Chapter Seven

72.1K 1.5K 67
                                    

Marife hadn't refused lalo na ng sabihin ng ginang na pupuntahan nila ang anak nito. Una nilang pinuntahan ang asawa nito. The huge executive room ay tila naging masikip para sa kanya. Ang kaba niya ay hindi niya maipaliwanag.

Pero nang makilala ng asawa ni Mrs. Tan ang anak niya. Hindi niya inaasahan ang naging pagtanggap nito. Hindi niya inaasahan na matatanggap ng ganoon kabilis ng pamilyang ito ang anak niya. Mukhang tama nga ang naging desisyon niya. Ang kailangan lang muna niya ngayon ay isipin kung paano niya ipapaliwanag sa mga ito na panandalian lang na makakasama nila ang bata. As soon as she settle all the necessary documents para matransfer si VJ sa Brussels ay aalis na sila. Wala dito ang buhay niya. Nasa Belgium ang kabuhayan niya.

Pagkatapos ng pakikipagkita nila sa lolo ni VJ. Iniwan muna sila nito. May aasikasuhin muna daw ito. Sila naman ay magtuloy sa opisina ng tatay ng kanyang anak.

"You know what.. Pag uwi natin mamaya. Ipapakita ko sayo ang mga picture ng anak ko noong baby pa siya. Magkamukhang magkamukha silang mag ama." Giliw na giliw na sabi ng ginang habang karga karga si VJ.

Wala sa usapan o sa plano na doon silang mag ina uuwi sa bahay ng mga ito. Mamaya na lamang niya ipapaliwanag kapag naayos na ito.

Brown brass door na may metal plate sa gilid na may nakasulat na Simmeon Tan at sa baba niyon ay Executive Finance Officer . Isang babaing matangkad at maputi ang sumalubong sa kanila. Agad na ngumiti ito pero hindi sa kanya. Sa ginang lamang na kasama niya. "Libby, where's my Son?" Agad na itinanong ng ginang sa babae na sa tantiya niya ay sekretarya ng anak nito.

Magiliw na ngumiti ito sa ginang. "May Meeting lang po si Sir madam.." Hindi nito iniaalis ang ngiti kahit mukha namang nakikipagplastikan lang. Napaismid lang siya. Paimpress! Hmp!

"It's alright. Doon na lang namin siya hihintayin sa loob." Sabi ng ginang at saka bumaling sa kanya. "Let's go." Sumunod siya sa sinabi nito.

"Ah! Madam.. Apo niyo po ba 'yan?" Ang talipandas na sekretarya ay talagang humahabol pa. Gusto na niya itong taasan ng kilay.

Mabilis na tumango ang ginang. "Apo ko siya."

Tumango tango ang babae. "Hello baby..." Hinawakan nito sa pisngi ang natutulog na sanggol. Gusto niyang hablutin ang kamay nito at putulin. Baka kung anong mikrobyo ang nagmula sa kamay nito. Pero dahil sa pagpisil na ginawa nito ay lumungad ang sanggol. "Oh My Gosh! Yaya pakipahiran." Tumaas ang kilay niya ng bumaling ito s akanya. Yaya ang akala niya sakin? Gusto niyang dukutin ang mga mata nito at ilagay sa fish bowl na nasa gilid ng desk nito.

Hindi niya ito pinansin at pinunasan niya ang gilid ng labi ni VJ. "Correction.. I'm not his nanny.. I'm his mother." Saka sila sabay na tumalikod ng ginang.

Bumungad sa kanila ang di kalakihang opisina. May katamtaman lang laki ng rectangular table na nasa corner side ng kwarto. Isang leather sofa, coffee table at mga filling cabinets na. May dalawang shelves sa isang gilid at isang pinto naman na tingin niya ay wash room. Sa tapat ng desk ay may visitors chair.

"Dito muna tayo. Maya maya lang ay naririto na ang anak ko." Kinuha niya ang bata at umupo sila sa sofa. "Lalabas lang ako sandali at magpapahanda ako ng merienda.

Tumango lang siya. May mga plague siyang nakikita sa paligid. Pulos mga pangalan ng walang hiyang ama ng kanyang anak ang nababasa niya. Sandaling napahikab siya kaya inihiga niya ang katawan sa sofa at saka idinapa sa dibdib niya ang natutulog na sanggol.

Ilang gabi na rin siyang walang matinong tulog. Nagigising kasi si VJ sa hating gabi. Hindi naman niya maaaring pabayaan ang bata na umiiyak ng ganoong oras tapos siya ay tulog.

She slowly shut her eyes closed at saka iniyakap ang mga braso sa anak upang di ito mahulog. Ang tahimik at may katamtamang lamig ng paligid ay sapat na para igupo siya ng antok.

Bago tuluyang mawalan ng malay ang diwa niya. Dama niya ang mabining paghinga ng sanggol sa dibdib niya. Sabay ang pagalon ng mga dibdib nila. Na parang sinasabing,  sabay tayong matulog 'nay.





To be continued...

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanOnde histórias criam vida. Descubra agora