Chapter Thirty

58.3K 1.1K 27
                                    

Simmeon rested his chin unto her shoulder at saka iniyakap ng mahigpit ang mga braso sa baywang niya. Two flashes of camera and they're done. Inalalayan siya ng binata patayo sa malawak na garden. Katatapos lang ng kanilang pre-nuptial photoshoot. Suot niya ang replica ng gown na susuotin niya sa araw ng kasal nila.

"Do you want me to fetch you after your bridal party tonight?" Mabining tanong nito habang naglalakad sila. Kadarating lang nito noong isang araw, galing daw itong Beijing dahil may inasikaso itong business doon.

Umiling siya. "Wag na. Ihahatid naman ako nina Leah pauwi. At isa pa, diba may stag party kayo? Sayang naman kung aalis ka doon agad." Aniya. Mamaya din kasi ang stag party nito.

Humapit sa baywang niya ang braso nito. "You sure na okay lang sayo? I mean the stag party. Pwede ko naman icancel iyon kung ayaw mo." He said. Labis labis ang paghanga niya dito. Palaging ang gusto at opinyon niya ang pinakikinggan nito.

"Okay lang sa akin. At saka, nangako ka naman na walang strippers sa party hindi ba?" Sabi niya. Alam niyang tinutudyo ito ng mga kaibigan nito dahil ito mismo raw ang umayaw na magkaroon ng stripper sa stag party nito.

"Aanhin ko naman ang stripper kung ikaw palang sapat na." Pigil ang ngiting humarap siya dito.

Pinisil naman niya ang pisngi nito. "Alam na alam mo talaga kung paano ako bolahin ano?"

Ngumiti ito sa kanya."Mukha bang binobola kita?"

Pabiro siyang umirap. "Hindi mukha. Mukhang mukha."

Tumawa lang ito. Pagdating nila sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nito ay sandaling pinahinto siya nito. May kukunin lang daw ito sa loob ng sasakyan. "Stay here honey.. May kukunin lang ako." She was thinking na may pasalubong ito sakanya. Dahil noong dumating ito. Pero toys na para kay Vj ang dala nito. Gusto nga niyang magtampo dahil wala man lamang itong ibinigay sa kanya. Pero naisip niya, para naman sa anak nila ang lahat ng binigay nito kaya ayos lang.

Lumabas ito ng back seat at saka lumapit muli s akanya. Hawak ang isang brown envelope. Inabot nito iyon sa kanya. Nagtatakang tinignan niya ito. "Ano ito?" takang tanong niya.

"Open it." Utos nito s akanya. Binuksan niya ang envelop at tumambad sa kanya ang mga pictures nila noon sa Brussels. Some pictures taken when they're in different landmarks and parks. Mag mga stolen shots pa.

Ngumiti siya. "Ipinadevelop mo pala." Ang dami nitong kuha. Lahat iyon ay nasa 5R photo paper nakaprint.

Patuloy niyang tinitignan ang mga litrato hanggang sa gumawi iyon sa picture nilang dalawa noong gabi ng charity party. Nakangiti siya doon at masayang masaya. Pero sandali lang pala dahil hindi rin naman siya nanalo. Bahagyang lumungkot ang mukha niya. Pero hindi niya ipinahalata. Bagkus, ngumiti siya ng bahagya. Ibinalik niya ang mga pictures sa loob ng envelop ng mapansin niya ang isang papel doon. Nakatupi iyon.

Nagtatakang tumingin siya kay simmeon bago kinuha palabas iyon. Halos lumuwa ang mata niya. "Surprise!" masayang sabi ng binata sa kanya.

"Y-You.. " Nawala ang sasabihin niya. Dahil nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa pangalang nakasaad sa deed of sale and ownership title. Mrs. Marife Santos-Tan. Pati na rin sa titulo. "That's should be my wedding gift to you kaya lang di na ako nakatiis na ibigay sayo."ani nito.

Naluluhang tinitigan niya ang mga papel. Nakapangalan na sa kanya ang heritage house. "H-How?" Naluluhang tanong niya.

Simmeon wiped out her tears. "Nang sabihin mong iba ang nakakuha ng heritage house. I know your unhappy. Dahil hindi sayo napunta. So, i made some investigation. Nakilala ko si Luciana Troy. Isang broker na taga Milan. Siya ang nanalo sa bidding. I negotiate with her. Noong una ay ayaw niyang pumayag na ibenta sakin ang bahay. Sinabi niya na hindi kasama iyon sa ibinebenta niya. That i can choose any property from her disposal wag lang daw iyon. So made a deal to her. I double her price." Halos malaglag ang panga niya. Double?

One point five billion? "W-Why did you do that?" Isang buong yaman na ang katumbas ng bahay na iyon.

Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Because i love you. Dahil gustong ibigay ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sayo."

"I don't deserve this." Umiiyak na sabi niya. Sobra sobra na ang binigay nito s akanya. "Sapat na kayo ni VJ sakin. Okay lang kahit hindi mapunta saakin ito."

"Ssshh.. Para sayo yan. When i realized that I love you. Alam ko na sa sarili ko na mas may mabigat na akong dahilan para ipaglaban yan. Because i will give it to the Woman i love. To the mother of my child. And to my future wife. Ilang araw na lang. And i want you to decide kung pagkatapos ng kasal natin ay dyan tayo pupunta." He's  a man with full of surprises. Ang lalaking di niya inakalang gagawin ang lahat para s akanya.

Sana lang talaga kapag ipinagtapat niya dito ang totoo ay walang magbago. Na ito pa rin ang lalaking gagawin ang lahat sumaya lang siya.



To be continued...




------

Late update... Lakwatsa time po e.. Hehehe

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora