Labing walo

1.1K 58 14
                                    

Napa yuko nalang ako at hindi alam kung ano ang irereason kay manager three.

"Irene?" Tawag nya kaya napa angat ang tingin ko. Nakita ko ang mukha nyang galit na galit.

Napakagat ako sa labi ko. "I'm sorry, manager..."

Umiling sya at tumingin sa taas at akmang aakyat. "Unnie, wag!" Damn! Nandoon si Jimin at Seulgi!

Nilingon nya ako. "Akala ko matured ka na mag isip?" Nakaka insulto, oo! Pero hindi ko pa din hahayaang makita niya sila Seulgi.

"Unnie, please..." alam kong alam nya na kung sino ang nasa itaas. Hinawi nya ang kamay ko kaya napa upo ako sa sahig, agad naman akong tinayo ni Taehyung.

"Nakaka dissapoint ka, Irene." Umakyat sya. Napa tingin ako kay Wendy na naka tingin lang sa akin. Ano!? Hindi sya aalma? Takot nanaman ba sila!? Yeah right, ako nalang.

Tumakbo ako paakyat. "Irene!" Dinig ko pang tawag sa akin ni Taehyung.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto nang marinig ko ang tawanan. Huh?

"Nalulungkot ako, baka nasaktan ko si Irene..." rinig kong sabi ni manager three.

Okay, so anong nangyayare dito sa dorm?!

Binuksan ko ang pinto. "Unnie!" Tawag ko.

Gulat silang napa tingin sa akin. "Oh?"

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU~" nanlaki ang mata ko at napa tingin sa may hagdan. Nandun sila pati na din si manager four na may hawak ng cake. Bday ko? Kailan pa?

"Naka limutan mo talaga?" Gulat na tanong ni manager four.

Nahihiya akong tumango. Napa tingin ako kay Taehyung, tumango lang sya habang ngiting ngiti sa akin.

"Alam mo, Irene, we admit na mali kami. Tao lang din naman kayo," umpisa ni manager three habang kumakain kami.

Nagkibit balikat ang manager nila Taehyung na si Two. "Pag hinihigpitan, lalong nagrerebelde." Aniya tapos naka ngising tumingin kay Taehyung.

"Inggit lang kayo kasi maganda girlfriend ko!" Ngising sabi nya sa dalawa nilang manager.

Tinaas ko ang kilay ko sa kanya. "Hoy anong girlfriend ka dyan! Binreak mo ko kaya hindi mo ko girlfriend!"

"Aw. Boom panet!" Sigaw ni Yoongi.

"Irene naman, wala na ngang kontra bida sa love story natin tapos ganyan ka pa! Wag ka ng pabebe." Binatukan ko naman sya. Epal, e.

Medyo gabi na ng iwan kami nila manager. Hahayaan daw nila kaming mag bonding dahil ilang araw nalang come back na namin. Same day pa naman.

"Let's have fun!" Sigaw ni Namjoon.

"Let's have fun ka dyan! Puro ganto nalang inaatupag mo. Pag hihiwa pa nga lang ng sibuyas hindi mo alam!" Sermon ni Jin.

"Luh?! Epal." Nilayasan sya ni Namjoon.

"Hoy!" Nilingon ko si Hoseok sa pag aakalang ako ang kausap nya.

"Hoy, ano? Iiwasan mo nalang ako? Harapin mo nga ako!" Napa ngiwi ako. Mga takas sa mental!

"Sino bang kausap mo?!" Iritang tanong ni Wendy.

"Yung electric fan! Ayaw nga sumagot, e. Bastos! Iniiwasan pa ako. Napaka hangin talaga!" Irap na sabi nya. (Cr to monggi love story! Hehe <3)

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon