Pang-walo

1.3K 72 5
                                    

"Taehyung, balik na tayo?" Magiisang oras na kaming naka upo dito pero wala namang nagsasalita.

"Ayaw mo na ba akong makasama?" Napa tingin sya sa akin. Hindi ko na maaninag ang mukha nya dahil madilim na.

Hindi ako nag salita. Para saan pa yung ginawa at sinabi nya noon kung magiging ganto naman pala sya? Gusto lang ata nya ako saktan, e. Hindi ko din alam kung bakit kahit nasaktan ako e hindi ko pa din kayang magalit sa kanya.

"Pwede favor?" Tanong nya. Tapos favor pa? Ang kapal na talaga ng mukha nya! Kung sya kaya saktan ko ngayon? Physically and Emotionally?!

"Hindi pwede." Mataray na sabi ko. Pagka tapos ng ginawa nya, hihingi pa sya ng favor? Inirap irapan nya ako kanina! Tapos tinanggap nya yung tubig na bigay ni Sujeong! Nag ngitian pa sila, tapos favor!?

Tumawa sya. "As expected..." Huminga sya ng malalim. So curiousity kills me! Kasi nga, sumuko agad sya.

Lumunok ako. "So what is it?"


"Hindi na. Ayaw mo, e." Kahit hindi ko maaninag ang mukha nya ay alam kong naglalaro ang ngisi sa labi nya. What the fuck!


"Jerk..." Umirap ako. Pinagisip nya lang ako kung ano favor nya. Pinaglalaruan nanaman nya ako.


Tumawa sya ng marahan. "Pwedeng akin ka habang nandito tayo sa isla tago tapos pag balik natin, you know, balik sa dati." So I assumed, yan yung favor nya. Bakit kailangang hanggang dito lang kung pwede namang pati pag balik? I won't deny it, mahal ko pa din sya. Kaya ko syang bigyan ng second chance kung hihingi sya.


"Really Taehyung?" Sarkastiko kong tanong.


"Ayaw mo?" Ako pa talaga ang tinanong nya ng ganyan! Para namang wala akomg choice na humindi. The fuck, Taehyung. Stop playing with my heart!


Pero in the end, "Okay." Pagibig ang nag hari. Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko or what. Parang pinayagan ko lang sya na paasahin ako or option.


Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko. "Thankyou, Irene." Kita ko ang ngisi sa mukha nya. "I love you,"

Napanganga ako na para bang ang tagal tagal ko ng hindi naririnig mula sa kanya ang mga salitang 'yun. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko sya. Tumawa sya tapos niyakap na din ako pabalik ng mas mahigpit pa kaysa sa yakap ko.


"I really love you, Bae." Pumikit ako at ninamnam ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya ngayon, dahil alam ko, pag balik namin, hindi ko na to muling maririnig pa.

"I love you too...." Walang duda.


"It feels like a dream." Bulong nya. Humiwalay ako at takang tinignan sya.

"Huh?"

"Akala ko hindi na kita mayayap pa." So it's mutual, I think.


Nakangiti lang ako kinabukasan. Hindi naman nila nahalata na matagal kaming nawala ni Taehyung kaya wala din nakahalata na may tinatago kami.


"Goodmorning. God bless you, Seulgi!" Masayang bati ko habang nagtatali ng buhok.

Ang maliit na mata ni Seulgi ay nanlaki, dahil syempre sa bati ko. I don't usually greet pag umaga.

"Nyare, unnie? Anyway, Goodmorning and God bless din!" Ani Wendy. First time nya ako pinansin after nung pagtatampo nya sa akin.

"Bawal maging masaya?" Ngumiti ako. "Tara, labas na tayo."


Paglabas namin, si Jimin at Taehyung palang ang gising. Napangisi agad si Taehyung nang makita ako. Nakahawak ang isang kamay nya sa mug habang nagkakape at ang isang kamay naman ay nakabulsa.


"Goodmorning, Babe!" Bati ni Jimin.



"Yan nanaman sila." Bulong sa akin ni Wendy habang titig kay Seulgi at Jimin. Hindi ko naman sya pinansin dahil nginingitian ko si Taehyung.

"Coffee or Milk?" Tanong ni Taehyung sa akin na syang kinagulat ni Wendy.


"Seriously? Naligaw ata ako." Iritang sabi ni Wendy saka pumanhik sa room ng dalawang maknae.

"Ang aga mo, a?" Pumasok ako sa kitchen para magtimpla ng gatas. Sumunod naman sya.


"Excited akong makita ka, e." Titig na titig sya sa akin habang nakangisi.

"Narinig ko na yan dati, Taehyung, wala ng epekto." Sabi ko habang nagsasalin ng asukal.


"Yeah... bakit ka namumula?" Napatingin ako sa kanya, malalim ang mga tingin nya sa akin habang naglalaro ang ngisi sa labi nya. Mukha syang may masamang balak.



"Sinong namumula? Not me." Proud na sabi ko.



Nilapag nya ang mug sa lamesa at lalong lumapit pa sa akin. Hinawakan nya ang upuan sa gilid ko kaya nag mukhang nakahawak sya sa baiwang ko.

"Baka makita nila tayo..."


Tumawa sya. "Hindi naman tayo nagtatago, Irene."



"Eh! Baka ayaw mo, kasi diba hanggang dito lang?" Inosenteng tanong ko.


Sumeryoso naman sya. "Hindi naman sila magsasabi sa iba." Sumikip ang dibdib ko. Ayaw nya malaman ng iba na kami? Dahil kay Sujeong? Well Irene, ginusto mo yan. Ikaw nag desisyon kaya walang dapat sisihin.


Umiwas ako. "Hmmm, okay na gatas ko. Tara?" Fuck it!


Sumunod naman sya sa akin. Napatingin ako kay Jungkook na kalalabas lang sa kwarto nila. Ngumiti sya sa akin so I smiled back.


"Don't smile at other guys infront of me." Napatingin ako kay Taehyung na titig na titig kay Jungkook.


"Hi Baechu! Goodmorning, ang aga mo?" Masiglang bati ni Jungkook. Hindi manlang nya napansin na nasa likod ko si Taehyung.


"Ah..." hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ramdam ko ang titig ni Taehyung sa likod ko.


"Jungkook..." seryosong sambit nya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila nalang sya palayo kay Jungkook. Baka mag away sila, kilala ko pa naman si Taehyung. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong makita kung ano ang reaction ni Jungkook dahil baka hindi ko na mapigilan si Taehyung.


Umupo kami sa buhangin. Medyo malayo sa iba. "Ang mean mo kay Jungkook." Naalala ko pa na nasiko nya si Jungkook noong naglaro sila ng basketball.


Napatawa sya ng sarcastic. "Napansin mo pala?"


"Pansin na pansin! Pati yung pagsiko mo sa kanya." Nanliit ang mata ko. Ganun na ganun sya kapag nagseselos sya nung nasa Daegu palang kami....


"Pansin mo pero bakit hindi mo padin iniwasan?" Sabi nya. It sounds familiar, yung mga katagang sinabi nya. Then suddenly may naalala ako, noong nasa Daegu kami, pag ganoon na sya umasta sa mga lalaking lumalapit sa akin ay iniiwasan ko na. One time kasi, yung kaibigan ko, pinapalayo nya sa akin pero hindi nya sinabi kung bakit, syempre hindi ko nilayuan. Tapos nalaman ko the other day, binugbog nya yung lalaki dahil sa sobrang selos nya, aniya.




"So gusto mong layuan ko si Jungkook?" Nakataas ang kilay ko. Hindi naman pwede yun. Member din ng BTS si Jungkook tsaka alam kong magkapatid na ang turingan nila.



"Alam ko, ayaw mo." Yumuko sya. "Pipilitin ko nalang wag magselos."

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon