Pangatlo

1.8K 82 13
                                    

Irene's POV

Pag dating namin sa dorm, abala na agad sila sa paghahanda. Inabala 'ko naman ang sarili 'ko kay Taehyung, ang maarte 'kong unggoy.

"Ano bang ginawa 'ko?" nag pout ako sa harap nya. Hindi umuubra ang pacute kay Taehyung pag galit sya.

"Wala," tipid na sagot nya. Dapat nga magpa salamat pa ako dahil sinasagot nya mga tanong 'ko, e. Kesa naman mag salita ako mag isa, diba?

"Bakit hindi ka namamansin?"

Tinignan nya ako pero saglit lang. "Pinapansin naman kita, a?"

"Pero galit ka?" and there! Hindi na sya sumagot. Mababaliw na ata ako kakaisip kung ano ba talaga ang nagawa 'kong mali.

"Mamaya na landi, tumulong muna kayo." napatingin ako kay Yoongi. Langya! Alam naman nilang sinusuyo 'ko 'tong alien, e.

"Taehyung," sumimangot ako. Tinignan nya lang ako saka inirapan. Ah ganun? Bwisit! Effort na effort akong magka ayos kami kahit na hindi 'ko naman alam 'yung dahilan kung bakit sya nagtatampo, tapos iirapan nya lang ako?

Padabog akong tumayo at pumunta sa kusina. Bahala nga sya sa buhay nya! Ang dami nyang arte, mas maarte pa sa babae. May regla ba sya? Kung mairita sya dinaig nya pa ang babaeng may regla!

Tapos pag may camera, akala mo kung sinong makulit. Tsk! Ang sungit sungit kaya nya!

"Biyernesanto, Irene?" biro ni Namjoon habang binabantayan si Jin na nagluluto.

"Nabbwisit na ako dun sa kaibigan nyo! Kausapin nyo nga," kumuha ako ng carrots tsaka kinain. Binuhos 'ko lahat ng frustration 'ko sa kanila.

"Sinuyo mo na ba?" tanong ni Jin.

"Kanina pa! Nagpa cute na nga ako, wala padin." umub-ob ako sa mesa.

"Pacute ka nga," utos ni Jin na tumigil pa sa paghahati ng sibuyas para lang tignan ako.

'Nung nagpacute na ako ay sabay silang nag iwas ng tingin ni Namjoon.

"Langya kayo, a!" inambaan 'ko sila ng suntok.

"Nakakabwisit, Irene." seryosong sabi ni Namjoon habang umiirap sa akin.

"Kaya naman pala hindi umubra kay Taehyung," umirap pa si Jin sa akin at pinag patuloy na ang ginagawa nya. Nag pout naman ako.

"Hayaan mo na, hindi ka din matitiis 'nun. Ano ba kasing nagawa mo?" tanong ni Namjoon.

"Wala." sagot 'ko.

"Wala?" nakakunot noong tanong ni Jin.

"Oo, wala. Kaya nga mababaliw na ata ako kakaisip kung anong ginawa 'ko."

Pumunta si Jimin sa kusina at lumapit sa akin. Nakabusangot sya at halatang naiirita.

"Sinira 'yung flower," kibit balikat nyang sabi. Kumuha din sya ng carrots at kinain. "Bwisit na bwisit na ako sa isang 'yun!"

"Bakit sinira? Dahil galit sya?" tanong 'ko.

Tinignan ako ni Jimin, "Oo. Galit sya kasi sa akin mo daw inabot, hindi sa kanya."

"Yun! Yun naman pala," sabay na sabi ni Jin at Namjoon. Seriously? Dahil lang don? Si Jimin kasi 'yung katabi 'ko 'nun, edi lalo kaming mahahalata kung sa kanya 'ko pa iaabot diba?!

"Puntahan mo na," sabi sa akin ni Jimin. Tumayo ako at pinuntahan si Taehyung, sinabi naman sa akin ni Jungkook na pumunta daw sa kwarto.

May inabot na bulaklak sa akin si Yoongi. "Pampalubag loob,"

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon