Chapter Twenty Seven

57.6K 1.1K 47
                                    

"Will you marry me Mr. Tan?"

She was just hoping and wishing to the billion stars na sana ay hindi siya ireject nito. Nanatiling tahimik ito. Nakatitig lang sa kanya. Doon na tinambol ang dibdib niya dahil natatakot siya sa maaari nitong isagot sa kanya.

Nasaan na ang hiya mo Marife? Ikaw pa talaga ang unang nagtapat. Nakagat niya ang ibabang labi. Ngayon lang niya napagtanto ang sinabi niya. At pakiramdam niya ay bubuka ang lupa at lalamunin na siya.

Binitiwan na rin niya ang kamay nito dahil sa pagkapahiya. Parang hindi na niya kayang humarap pa dito pagkatapos niyang sabihin dito ang mga bagay na hindi na niya dapat pang sinabi.

"K-Kalimutan mo nalang ang sinabi ko.." Aniya habang nakatingin sa kung saan saan.

Parang hindi na niya kaya pang marinig ang isasagot nito. Dahil sa pnanahimik nito alam na niya ang ibig niyon sabihin. Ang tanga niya para isiping may gusto rin ito sa kanya. Baka kaya lang siya nito nililigawan ay para maging normal ang kalalabasan ng pagpapakasal nila.

Hindi rin naman kasi niya maintindihan ang sarili niya. Kung paano niya nasabing mahal niya ito. Basta nagising na lang siya isang araw, na in love na pala siya. Can't blame her. Sweet at maalaga ito sa kanya. Yung affection na ipinapakita nito kay VJ ay pati rin sa kanya. Kaya paano na hindi mahuhulog ang loob niya dito sa maikling panahon?

"It's a no." Halos manlambot siya. Masakit palang marinig mismo sa labi nito.

Hindi niya napigilan ang sabay sabay na pagtulo ng mga luha niya. Humarap siya dito at pagak na ngumiti. "I-I understand.. I'm sorry sa s-sinabi ko." Akala lang pala niya. Hindi siya nito pinaasa. Pinaasa niya ang sarili niya na may gusto rin ito sa kanya.

Parang gripo ang mga mata niya na sa tuwing papahirin niya ang luha ay kusang tumutulo pa rin. Humakbang siya paatras. Baka kapag nakalayo na siya dito ay mabawasan ang sakit.

Tumalikod ito sa kanya. Saka na rin siya tumalikod at humakbang ng isa palayo. "I love you."

Natigilan siya. Is she really heard him said those words? O nariringan lang siya? Tila huminto ang oras sa paligid niya. At natigalgal din siya. Ang mabilis na tibok ng puso niya ay mas lalong bumilis pa.

Hindi siya nakatiis. Humarap siya binata. At gaya niya ay may mga luhang tumutulo din sa mga mata nito. Natuptop niya ang bibig ng lumuhod ito sa harapan niya. At mula sa kamay nito ay inihalad ang isang singsing.

"Everything was too sudden. You came unexpectedly. Nang sabihin mo kanina na mahal mo ako. That you can't marry Albert dahil ako ang mahal mo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng marinig ko iyon sayo. Na kung pwede lang akong lumundag at humiyaw kanina ay ginawa ko na. Pero may mali.. Mali na ikaw ang nagpropose sa ating dalawa. It should be me."

Muli siyang napaiyak ng yumuko ito sa kanya at inabot ang isa niyang palad. Mula sa mga mata nitong humarap sa kanya. Gusto niyang yakapin nalang ito. "I don't know where it start. Pero mahal kita. Natatakot lang akong aminin sayo. Kanina, mas kinain ako ng takot ko na baka may mabigat ka nang dahilan para hindi na ako ang piliin mo." Inilahad nito sa kanya ang singsing na may maliit na diyamanteng bato. "Ms. Marife Santos.. Will you be my wife?"

Para siyang bata na umiiyak at tumatawa. "Akala ko ayaw mo sakin.. Akala ko hindi mo ako mahal." Inagaw niya ang singsing dito at siya na ang nagsuot sa kanyang daliri.

Tumayo ito at saka hinaplos ang mukha niya at pinahid ang mumumting luhang naroroon. "Of course not! Kung pwede ko nga lang isigaw sayo na mahal na mahal na mahal kita ginawa ko na kanina. Pero naunahan mo 'ko. I'm sorry.. I'm sorry kung nagkaganito tayo.. I'm just jealous.. Una palang kita ko kung paano ka tignan ni Albert i knew from the start na magiging malaki ang parte niya sa atin dalawa. Tama nga ako.. He's my mortal rival, kaya hindi ko matanggap na pati sayo ay kaagaw ko siya."

"Hindi mo kailangang matakot ng dahil sa kanya. Because i choose you. My heart choose you. Siguro, may parte saking natuwa dahil nakita ko na siya, but it's because we need to settle our issues. We can't move to another life kung maiiwan kami sa mga nakaraan namin. And i know, he realized that too." Mahal niya si Albert. Mahal niya ito noon. Pero si Simmeon ang narito ngayon, ito ang gumamot sa mga sugat na akala niya'y di na maghihilom. Si simmeon din ang mahal niya ngayon.

Dinala nito sa labi ang kanyang mga palad. "I love you.. Kayo ng anak natin. And I'm willing to give everything to both of you."

Napalunok siya. Maybe this is the right time to let him hear what her biggest secret. Dahil wala nang dahilan para itago niya ang totoo dito. He needs to know everything about her and his child. Sinalubong niya ang mga mata nito. "M-May sasabihin ako sayo.." Pagsisimula niya.

He gives her his encouraging look. Lumunok siya. Ngayon na mahal na siya nito at mahal niya ito. Alam niya mas mauunawaan na siya nito. "H-Hindi ako ang t-tunay na---."

"Ate! Kuya! Si VJ po inaapoy ng lagnat!"






To be continued...





------

Trivia: Hindi naman po talaga ito ang original plot nito. Kaya lang nakakatawa man sabihin pero nakarecieve ako ng message saying, si simmeon at marife parang sa kasal kasalan na naman mauuwi. Parang wala nang bago. Noong una tinawanan ko. Sabi ko, bakit ba ito nakekealam e ganoon ang gusto ko e! Then nagsink in sa isip ko.. Teka may punto siya ah! Kaya ayun, may mas naisip akong bago.. Hehehe.. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng idea. Hehehehe. Kaya naman heto ang kwentong ito. Patapos na.. At malapit na malapit na po tayo.

Up next: GENTLEMAN series 9: David Tyndale

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum