ko at tinawagan si Taehyung. Naka ilang tawag ako pero hindi nya sinasagot.

"Patext naman si Jimin, Seulgi." Nakuha naman nya ang ibig kong sabihin kaya tumango sya.

Tinawagan ko uli si Taehyung at tatlong ring palang ay sinagot na nya.

"Oh?" Napataas ang kilay ko sa pag sagot nya.

"Nandyan na ba si Jungkook?" Tanong ko.

"Oo."

"Ano nanaman ba, Taehyung?"


"Tsss... naging mas kumplikado lang lahat dahil sa ginawa nyo!" Iritang sabi nya.

"Alam ko. Pero kung hindi dumating si Jungkook, hindi ako makaka alis dun." Pinaliwanag ko sa kanya na walang kasalanan si Jungkook.

"Yeah right... pwede namang akong antayin diba?"

"Wala ka namang sinabi, a?"

"Kailangan pa bang sabihin? Tingin mo hahayaan kitang magisa doon? Tss..."

"Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo, Taehyung. Naiirita ako."

"Bakit ikaw lang ba?" Luh sya! Dapat ako nga ang mairita, e. Sya tong wala, sa oras na kailangan ko sya!

"Wag na muna tayong mag usap."

"Huh? Ano? Bakit!?" Mabilis na tanong nya. Pabebe kasi, bwisit!

"Wala. Bwisit ka! Pasalamat talaga kay Jungkook..." sarcastic na sabi ko.

"Oo, pasalamat ka, nabugbog ko sya."

Nanlaki ang mata ko. "Ano!? Dayum! Ano nanamang katangahan ang ginawa mo, ha, V?!"

"Tanga naman lahat pag dating sa pag-ibig, diba?" Oh tapos anong hinuhugot hugot neto ngayon?

"Pumunta ka dito." Utos ko.

"Pupunta talaga ako kahit hindi mo iutos! Kailangan nating mag usap."

Nag intay ako ng ilang minuto bago sya naka rating. As usual, may kasama nanaman sya. Si Jimin at Hoseok.

"Bakit mo binugbog si Jungkook!?" Hindi nya ako pinansin. Hinigit nya ako hanggang sa kusina.

Niyakap nya ako. "I miss you!"

"Let me go! Hindi tayo bati." Pumiglas ako.

"Binibiro lang kita! Bakit ko namang bubugbugin si Jungkook, diba?"

"Sarcastic! Tss... binitawan mo nga ako. Mag uusap tayo diba?!"

"Bukas haharap tayo."


"Malamang! Alangan namang tumalikod, diba?" Inis na sabi ko.

"Ha Ha funny!"


"Pero seryoso? Bukas talaga? Hindi pwedeng sa susunod na araw naman?" Napa lunok ako.

Hinarap nya ako. "Oh? Akala ko ba strong ka?"

"Tss... ikaw lang naman nagsasabing weak ako!" Umirap ako sa kanya. Tumawa sya.

"Sige na... prepare yourself for tomorrow."

This is it! Hindi ba masyadong mabilis? Tanggap kaya kami? May magagalit kaya sa akin? Haayy... overthinking...

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon