Labing anim

978 56 3
                                    

four chapters nalang...
---------------

Ginanahan ako maglaro nang makitang lamang na lamang kami. Beastmode na si Wendy kaya spike nang spike, mukhang gusto nya din tamaan sa mukha si Yein.

"Kalma, Wen!" Sigaw ko.

Medyo mahirap kasi apat nalang kami. Nauunahan kami dahil baka walang maka tama sa bola.

"Kaya nyo yan, guys!" Napa tingin ako kay Jungkook na nakatayo na. Nag aakalang sa Lovelyz nya sinabi yun pero naka tingin sya sa akin.

Napa ngiti ako at tumango. Atleast may isang tao parin na inaalala na kailangan namin ng suporta.

Nabwisit si Yein kaya nag spike uli. Muntik na nyang matamaan ang mukha ni Joy pero buti nalang mabilis umiwas si Joy.

"Pusang gala!" Sigaw ni Joy at gusto nang sugurin si Yein pero pinigilan sya ni Seulgi.

Nanalo kami. Lamang lang kami ng dalawang puntos. Pinuntahan namin si Yeri na naka upo sa gilid. Naka bihis na sya at naka cap.

"Galing galing!" Sigaw nya.

"Okay ka na?" Tanong ni Joy.

"Naman! Ako pa ba? Bola lang yun, no." Ngumisi sya tapos tumingin kay Jungkook at tumango.


Kinabukasan, wala kaming game kaya maggrocery muna ako.

"Eto lang? Baka may kulang pa?" Sarcastic na tanong ko. Paano ba naman, ang dami nilang sinulat tapos ni-isa sa kanila, ayaw akong samahan!

"Hmm... kailangan ko pala ng bagong toothbrush! Pasingit nalang, unnie." Ani Seulgi. Napa taas ang kilay ko. Seryoso sya?!

Umirap ako. "Ang kakapal ng mukha nyo. Sige na! Alis na ako," perks of being a leader. Bata pa ako, ginagawa na nila akong lola. Take note, ha! BATA pa.

"Pssst!" Lumingon ako pero wala namang tao.

"Pssst Joohyun!"

"Bwisit!" Hindi ako lumingon. Naka cap at shades naman ako, kung fans man to.

Humalakhak ang isang tao sa gilid ko. Umirap ako ng mamukhaan sya. Eto nanaman.

"San punta mo?" Tanong nya. Hindi ako lumingon.

"Date."

"Date? Date tayo?" Ngumisi sya. Nanliit ang mata ko, "Joke lang, eto naman! Sama ako!"

"Date nga e, diba? Tapos sasama ka?!"

"Sus, gusto mo talaga ng date, ano? Eh maggrogrocery ka lang naman." Hinawakan nya yung wrist ko at hinila. Nagpumiglas ako.

"Ano ba! May date nga ako."

"Narinig ko, Joohyun. Narinig kong maggrogrocery ka lang," aniya. Binuksan nya yung pinto at tinulak ako papasok, ngumisi sya sa mukha ko bago pumasok sa kabila.

"Ano nanaman ba, Taehyung?"

"Wala. Bawal ka mamiss?" Umirap ako. Miss nya, mukha nya! Ang gulo gulo nya, hilong hilo na ako sa pinaggagagawa nya sa sarili nya.

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon