Chapter Eleven

74.2K 1.5K 106
                                    

"So you mean na 'yung lalaking nakilala mo noon sa Dubai at ang lalaking nakabuntis sa kapatid mo ay iisa?"Ulit na tanong ni Dexter sa kabilang linya.

Nakauwi na silang mag ina sa bahay nila. Inihatid sila ni Simmeon noong nakaraang araw. Sa kabila ng naging sagutan nila ay nagmagandang loob pa rin ito na ihatid silang mag ina. Nagdadalawang isip na siya kung ihahabilin ba niya ng isang linggo si VJ sa ama nito o doon nalang kay na Leah. Natatakot kasi siya na baka sa oras na balikan niya ang anak niya ay hindi na ito ibigay sa kanya.

Aayusin lang niya ang mga dapat ayusin para maisama na niya si VJ patugong Belgium. Pero dahil sa paggigiit ni simmeon ng karapatan sa anak niya. Ay natatakot siya na baka totohanin nito ang banta sa kanya na magsasampa para makuha ang custody ng anak niya. May laban naman siya dahil siya ang ina. Ang sanggol na gaya ni VJ ay dapat nasa pangangalaga ng ina.

"Paano kung malaman nila ang totoo?" Tanong ni Dexter. Doon siya mas kinakabahan. Oo legal na nakasulat sa birth certificate ni VJ na siya ang ina nito. Pero maiitago ba niya iyon habang panahon?

"I don't know. Hindi ko naman intensyon na lokohin sila. Nawalan lang ako ng oras para itama sila. Their assumption made me lied." Tugon niya. Nilingon niya ang batang mahimbing na natutulog sa crib. Ito nalang ang pamilyang natitira sa kanya. Wala na ang tatay at nanay niya. Maging si Marie ay wala na din. Kapag hinayaan niyang makuha ng mga Tan si VJ, ano na lang ang matitira sa kanya? Sino nalang ang makakaramay niya? Para saan pa ang pagsusumikap niya kung wala naman na siyang pamilyang pagbubuhusan at kukuhanan ng inspirasyon?

Your the only one I have baby.. Hindi ako papayag na mawala ka rin gaya nila. Malulungkot ako kung pati ikaw kukunin din sa akin.

"Ayusin mo 'yan Marife. Hindi mo alam ang tumatakbo sa isip ng tatay ng anak mo. Paano kung maisip niyang halukayin ang buhay mo? Baka madiskubre niya ang lahat. Ikaw rin. Kaya habang maaga pa ay sabihin mo na ang totoo." How? Paano niya gagawin iyon kung nag umpisa na silang maniwala sa kasinungalingan? Paano pa niya ipapaliwanag ang lahat ng hindi umaahon ang galit sa puso niya? Namatay si Marie ng naipon ang lahat ng sama ng loob niya. Namatay ito na hindi man lamang niya naiilabas ang sakit sa dibdib niya. Kaya paano niya ipapaliwanag na hindi ako ang kanyang ina. Kung magdudulot lang iyon ng matinding sakit sa kanya.

Kapag sinabi niyang si marie ang tunay na nagluwal kay VJ. Mas lalo siyang mawawalan ng karapatan. Mabubura ang pagiging ina niya sa bata. Mas malaki ang pag asa ng ama nito na kunin ang anak sa kanya. Mawawalan siya ng laban. Dahil unang una, hindi siya ang tunay na ina at pangalawa, may magulang pa itong natitira.

Bumalik siya sa mga inaayos na papeles ng mawala sa kabilang linya si Dexter. Nagpaalam na ito sa kanya. Inaayos niya ang mga legal documents ni VJ para makakuha ng passport. Perp bago iyon, kailangan muna niya itong pabinyagan.

Tunog ng nagwawalang doorbell ang nagpakislot sa kanya. Iniwan niya ang bata sa crib at saka lumabas.

Mukha ni Simmeon ang bumungad sa kanya. Halatang galit ito dahil nagtatagis ang bagang. "Why didn't you came yesterday?" Nanggagalaiting tanong agad nito. Tinawagan siya ng abogado nito kahapon para pag usapan ang tungkol sa bata. Pero hindi siya sumipot. Ngayon siya mas nagsisisi na hinanap pa niya ito para malaman ang existence ni VJ.

Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib. "Para saan? Para pag usapan ang hatiian natin sa anak ko ?" Kung naiinis ito. Lalo na siya.

"He is my Son too. May karapatan din ako sa kanya na kapantay ng karapatan mo!" Nanggagalaiti nitong sabi.

"Buo na ang plano ko. Aalis kami ni VJ. Isasama ko na siya pabalik ng Brussels. Kaya ka lang naman namin hinanap dahil para makilala mo siya. Hindi para ibigay siya sayo. Kaya ko siyang palakihin mag isa. I can provide anything he needs na kayang bilhin ng pera niyo. I'm financially stable kaya alam kong mabubuhay ko ang anak ko without your support." Lintanya niya. Nakatitig ito sa kanya.

"So, ganoon ganoon lang iyon? At sa tingin mo? Papayag ako na bibitin mo ang anak natin ng walang pahintulot ko? At sa tingin mo papayag akong malayo siya saakin? Yes, obviously you can provide him everything. Pero kaya mo bang maging tatau rin sa kanya. Can't you see? May pamilya pa siya. Hindi lang ikaw. Bakit ba pinagdadamot mo siya?" Sumbat nito. Siya pa ba ang nagdadamot?

Hinampas niya ito sa dibdib. "Ako pa ang madamot? You have no idea how hard this for me. Wala kang alam dahil hindi ka babae! Dahil hindi ka mag isa! Si VJ nalang ang mayroon ako. But your here, with a role of very responsible Father, trying to get and take him away from me because you were thinking that i can't be a father and mother to him! How could you?" Gusto niyanh isigaw sa mukha nito ang lahat ng sama ng loob niya. Gusto niyang maramdaman nito ang sakit ng nagiisa. Ng walang pamilya.

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at pinigilan siya sa pananakit niya dito. She lost her strength at para siyang papel na napasandal sa katawan nito. "Ssshh.. I'm sorry.. I'm so sorry.." He was trying to calm her down. Hinahaplos nito ang ulo niya. "Hindi ko naman ibig sabihing aangkinin ko siya na akin lang. Ang gusto ko lang ay bigyan mo ako ng chance na maging tatay sa kanya." Sabi nito.

Nabablanko ang isip niya. Naguguluhan siya kung ano ba ang tama. "I have another option."

Tila napapasong humiwalay siya dito at saka pinahid ang luhang tumulo sa mga mata niya. "We both know that we're both attracted to each other. Iyon ang naramdaman ko the first time i saw you in Dubai."

Kinakabahan siya sa gustong tumbukin ng sinasabi nito. "So you suggesting t-to..?"

"Marry me, so we can both have our baby together."




To be continued...




----------

Real talk: I'm not really fond of marriage kapag aksidenteng nabuntis o nadisgrasya ang isang babae. Ang kasal kasi, hindi naman palaging sagot yan sa problema. Hindi palaging iyan ang solusyon. Kalahati ng married couple ay hindi successful ang married  life. Ang ilan, ay wala nang ginawa kung di mag away at bangayan. May instances na natutuksong umapid sa iba ang isang asawa. Kasi nahihirapan siya sa buhay na hindi naman siya handa o hindi niya napaghandaan. Sino ang higit na naapektuhan? Hindi ba ang mga bata? Lumalaki silang natatak sa isip nila ang ibang ibig sabihin ng pagpapakasal. Dahil doon sila namulat. Nawala na ang romance. Kasi nagpakasal lang ang mga magulang nila para iligtas sa kahihiyan ang ina na aksidenteng nadisgrasya ng kanyang ama. At ang mga mag asawang nagsasama lang dahil sa mga anak. Nasaan na ang essence ng sumpa at pangako nila sa isat isa na nakaharap sa altar? Kaya ayaw ko rin sa mga scripted vows e.. Tsik..

Hehehe.. Pasensya na guys, ampalaya ang ulam ko e.

Happy reading
Ai:)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora