Chapter Thirty Three

59.1K 1.1K 92
                                    

Naguumpisa na ang bulong bulungan sa paligid. Naguumpisa na ring magtanong ng magtanong ang isip niya. Hindi siya nakatiis na hindi bumaba sa bridal car dahil halos kalahating oras nang late si Simmeon.

Nasa simbahan na ang lahat. Noong una inisip niyang baka nauna lang siya. Naghintay sila. Pero wala pa ring Simmeon na dumarating. Sinubukan na rin niya itong tawagan pero unreachable ang phone nito.

"L-Leah.." Nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya.

"Sshh.. Darating iyon." Pinunasan nito ang pisngi niya. "Masisira ang make up mo." Sabi nito.

Hindi niya maiwasan. Okay naman sila ni Simmeon ng huli silang maghiwalay kahapon. Hindi niya maintindihan kung bakit. Nag aalala na siya na baka may nangyaring masama na sa binata. Na baka napahamak na ito. Na baka umatras na ito.

Hindi.. Hinintay namin ito e.. She control herself. Tinignan niya ang paligid. Nagbubulong bulungan na ang mga tao kung nasaan na si Simmeon.

Lumapit sa kanya si Mrs. Tan. "Hija ano bang nangyayari? Nag away ba kayo ng anak ko? He's not answering his phone. Ang sabi ng maid sa bahay ay nakaalis na siya. And he's not wearing his wedding suit." Unti unti nang nanlalamig ang mga kamay niya.

Umiling siya. "N-No tita.. Okay kami.. H-Hinatid pa niya ako sa p-party kagabi." Kandautal utal niyang saad.

"Then why? Pinaguusapan na tayo ng mga tao. They're already spreading rumors about this wedding!" Bakas sa mukha nito ang pinaghalo halong ekspresyon. Kahit siya ay hindi niya alam.

Namumukal ang luha sa mga mata niya. Natatakot siya. Bakit ganito? Mahal nila ang isa't isa. Nararamdaman niya iyon. Mahal siya ng binata pero bakit sa mismong pinakaimportanteng araw sa buhay nila saka ito nawawala?

Napasubsob siya sa mga palad niya. "Marife.. " Humaplos ang palad ni Leah sa likod niya. "We can ask his friends kung ano nga bang nangyari." Nabuhayan siya dahil sa sinabi nito. Dali dali siyang lumapit kay na Job na nasa tabi ng pinto ng simabahan.

"Honestly, i really don't know what happen to him. Bukambibig ka pa nga niya kagabi. He even refused to watch porn movies with us." Mabilis na sagot ni Job ng tanungin niya ito. Pati na rin ang ibang kaibigan ni Simmeon. All of them answered her with nothing.

"Si Jorge.. Silang dalawa ang huling magkasama kagabi." Ani ni Abel habang karga ang anak nitong si Xandrei.

"N-Nasaan siya?" Tukoy niya kay jorge. Sabay sabay na umiling ang mga ito. Hanggang sa isang gray sports car ang huminto sa tapat nila. Sasakyan iyon ni Simmeon.

Nabuhay ang pag asa niya. "He's here." Masayang saad niya. Alam niyang hindi siya sasaktan ni simmeon sa ganitong paraan.

Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya ng iba ang bumaba doon. Bagkus ay si Jorge ang nakita nila. Ang best man ni Simmeon.

"Jorge! Where is my Son?" Mabilis na tanong ni Mrs. Tan bago pa man siya makapagtanong.

Tumingin ito sa ginang bago sa kanya. Naglaho na ang natitirang pag asa sa puso niya. Base sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito. Natitiyak niyang hindi magandang balita ang dala nito. "I'm sorry Marife."

"A-Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong niya. Nararamdaman niyang ikakasakit niya ng labis ang maaari niyang marinig mula dito.

Lahat ng naroroon ay nakatingin kay Jorge. They're all waiting for his announcement. Until he handed her a piece of paper. "A-Ano ito?"

"I came to their house. I was expecting him to see there after what happened last night. So it's surprise me na hindi ko siya inabutan. I swear.. Pinigilan ko siya. Sinabi kong mag usap muna kayo. Pero sarado na ang isip niya." Kumunot ang noo niya. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Jorge.

Kaya binuklat niya ang papel na inabot nito sa kanya. Na halos ikadurog ng puso niya.

Let's call off the wedding.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Naiyak niyang tanong. Pinagtitinginan na sila ng mga bisita. Pati na rin ang ilang malalapit na tao sa kanila.

"I saw it inside his room. Balak ko sana siyang kausapin ulit. I'm sorry.." Ani ni Jorge.

"W-Why?" Wala siyang ideya bakit biglang naging ganito ang akala niya'y fairytale sa pagitan nila.

"Alam na niya ang sekreto mo." She gasped. "Last night. Pinuntahan ka niya para sunduin. Ang kwento niya sakin. Narinig niyang pinaguusapan niyo ng mga kaibigan mo ang sekreto mong ikanatatakot mong sabihin sa kanya. He was mad and furious. Akala ko kung anong gagawin niya kagabi. Naglasing siya ng naglasing. Natatakot akong hayaan siyang magdrive mag isa kaya hinatid ko siya pauwi sa kanila. I know how much you love him. Kaya nanghihinayang ako na dito nalang ito matatapos." Mahabang sabi ni Jorge.

Napasubsob siya sa mga palad niya. Alam na nito ang totoo. Wala na siyang maiitago. Hindi niya akalain na ang plinano niyang pagtatapat dito ay naunahan na siya. Sasabihin naman na sana niya ngayong araw na ito. Sana pala naipagtapat na niya noon pa. Sana pala nasabi na niya agad. Sana pala...

"N-Nasaan siya?" Kailangan nilang mag usap. Ipapaliwanag niya dito ang lahat. Sana mapatawad siya mito kagaya ng pagpapatawad na ginawa niya dahil sa pagkamatay ni Marie.

May sinabing address si Jorge sa kanya. "Go there. Gusto kong maging masaya ang kaibigan ko. He loves you. Naniniwala pa rin akong pakikinggan ka niya."

Tumango siya. Mag uusap sila. Aayusin niya ito. "Go! Before its too late."





To be continued...




--------

#FailedWeddingBells

Sabi ko naman sa inyo. Walang forever.
Siguro naghahanap na kayo ng BS. Sorry kung wala po ito. Parang di ko kadi maisip kung paano lalagyan. Lalo pa sa character ni Marife. Masisira ang storyline ko kung magkakaextra ng BS. Kaya naman narealized ko. Di naman pala palagi mahalaga ang BS. Kumbaga Spices lang iyon para mas maging katakamtakam ang isang putahe.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanOnde histórias criam vida. Descubra agora