Chapter 20 UNEXPECTED DATE?

ابدأ من البداية
                                    

Click*

Alam mo kasi yung nakablack tshirt siya with tattered pants, blond pa ang buhok at may stud earings, makikita mong ineenjoy ang strawberry pancake? Priceless.

Click*

"Aba Lexa, gagawin mo bang background picture mo yang mga pictures ko?" tanong niya.

"Asa ka, ang cute cute mo lang kasi" sabi ko.

Ngumiti siya ng malapad at nagwave siya sabay labas ng maliliit na dimples.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko, looking at him horribly.

"Pa-bebe wave, hindi mo alam yun?"

"Pabebe wave? Bago ba yun?"

"May TV ka ba? Or internet man lang?"

"Meron..pero..'di ko ginagamit" I poked my pancake.

Nadinig ko siyang nag sigh sabay tingin sa taas.

"Haaay Lexa, nacucurious na talaga ako sa'yo" sabi niya.

"Hehe, wala namang importanteng dapat malaman tungkol sakin" sabi ko at humigop ako nung hot choco, "Ahh! Hot! Hot!" sigaw ko sabay paypay ng bunganga ko, "napaso dila ko, huhu" sabi ko at inilabas ko ang dila ko para silipin ko sana.

Click*

"Wahahaha ang ganda ng kuha!" sabi niya sabay pakita sa akin yung picture kong nakalabas ang dila ko at naduling pa ako, "ano kaya ang magandang meme dito?" tanong niya nung binawi na niya yung phone niya.

"Nathaniel? Oh! Allexa! You're here too!"

Tumingin kami sa babaeng nagsalita.

"Hi Renee!" sabay naming bati ni Nathaniel. Nakared na naman siya! Red na cute dress with cute red wedge, pati yung pouch niya red. At dahil nakalugay siya, kapansinpansin na parang reddish ang buhok niya, pinakulay niya kaya??

"Wow, are you guys dating?" tanong niya at umupo siya sa tabi ko.

"Nagbebreakfast lang, dating agad?" tanong ko, tinignan ko si Nathaniel na umaaktong innocente, nagkibit balikat pa siya.

"Anyway, do you like the food here? Sabi kasi ng friend ko, they have good pancakes here" sabi niya looking at my pancake.

"Oo! Heto tikman mo!" sabi ni Nathaniel sabay subo ng pancake sa kanya pero bago pa naglanding yung fork with pancake sa mouth ni Renee, meron nang kamay ang pumigil sa kamay ni Nathaniel.

Dahan dahan naming tinignan kung sino yun.

"Hi Bryce?" sabay naming bati ni Nathaniel. Wow he looks so cool with his white Vneck at leather jacket! Naka beanie na naman siya na nakalabas yung brownish bangs niya.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Bryce kay Nathaniel.

"Sinusubuan ko si Renee?" sagot ni Nathaniel na parang natatakot na sa itsura ni Bryce.

Ooooh, I smell jealousy!

"Tabi" utos ni Bryce at mabilis na tumabi si Nathaniel kaya nagkatabi kaming dalawa. Round table kasi yung table namin tapos medyo maliit pa.

Inilagay ni Bryce yung isang plate sa harap ni Renee.

"Kainin mo na para makaalis na tayo" utos niya kay Renee.

"Bakit hindi ka kumuha ng sa'yo?"

"Hindi nga ako gutom" wala na namang energy si lolo Bryce.

"Sinabi mo sana para hindi na tayo pumunta pa dito!"

Me and My Boys VOLUME 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن