Chapter Twelve

68.2K 1.3K 60
                                    

"To be a great leader, you must be a good lover. You know that your dad and i are started with nothing. Itinakwil ako ng mga magulang ko dahil sumama ako sa daddy mo. Bad boy walang direksyon ang buhay. Lahat na nasa kanya. But he pursued his dream for our family. Para sa pagbuo namin ng pamilya. Pinagsabay niya ang pagtatrabaho at pag aaral habang ako, iniwan niya sa bahay dahil buntis sayo. I know how it's hard for him. Iyong nagbabayad siya ng tuition fee niya while providing my needs na dumoble dahil sa kondisyon ko. But he was determined. Ginawa niyang araw ang gabi. Nag ipon at nagsumikap siya. Silang dalawa ng tito bien mo ang naging magkasangga. Dahil sa pagkakaibigan nila, nagdesisyon silang magsosyo. Hindi naging madali ang pagnenegosyo ng daddy mo. There always have a tide of struggles na nakasalubong niya. Nasubukan nila lahat. Pati lending company. Pero ilang kaso ang kinaharap nila. Some investors ay scammer pala. At ang mga inakala nilang loyal na empleyado ay hindi pala. Some of them are resorting to embezzling the funds. Kinalugi nila iyon. Until you came, sayo nagsimula ang swerte ng pamilya. You gave inspiration to your dad. He worked hard for you. Sayo siya nagsimula kung nasaan man siya ngayon." He often hear that story. Ang istorya ng buhay ng mga magulang niya. Kaya napakataas ng respeto at pagtingin niya sa kanyang ama. Kaya simula palang pagkabata niya ay ito na ang unang imahe ng inspirasyong nakikita niya.

At gaya ng ama niya. Nagsumikap din siya at lalo pa siyang magsusumikap. "I know how you admire your dad so much. At natutuwa ako na hindi ka naging kagaya ng ibang kalalakihan na pagkatapos palakihin at arugain ng magulang ay iiwan at pababayaan nalang. I'm so proud na ikaw ang anak ko. Na saakin ka nagmula. Start to be a father to your child bago mas ambisyunin ang pangarap mo. Kasi ganoon ang ginawa ng daddy mo. Ikaw ang inuna niya bago ang pangarap niya. Pero kalakip ng responsilidad mong maging ama at kasama doon ang pagtupad mo sa pangarap ng iyong anak. Every child needs a family. They're all need a home. May nanay at may tatay. A child that grew inside a home with complete family will taught them to be a good child."

Tumatak sa isip niya ang sinabi ng kanyang ina. At hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya. "So, your now planning to marry the mother of your son? Right?" Gusto niyang  kutusan ng ilang beses si Jorge dahil sa pagiging bingi nito. Paulit ulit nalang kasi ang tanong.

Nasa bahay nila ito ngayon. "Alam mo, malapit na akong maniwalang may deperensya ka nga sa pandinig." Aniya. Naalala niya kung paano siya itinulak ni Marife ng sabihin niyang pakasalan siya nito na para bang ang inialok niya ay isa lang maanghang na bicol express. Alam naman niyang hindi ito papayag agad agad.

"You will going to marry her just because you need to impress the board. Fuck! Nice one Bro! Kapag nga naman may asawa kana. Maiisip nila na pwedeng pwede ka." Ekstraherado masyado ang komento nito.

Ganoon nga ang balak niya. Pero sa reaksyon ni Marife noong nakaraang araw, mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ito. "I have no choice, kahit dalhin namin sa husgado ang kaso laban sa custody ni VJ. I still believe na sa panig pa rin niya papabor ang batas."

Lumagok si Jorge ng alak. "Buy it. Sa panahon ngayon nabibili na lahat." Tila balewalang sabi nito. His jaw Hardened. Kanina pa humuhugot ang lalaking ito. And he wonder why.

"I need my son. Because i am his father. And i need a complete family para sa ikakapanalo ko." Umiling iling ito dahil sa sinabi niya.

"Bro, always remember this. Sa buhay walang sabay sabay. And you can't have both. You need to give up one para makuha mo ang isa. It's always two minus one is equal to one." Seryosong sabi nito.

But he need both. Ang anak niya at ang posisyong matagal na niyang Pangarap. And marrying Marife will be his bridge to cross over the water.





To be continued...





-----

Hey, is there someone who confused here? Please feel free to pm me. Wag po post ng post sa fb wall ko. Sorry sa mga complaint na binubura ko. Lalo na ung mga tag na may kasamang kung ano anong adjectives.

Ako lang po ang may karapatang mag post sa wall ko lalo na kung tungkol lang sakin. Yes..  Madamot po ako.. Dahil private account po yun at wala po akong pinapahintulutan na magkalat sa wall ko. Kaya sorry po kung mabilis kong binubura ang tag at post niyo. Pwede naman magpost.. Pero piliin natin ang mga sasabihin natin. Walang magagawang mabuti sa tao ang social media. And it always attract troubles. So please, kung may confused na nahihiya lang magsabi.. Just pm po..hindi ko man masagot within a minute.. Pero sasagutin ko po yung ano mang oras sa araw na ito.

Sorry guys.. I'm just pissed.

Happy reading.
Ai:)

P. S
Di po ako galit ha.. Hehehe.. Iba po ang naiinis sa galit. Mmwaah.

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanWhere stories live. Discover now