Chapter Twenty Five

60K 1.2K 53
                                    

It was a wonderful vacation for her. Roaming around Europe. Alam niya masaya siya. She's never been this happy the way she was happy right now.

It's the third time today that she received a flowers. It's not just a simple flowers. It's a bunch of beautiful flowers. Tinotoo ni Simmeon ang sinabi nitong liligawan siya. At sino naman siya para magpakipot pa?

Noong isang araw pa sila nakabalik ng pilipinas mula Brussels. Hindi niya alam kung saan papunta ang kung ano mang mayroon sila ng binata pero isa lang ang tiyak niya. Na parte na ng buhay niya ang binata.

Madalas din silang lumabas. Kumain, mamasyal at manuod ng sine. Just like a normal couple do. Kagaya nalang ngayon, Simmeon inviting her to watch a movie. Pumayag siya, iiwanan niya si VJ sa lolo at lola nito. The Tan family gave her an invitation na doon na sila tumira sa bahay nila. Pero hindi siya pumayag. Bukod sa nakakahiya, ano nalang ang iisipin ng ibang tao. May kahihiyan pa rin siya sa katawan.

Hindi pa sila mag asawa para tumira silang pareho sa iisang bubong. Iginalang nman ng pamilya nito ang desisyon niya. Regular naman nilang nakakasama si VJ. Kapag hindi siya masyadong abala. Hinahatid niya ang bata sa bahay ng mga Tan o kaya naman ay dumadalaw ang mga ito sa bahay nila.

Sumang ayon na rin siya sa suhesyon ni Mrs. Tan na magkaroon siya ng kasambahay. Sa katunayan, ipinadala na nito sa bahay niya ang isa sa mga katulong ng mga ito. Para naman daw may nakakatulong siya sa pagaalalaga sa anak niya.

Isinara niya ang pintuan ng kwarto niya. Ihahatid niya si VJ sa bahay ng mga Tan ngayong araw. May dinner sila ni Simmeon and he also inviting her to watch a movie.

"Hello baby.. Are you excited?" Nakakahakbang na ng paunti unti si VJ.

"M-MMMamma.. " Ani nito ng makalapit sa kanya. Nakakaya na nitong bigkasin ang salitang mama. Dati rati ay hindi pa. Tuwang tuwa nga siya ng una niyang marinig iyon. It's like that he was sang her favorite song. Kinarga niya ito palabas ng bahay.

"Ate Loida ikaw na muna ang bahala dito ha." Bilin niya sa kasambahay. Uuwi din naman silang mag ina mamayang gabi.

"Opo ate." Hinatid sila nito hanggang sa labas. Coding ang sasakyan niya ngayon kaya kakailanganin nilang magtaxi.

Dalawa nang taxi ang nakalampas sa harapan nila. Madalas naman talagang may pumapasok na taxi sa loob ng subdivision na ito. Naiinip na napatingin siya sa relong nasa braso.

Babalik na sana silang mag ina sa loob ng bahay at tatawagan nalang niya si Simmeon para sabihing wala silang masakyan ng isang Silver Ford Expedition ang huminto sa harapan nila. Hindi siya pamilyar sa sasakyan. Hindi ganoon ang sasakyan na ginagamit ni simmeon.

Kumabog naman ang dibdib niya ng makilala ang lulan niyon. "A-Albert..." Humakbang siya paatras.

"Marife.. " Malalaking hakbang na nakalapit ito sa kanya. "Let's talk.. Please." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung tama bang nasa harapan pa niya ito ngayon. Matagal niyang hinintay ang araw na ito. Ang tagal niyang hinintay ito na makita. Makausap at makapagpaliwanag ito sa kanya. Kung bakit siya nito iniwan ng walang paalam. Pero bakit hindi bumubuka ang bibig niya para isumbat dito ang lahat ng sakit na naramdaman niya dahil sa iniwan siya nito.

Karga karga niya si VJ habang nakatingin ang bata dito. Maging ito ay napatingin din. "Please.. Mag usap tayo." Saka muling bumaling s akanya. Inipon niya ang lahat ng lakas at saka humarap ng hindi nababakas sa kanya ang samo't saring emosyon.

"Para saan? Para ipaliwanag ang pang iiwan na ginawa mo?" Baling na tanong niya dito. Nasa mukha nito ang guilt.

"I'm sorry... Hindi ko sinasadyang saktan ka. I'm sorry kung iniwan kita. I'm so---."

Pinahid niya ang luhang naglandas sa mga mata niya. "Hindi naman lahat ng pagkakamali ay sorry ang sagot. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo noon. Araw araw nagtatanong ako bakit? Bakit mo ko iniwan? Balit di ka nagpaalam? May mali ba kong nagawa? Nagsasawa kana ba?"

Nagyuko ito ng ulo. Bumalik ang lahat ng sakit. "I'm sorry.. Umalis ako...nag aral ako sa ibang bansa dahil iyon ang kasunduan namin ni daddy at mommy.. Ayaw nilang pumayag na makasama kita. They threatened me na pupuntulin nila ang allowance ko and they won't help me to get back in school kung pipiliin kita kaysa sa kanila. Nang sabihin mong ayaw mong dito sa manila mag aral.. Sinabi ko kay na dad na sasamahna kita. Na kung saan ka doon ako. Doon na sila nagalit. I swear kung may ibang pagpipilian lang ako.. Ang makakabiti sating dalawa ang pipiliin ko.. They cut my mobile access para hindi tayo mag kausap. I'm sorry... But then, i realized. Na kapag nakatapos ako.. Pwede na kitang balikan.. Tgat we can start all over again---. "

"Pero hindi ka bumalik." Malamig niyang Sumbat.

Hindi na niya binawi ang kamay na hinawakan nito. Dama niya ang sakit sa mga pinagdaanan nito. Iyong akala niyang siya lang ang nasaktan, nagkamali pala siya. "Bumalik ako.. I swear bumalik ako. Pero hindi na kita naabutan. Lumipat na pala kayo ng bahay. Hinanap ko ang bahay niyo dito sa manila. Until one time, nakita ko si Marie sa isang mall. Sinundan ko siya. Nalaman ko itong bahay niyo. But i never saw you here.." Dahil nasa Brussels na siya. Iyon sana ang gusto niyang isagot.

Hindi niya alam. "And when i had a courage to talk your sister. Galit na galit siya sakin. Nagmakaawa akong sabihin niya kung nasaan ka. Pero hindi niya sinabi."

Ipinilig niya ang ulo. Walang nabanggit sa kanya si Marie maliban sa,

"Ate mahal mo pa ba si kuya Albert kahit iniwan ka na niya?" Marie asked while they're having a video call chat.

Ngumiti siya. "Ano bang klaseng tanong 'yan?"

Marahil ay iyon ang panahon na hinahanap siya nito. Pinisil nito ang palad niya. Hilam ng luha ang mga mata niya. "Mahal kita. Mahal na mahal. At mahal pa rin kita hanggang ngayon. Mari we can continue to fulfill our dreams now. Magpakasal na tayo. We can build our own family together. If you worried about your son.. Kaya ko siyang tanggapin.. Aariin ko siyang parang tunay kong anak."

"And that would never be happen. My son has nothing to do with your so-called untold love story. "

And when she look straight to her side. Simmeon was standing right there. Holding a bunch of crumpled flowers and dangerously looking at them.

Oh God!






To be continued...





-------

Wala sana akong plano magUD ngayon. Masakit kasi ang buong katawan ko.. Dios me! Weekend bilisan mo!

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanWhere stories live. Discover now