Chapter Twenty Four

55.2K 1.2K 42
                                    

"I'm sorry."

Nagkatinginan sila ni Simmeon. Bakas ang sinsero sa mukha ni Xiael habang binabanggit niya ang katagang iyon. Tumigas ang anyo ni Simmeon.

"Yun lang ba ang sasabihin mo? Can we go now?" His hostility towards her ay parang sumasaksak base sa nakikita niyang ekspresyon ni Xiael.

Bahagya itong humakbang papalapit sa kanila. "I never meant to deceived you. H-Hindi naman talaga ikaw ang daddy ng b-baby ko."

"I know." Tipid na sagot ni Simmeon. "We fucked. Yeah! Pero alam kong hindi kita nabuntis." Marahas siyang napatingin kay simmeon. Nagagaspangan siya sa pananalita nito. "You know how much i hate liars trixia. You've kept so much from me. Nalaman ko nalang huli na." Tila pinanlamigan siya. Kung ganoon. Kamumunghian din pala siya nito balang araw. Kapag nalaman nito ang totoo.

"I'm so sorry.. Hindi ko sinasadya." Xiael cried.

"It's game over trixia. We've both hurts each other. Tapos na tayo doon. We have to accept this." Mahinahong sabi ng binata. Pero dama niya pa rin ang tigas sa tinig nito. Hindi man niya alam ang kwento ng nakaraan nila. Pero alam niyang malaki ang kinalaman ni kasinungalingan doon. At natatakot siya na baka ganoon din ang kahantungan nila.

No.. Hindi ako papayag. Pikit mata niyang iniwaksi sa isip ang mga bagay na maaaring mangyari oras na malaman ni simmeon ang totoo.

Bahagya pa siyang nagulat ng hawakan ni Xiael ang palad ni simmeon. Gustong gusto niya iyong hilahin at ilayo sa dalaga. "Again.. I'm sorry. We still friends pa rin naman hindi ba?"

Friends? Ex tapos biglang friends nalang? Gusto na niyang makisabat sa dalawa. Pero pinipigilan niya ang sarili niya. Walang di magandang ipinakita si xiael sa kanya kaya hindi siya dapat magpakita ng disgusto dito. And why you acting like a jealous girlfriend? Her inner self snapped her.

"Hindi ako nagseselos." Sabay napatingin ang dalawa sa kanya. Hindi niya alam na naibuka na pala niya ang mga labi niya. At naisaboses ang hindi niya dapat sabihin. Nginitian lang siya ni Xiael. Si simmeon naman ay napatanga sa kanya.

"Maybe, i really have to go back in. Baka hinahanap na ko ni mommy." Bumaling ito sa kanya. "Thank you marife. Please take care him. Alam kong magiging masaya siya sayo. You'd choose a right man." Na sinabayan nito ng matamis na ngiti. Walang halong kaplastikan.

"Trixia! I'm always here for you---as your friend." Simmeon said.

"Thank you. At gusto kong malaman mo na masaya ako para sa inyong dalawa. Please don't forget to invite me to your wedding day." Ewan ba niya. Kapag naririnig niya ang tungkol sa pagpapakasal nila ni simmeon ay kusa nang ngumingiti ang labi niya. Na para bang matagal nang plano ang kasal na iyon.

Nawala na sa paningin nila si xiael pero nanatili sila sa pagkakatayo. "Your not jealous huh?" Hinampas niya sa balikat si Simmeon. Tinutudyo na naman siya nito.

"Hindi nga! At saka bakit naman ako magseselos?" Tanggi niya.

"Bakit nga ba?" Inilagay nito sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa mukha niya. "You okay now?" Bigla ay tanong nito.

Tipid lang siyang tumango. "Okay na rin. Maybe talagang hindi para sa akin ang bahay na iyon. Sayang lang." Puno pa rin ng panghihinayang ang dibdib niya. "May mga bagay talaga na hindi nakatadhana na maging atin."

Bumaba ang kamay nito sa isang palad niya at pinagsalikop iyon. Sabay silang naglakad palabas ng hotel. "E tayo? Tingin mo tayoa ng itinadhana?" Halos matapilok siya dahil sa tanong nito.

"Aba malay ko!" Pagiiwas niya. Bakit sa tuwing may ganitong pagkakataon ay tila may mga mabibilis na kabayong tumatakbo sa dibdib niya?

Nasa mismong tapat sila ng hotel ng huminto ito sa paglalakad at napahinto rin siya. Sinong magsasabing madilim ang paligid? there's a hundred of lights scattered around the city. At lahat iyon ay parang mga alitaptap sa gabi. Kumikinang sa liwanag. Simmeon grabbed her hands and hold it tight. "We started at the wrong time. We've met in wrong situation. So i realized. Ayokong pakasalan ka."

Why she was hoping that he will confess more than rejecting the marriage proposal? Akala niya masarap pakinggan bakit masakit marinig na ayaw na nitong pakasalan siya? Why it hurt her terribly?

"... I don't want to marry you now.. Gusto muna kitang ligawan." Halos mapatid ang hininga niya dahil sa sinabi nito. "Would you let me to court you first before saying i do?"





To be continued...





------

Sorry kung wala pong masyadong exposure si Xiael. Ayoko kasing magkaroon kayo ng idea sa magiging kwento nila ni judas..hehehe

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanOnde histórias criam vida. Descubra agora