Chapter Fifteen

65.1K 1.4K 52
                                    

She can't really believe na sumagot siya ng oo. Hindi niya talaga mapaniwalaan ang sarili niya na ginawa niya iyon. Hindi niya alam kung bakit at ano nga ba ang dahilan niya. If it is because of Albert or what? Hindi niya alam.

"Babae mo ba siya?" It was a hurtful question. Kagabi pa siya umiiyak. Simula ng makita niya ang photo ni Albert sa isang social magazine na may kasamang iba. Albert was her long time boyfriend. Highschool palang sila ng magkagustuhan sila. Iisang unibersidad ang pinapasukan nila. Pero dahil nagkaproblema ang pamilya nila. Kinailangan niyang bumalik ng bulacan at doon muli mag aral.

She heard his sigh over the phone. "What kind of question is that sweetheart? Kaibigan ko lang si melody. Kilala mo naman siya hindi ba?" Oo kilala niya ang melody na sinasabi nito. Iyon ang batchmate nito na sinasabi nilang malapit talaga sa binata. "Pati ba naman ito pagtatalunan natin?" May himig pagtatampo sa tinig nito. "Alam mo naman na mahal kita hindi ba? Kung papayag lang talaga si mommy at daddy d'yan nalang din ako mag aaral para magkasama tayo. I missed you." Doon natunaw ang inis at tampo niya.

Ang sarap pakinggan ng mga plano nito. Pero imposible ang mga iyon. That would never be happen in real life. "Pero imposible." Mahinang tugon lang niya. Pinahid niya ang luhang pumatak mula sa mga mata niya.

Bumugtong hininga muli ito. "Dito ka nalang ulit. I will help you to transfer here again. Para magkasama na tayo." Ani nito.

"Alam mong hindi pwede. Paano si Marie? Sinong mag aalaga sa kanya?" Kamamatay lang ng mga magulang nila. And Marie will be graduated from elementary. At siya nalang ang aasahan nito.

"Isama mo siya. Tutulungan ko kayo." Seryosong saad nito. "And then, we will get married kapag nakatapos na ako." Para lang itong bata na nangangarap lang maligo sa ulanan. Pero kahit ganoon ay naniniwala siya dito.

"I'm sorry albert.. Hindi aalis si Marie dito. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang lugar na ito." She said. Wala na silang bahay dito. Naibenta na bago pa man mamatay ng mga magulang nila. Sa isang apartment nalang sila nakatira ngayon.

"So paano ako? Okay lang sayo na magkahiwalay tayo. I missed you so bad sweetheart.. Kung pwede nga lang na araw araw takbuhin ko ang manila to bulacan gagawin ko." Napangiti nalang siya. She know how he so sincere. Wala naman itong sinabi na hindi totoo. At naniniwala siya dito. Sa buong relasyon nila ay ngayon lang nila nararanasan ang ganito. Ang magkahiwalay sila. Maybe, it's a part of growing the relationship. It's a challenge that they need to win for.

"I missed you too. At alam mo 'yan." She said. Kung nasa tabi lang niya ito ngayon. Siguro damang dama niya ang higpit ng yakap nito. "I love you so much sweetheart.. Tandaan mo palagi 'yan." Tumango siya kahit hindi naman nito nakikita.

"Mahal na mahal din kita."

Pinawi niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata at saka muling bumaling sa sanggol na natutulog sa gitnang kama. Wala nang dahilan para alalahanin pa niya ang nakaraan nila ni Albert. Kaya pala iyon naroroon  kanina sa binyag ni VJ ay dahil kinakapatid ito ni Simmeon. Noong una ay hindi siya makapaniwala. Na sa dinarami ng lugar sa mundo ay doon pa.

"Ate umiiyak ka ba?" Untag ng kapatid niyang si Marie. Basa na ng luha ang hawak niyang reviewer. At sa isang kamay naman ay ang cellphone na ginamit niya para makausap si Albert.

Pinawi niya ang luha at saka humarap sa kapatid. "H-Hindi.. Napuwing lang ako." Tanggi niya. Ayaw na niyang mag alala pa ito sa kanya.

"Sinungaling ka. Halatang naiyak ka tapos sasabihin mong hindi." Umupo ito sa harapan niya. "Si kuya albert ba?"

Sinalubong niya ang tingin nito. Lumuluhang tumango siya. "U-Umalis na siya. S-Sa State na pala siya mag aaral. D-Di man lang niya sinabi sakin." masakit pala. Umalis ang binata ng hindi man lamang nagpapaalam sa kanya. Kaya pala hindi siya kinakausap. Masakit pala.

"Akala ko tulog kana." napaigtad siya ng marinig ang tinig ni Simmeon na nakatayo sa bukana ng pintuan. Tangging pang ibabang pajama lamang ang suot nito. Nakapasok sa loob ng dalawang bulsa ang mga kamay nito.

Parang sumikip ang dibdib niya dahil sa biglaang pagdaloy sa isip niya ng mga nangyari sa kanila kanina. Partikular na sa ginawa nitong paghalik sa kanya at pagtugon niya. Lumakad ito patungo sa LED tv at binuhay iyon. Umupo ito sa gilid niya. Nakatutok ang mga mata sa telebisyon. "Laman na tayo ng balita." He said. Tumutok ang mga mata niya doon. Uminit ang pisngi niya dahil sa nakita. May mga captured photos ang ipinapakita sa lifestyle news na kuha habang naghahalikan sila!

"I'm sorry.. Hindi ko alam na may makakakita pala sa atin." Tumalim ang mga matang tinignan niya ito.

"Don't deny it. Obviously plinano mo iyon. Sinadya mong makita tayo ng media para naman ng sa ganoon di na ako makatanggi sayo." Akusa niya. He turned off the television bago humarap sa kanya.

"Of course not! Bakit ko naman gagawin iyon?" Umirap lang siya. Naiinis pa rin siya sa katangahang ginawa niya.

Hindi na siya umiimik pa. Humarap siya sa isang maleta niya na nasa isang gilid. Bukas na ang alis niya patungong Brussels. Isang linggo lang naman siyang mawawala. Ihahabilin muna niya si VJ sa ama nito. "Ingatan mo ang anak ko habang wala ako." Nang lumingon siya ay nakatingin ito sa bata na mahimbing na natutulog.

"Hindi mo siya kayang iwan hindi ba?" Naluluhang tumango siya. Kung pwede nga lang ikabit na niya sa katawan niya ang anak niya. Ganito pala kapag nanay ka. Hindi mo kayang iwan ang anak mo sa kahit na anong paraan o dahilan. Pero wala naman kasi siyang pamimilian. Kailangan muna niya itong iwan para ayusin ang trabaho niya. "O-One week lang naman.. Pagbalik ko---."

Ginapgap nito ang palad niya. "We'll go with you tomorrow. Sasamahan ka namin sa pagbalik mo ng Brussels. I know how much you love our son."

Nanlalaking mga matang nagpalipat lipat ang tingin niya dito at kay VJ. "S-Sasama kayo?" Tila di makapaniwalang tanong niya.

Tumango ito. "I already filed a temporary leave. Sasamahan ka namin ni baby doon. Then, we'll get back here to plan our wedding." Umisod ito papalapit sa kanya at saka dumampi ang labi sa noo niya. "Goodnight.. Matulog kana. Maaga pa tayo bukas."





To be continued...

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ