Chapter Nineteen

58.5K 1.2K 32
                                    

Sabay na umangat ang paningin nila ni Simmeon sa babaing nakatayo sa harapan nila.

"Mrs. Montecillo!" Tumayo siya sa pagkakaupo sa bench at ibinaba si VJ sa stroller nito.

"It's good to see you here hija. How are you?" Nakangiting tanong nito. Si Mrs. Montecillo ang isa sa big sponsor nila sa tuwing may country mission sila. Pag aari nito ang isa sa mga unibersidad na nabigyan nila ng isang programa noon. Filipina ito na gaya niya.

Ngumiti siya at humalik sa pisngi nito. "je suis bon Madame" I'm good Madame. Ngumiti ito at saka nilingon si Simmeon na nasa tabi niya.

"You have a company." Magsasalita sana siya para ipakilala si Simmeon ng maunahan siya ng binata at inilahad ang palad. "Simmeon Tan Madame."

Tinanggap naman iyon ng ginang at ngumiti sabinata. "Ngayon lang kita nakita dito. Turista?"

Siya na ang sumagot. "Kasama ko siya madame. And this is my son, VJ." Kinarga niya si VJ at ipinakilala dito.

Nanlaki ang mga mata nito. Sa gulat marahil. "Your Son?" Tumango siya. "Kaya pala ang tagal kitang hindi nakita. And he must be the father. Right?"

Nilingon nito si simmeon. At tumango naman siya. Hinawakan nito sa mga daliri si VJ. Tuwang tuwang nakipag usap ito sa bata kahit huni lamang ng huni si VJ. "quel beau bébé?" What a handsome baby? Tuwang tuwang nilaro nito si VJ.

"Kamukha mo siya hijo." Sabi nito kay Simmeon an gumanti naman ng ngiti. Aware naman siya na spitting image talaga ni Simmeon si VJ.

"Thank you." Sabi ng binata.

"At hindi ko man lamang nabalitaang nag asawa ka na pala hija." Nagulat siya sa sinabi nito. Akala pala nito ay mag asawa na sila ng binata. Karga niya si VJ habang nasa gilid niya si Simmeon at nakadantay ang isang kamay sa balikat niya.

"Hindi pa ho kami mag asawa, I'm her fiancé." Sagot ni Simmeon. Tila napipi siya.

Nagningning ang mga mata ng ginang. "Oh! Please invite me to your wedding." Alanganing ngumiti siya.

"Of course we'll inviting you." Mabilis na sagot din ni simmeon. Saka lang nag sink in sa isip niya na magpapakasal na nga sila.

May dinukot sa bag ang ginang at inabot sa kanya ang glossy green envelop. "Here." Tinanggap niya iyon. "May Charity event ulit ako this coming sixteenth of April. Please come." Tumango siya. Palagi siyang dumadalo sa charity party nito.

Isa ito sa mga sponsor ng maraming Mental and Psychiatric Ward. Tumutulong ito sa maraming kababaihan at kalalakihang may deperensiya sa pag iisip. "It's my twentieth Charity Party. May mga ipapaAuction kaming property. Remember the property that i was telling you before?"

Naalala niyang may Heritage House itong pag aari na napuntahan niya noon. Gustong gusto niya iyon dahil kapag spring season ay namumukadkad ang blue cherry flowers doon. "Kasama ba siya sa ipapabid niyo?" Tumango ito

"Yes, kaya sana ay makapunta ka. And please bring your fiance there. Mag eenjoy kayo." Tumango siya. Chance na niya para subukang makuha ang heritage house na iyon. Matagal na niyang gusto iyon. Nalove at first sight pa nga siya. Iyon ang tamang tama na pangregalo san niya noon kay Marie pagkatapos nitong makagraduate. Para sakaling narito na rin siya a Brussels ay matitirhan nila ang bahay.

Hanggang sa nag paalam na ang ginang sa kanila. "May mga kakilala ka pala dito?" It was Simmeon.

Tumango siya. "Yeah, marami na rin akong nakikilalang kapwa filipina ko dito. Hindi naman kasi kasing gulo ng Manila itong Brussels. Madaling magkakitaan ang mga tao." Which is true.

Inakay na siya nito. Tanghali na rin kasi. Baka rin kasi sila abutin ng ulan. Uso kapag spring ang tinatawag nilang occasional Spitting rain kaya lagi dapat may dalang fold up umbrella sa mga travel bag na dala dahil may mga chance na umuulan talaga.

"Hello baby nag enjoy kaba?" Pinabata ni Simmeon ang boses nito at nakipag usap kay VJ. Ang sarap nitong panoorin habang tuwang tuwang nakikipagkulitan kay VJ.

Bihira sa mga binatang kagaya ni Simmeon ang mahumaling sa mga bata. And it surprised her even more.

A father material.





To be continued...

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanWhere stories live. Discover now