Twenty Uno

959 37 10
                                    

Kauuwi ko lang po galing Overnight Prayer kaya sorry kung may mga typos. Sobrang antok na HAHA

Comment please! =)))
-------------

"Yeri, ako mag aayos ng hair mo!" Nag tawanan sila ni Seulgi pagkatapos ay lumapit si Yeri para ayusan.

"Teka, Joy! Kumain ka ba ng breakfast kanina?" Malambing na tanong ni Wendy.

"Oo no! Sarap nga nung niluto mo kanina. The best ka talaga, Unnie!"

Bakit nung nagising ako kanina, wala ng ulam sa mesa? Nauna silang nakarating dito sa Music Bank dahil nag pahuli talaga ako ng gising.

"Unnie, kakausapin na natin sila Manager mamaya diba?" Tanong ni Yeri.

Nasa sulok lang ako. Nakatingin sa salamin.

"Oo nga! Para naman mapalitan na Leader natin..." sabat ni Wendy.

Napalunok ako. Ilang taon kong pinangarap na maging Leader, alam nila iyon. Kaya nung dineclare na ako ang Leader ng RV, sobra sobra ang saya ko.

"Ano kaya kung ayain natin ang BTS sa dorm mamaya?" Tanong ni Joy.

"Ano ka ba! Papayag kaya? E alam mo namang may nagpagulo ng relationship natin sa Bangtan, e..." pasimple akong sinulyapan ni Seulgi saka inirapan.

Bumuntong hininga ako. Tumayo ako at lumabas. MC ako ngayon kaya may excuse ako.

"O? Diba okay na kayo ni Taehyung?" Tanong ni Bugom. Natigil sya sa pagbabasa ng script.

"Ewan..."

Kung galit ang girls, sana si Taehyung, hindi.

Kumunot ang noo nya sa akin. "Bakit?"

Tinignan ko sya. "Wala kang napanuod na video kong kumakalat?"

Nag isip pa sya. "Meron! Usap usapan kanina sa loob... pero wala akong time panuorin."

"Ako yun." Mahinang sabi ko.

"And?"

"Ako at si Jungkook."

"Jungkook? As in Jeon Jungkook?!" Gulat na tanong nya.

Tumango ako. "Yeah..."

"Kaya pala..." rinig kong bulong nya.

"Anong kaya pala?"

Nilingon nya ako. "Kaya pala narinig ko sa mga Twice na icocomfort daw nila si Taehyung!" Matalim nya akong tinignan.

"What? May story kasi yun!"

"Naniniwala ako sayo... pero paano yung iba?" Umiling sya at nag basa na uli ng script.

Nubato! Akala ko naman pagagaanin nya ang loob ko. Pero atleast naniniwala sya sa akin.

"Magbasa ka na ng script. Bawal daw magkamali ngayon," aniya habang tutok sa script.

Binasa ko iyong script kaso wala talagang pumapasok sa utak ko.

Nag simula na kaming mag MC ni Bugom. Nabubulol ako kasi hindi ko inaral yung script ko.

"Hoy! Muntik ka na kanina..." ani Bugom sa akin. Pinupunasan ang kanyang noo dahil tagatak kami sa pawis.

"Oo nga..."

"Inaral mo ba script mo?" Tanong nya. Umiling ako, alam naman nya siguro kung bakit.

Bumalik kami ni Bugom sa dressing room. Nakiki share sya sa amin dahil sabay naming inaaral ang mga script.

"Bugom Oppa!" Nanlaki ang mata ko kay Wendy. Hindi naman sya ganito dati, a?

"Oh?" Halatang gulat din si Bugom.

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon