Chapter Four

77.3K 1.3K 82
                                    

"I'm sorry. Akala ko kakilala kita."

Bumitaw ang babae sa kanya at saka lumayo. Napahawak naman siya sa batok. Tinapik siya ni Jorge sa balikat. "Iba talaga ang tama mo sa babaing iyon ano?" Ngiti ngiting sabi Jorge sa kanya.

"I don't know what happening to me. It's been months. Pero nasa isip ko parin ang hitsura niya." Napapailing na sabi ni simmeon.

"Naengkantada ka yata pare.. Imagine, simpleng pangalan lang ang alam mo. Napakaraming fe sa buong mundo. At kahit yata halukayin mo sa NBI ang pangalang 'yon baka maumay ka." Wala siyang ibang alam bukod sa pangalang fe.

He met her in Dubai.  Isang linggo na siya noon doon ng makita niya ito sa isang high end disco bar. The inferno palace na isa sa bagong bukas na disco bar na pag aari naman ni Josue. She was there. Fe is a kind of woman na hindi mo agad mapupuna. Na you will not get easily attracted to her not until you will have a closer sight to her.

Siya ang tipo ng babaing bibigyan mo ng second look. She's petite. Noong una nga niyang makita ay inisip niya na teenager ang babaing iyon. But to his surprise, she's already twenty-five. "Kung iniisip mo na baka nabuntis mo ang babaing iyon. Mukhang hindi naman. Dahil kung oo, baka nariyan na siya ngayon sa harapan mo at karga karga ang anak niyo." Untag ni Jorge sa kanya.

His head was throbbing in pain. Para iyong pinupukpok. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. He was inside the inferno palace residential room. Natatandaan niyang may kasama siyang babae kagabi. They kissed. They cuddle. And he still remember how soft her lips. Ang huli niyang natatandaan ay ang pumasok sila dito. Bumangon siya. Wishing that he will see the woman he's been with. All night. But she's gone. Wala na ito sa tabi niya. All was clear to him is a red stain that marked in the white bed cover.

"Shit!" Napamura siya. Kung ganoon. May nangyari nga sa kanila ng babaing iyon. Simpleng Fe lang ang alam niya sa pangalan nito. He don't know anything.

"Naalala ko, pati mga bar dito sa pinas. Hinanap mo ang babaing iyon. Is she that hot para magkaganyan ka?" Jorge again. Trying to get into his nerves.

"Shut up Jorge! you don't know her." Suway niya.

"And you don't know her either." Dugsong nito. "You've been searching her for almost a months and still no fe na nagpapakita sayo ngayon so chill pare! Maybe you don't get her pregnant."

Lumunok siya. Sa mga ganoon sitwasyon siya kinakabahan. Iyong wala siyang matandaan. Mas okay pa na alam niya lahat. That he remember every detail para alam niya na safe siya. Na wala talaga. Unlike what happened to him and that fe. Kung paano nadevirginize niya ito.

Kaya nga kapag may mga babaing nagsasabing nabuntis niya ang mga ito ay hindi siya naniniwala. Because he remember everything. Alam niya na wala siyang ginawa para mabuntis niya ang mga ito. Kagaya nalang noong nasa bar sila ni Tobias. Nag eskandalo pa ang isang babae na hindi niya matandaan ang pangalan at sinasabing siya ang nakabuntis dito. He was laughing all night. Halos maubusan siya ng hininga kakatawa. How come that he will get her pregnant ay kahit nga daliri niyon ay hindi niya nahahawakan!

Nang yari iyon pagkatapos niyang makilala si fe sa dubai. "Let's go.. Mukhang uulan pa." Nasa parking lot na sila ni Jorge.

Sumakay siya sa passenger seat at si Jorge naman ay sa driver seat. He personally inviting him para ipasilip sa kanya ang resort-hotel na itinatayo nito sa nasugbu batangas. He has a dual profession. Graduate siya din siya sa kursong civil engineering. Bata palang siya ay mahilig na siyang bumuo o magbuo ng kung ano ano.

Pero dahil sa pagmamahal niya sa negosyong kinalakihan niya. He gave up his childhood dream para maging isang mahusay na businessman. He took up Management para may matutunan siya sa pagpapatakbo ng negosyo.

And now he's here, Jorge asking his opinion about the site and the layout that his engineers submitted. Gusto nitong ipacheck sa kanya ang mga iyon. Kung may isa mang masama sa ugali ni Jorge 'yun ay ang lakas lagi ng duda nito sa iba. He always wants a two by two answer. Iyong nasagot mo na. Pero may follow up pa. The very boring intelligent Man!

When he saw the beach. Naisip niya. It's a perfect place to have a vacation. Pero hindi ngayon. Vacation is out of his list priorities. May mas mahalaga siyang dapat iaccomplished kaysa ang magbakasyon.

Naalala na naman tuloy ni si Albert. That rotten Man ay siyang nagpapainit lagi ng ulo niya. Ang kayabangan at kaangasan nito ang nagsisindi sa napupundi niyang tenga. Kaya hindi siya papayag na ito ang manalo sa kanilang dalawa. Magiging madali para dito ang tanggalan siya ng trabaho. At hindi niya mapapayagan iyon.




To be continued...

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanWhere stories live. Discover now