Chapter Two

87.2K 1.5K 63
                                    

Ibinaba niya ang cellphone bago ibinalik iyon sa loob ng shoulder bag niya. Kausap niya si Mr. Dexter Belward. Ang sama sama ng loob niya. Nasa pilipinas pala ito at hindi man lamang sinabi ng kaibigan niyang si Leah. Nalaman lang niya ng sabihin nitong nabasa na nito ang email niya tungkol sa emergency leave niya.

She had to. Kailangan siya ni Marie ngayon. Tumawag ang ospital sa kanya kagabi para sabihing nagPremature delivery si Marie. Nang malaman niyang buntis ito. Mabilisan siyang umuwi ng pilipinas. Pilit niyang tinatanong ito kung sino ang nakabuntis dito pero tikom na tikom ang bibig nito. Hindi nalang niya pinilit dahil baka makasama pa sa dinadala nito.

Nanghihinayang man siya na naapektuhan ang huling taon nito sa kolehiyo pero ayos na rin, because abortion is not a best option. Lalo pa't iyona ng sinuhesyon ni marie sa kanya.

"Ipapalaglag ko nalang ang batang ito!" Dumapo ang palad niya sa pisngi nito. Ito ang kauna unahang pagkakataong napagbuhatan niya ito ng kamay.

Nabigla man, pinigil niyang wag mabawasan ang tapang na pinapakita dito bilang ate nito. "Magpapabuntis ka pagkatapos itatapon mo lang ang anak mo! Papatayin mo! Tingin mo matutuwa sina nanay at tatay kung nakikita ka nila ngayon? Iniwan kita dito kasi gusto kong makatapos ka. Gusto kong ibigay sayo ang hindi na maibibigay nila nanay at tatay. Pero bakit mo naman pinabayaan ang sarili mo?" Pilitin man niyang isigaw sa isip niya na hindi masakit. Pero masakit pala. Na ang kapatid na itinuring na niyang anak ay ito ang kahahantungan. "Hindi mo ipalalaglag ang batang iyan. Itutuloy mo ang pagbubuntis mo." Mariing utos niya.

Bago siya bumalik ng Brussels ay inayos muna niya ang lahat ng pangangailangan ni Marie. Pansamantala muna niya itong pinahinto sa pag aaral kahit ilang buwan na lamang ay makakatapos na ito. Sensitibo kasi ang pagbubuntis nito kaya hindi kayanin na isabay ang pagaaral sa pagbubuntis.

Ilang buwan din siyang nanatili sa pilipinas bago siya umalis ulit. At ngayon nga ay mapapasugod muli siya. Tumawag ang doktor nito dahil sa kondisyon ni Marie. Hindi niya maintindihana ng nararamdaman. Nasa eroplano pa siya ng malaman niyang naideliver na ang bata. Ang problema ay ang kondisyon ni Marie. May butas pala ang puso nito at hindi nalaman agad ng doktor. Kaya isinagawa nila ang cesarean operation.

Abot abot ang pagdarasal niya na sana walang mangyaring masama kay Marie. Hindi man niya lubusan pang natatanggap ang kinahinatnat nito. Na nabuntis ito ng hindi niya nakikilalang lalaki.

Less that six hours ay lumapag ang eroplanong sinasakyan niya. Wala siyang inaksayang oras. Pumara agad siya ng taxi na maghahatid sa kanya sa ospital kung nasaan si Marie.

"I'm sorry Ms. Santos. Pero mismong kapatid niyo ang ayaw pumayag sa operasyon. We can't do the operation hangga't hindi napayag ang may sariling katawan." Nanlulumong napaupo siya.

Ano bang gustong mangyari ni Marie? Kaya naman niyang ipagamot ito pero bakit pinipigilan pa nito?

Matapos makausap ang doktor ay pinuntahan niya si Marie. May ilang tubong nakakabit dito. "Marie.. "

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanWhere stories live. Discover now