Chapter Three

81.2K 1.5K 42
                                    

"Your going up pañero. Nakita ko ang SWS survey at mataas parin ang nakukuha mo." Mula sa lawn ay naririnig niya ang paguusap ng daddy niya at ng kaibigan nitong si Bien Fontanilla. Ama ni albert na mahigpit niyang kalaban sa posisyong iiwan ng ama sa kompanya.

"Salamat sa suporta mo pañero. Ilang buwan nalang at eleksyon na. Kinakabahan pa rin ako sa magiging resulta." Ani ng kanyang ama.

Nagkita niyang tinapik ng tito bien niya sa balikat ang kanyang ama. "Don't worry pañero. Nasa likuran mo lang kami. Especially albert you know my child. Idol na idol ka talaga niyon." Tumawa ang kanyang ama. "Kaya sana ay wag mong kalimutan ang anak ko. He's so much wanted to be like you. Nakakapagselos nga.. Pero dahil magkapatid ang turingan natin hindi ko naisip na dapat kong maramdaman 'yon." Tumawa ng matunog ang kanyang ama. Parehong matalik na magkaibigan ang mga ito. Parehong galing sa hirap at parehong umangat sa kanya kanyang paraan. At hanggang ngayon ay hindi nila nalilimutan ang isa't isa.

"Albert is a very good man. Very good leader. Hindi ako manghihinayang na sa kanya mapunta ang posisyong iningatan ko ng mahigit limang dekada." His father said.

"Your fucked up man!" Buska ni Jorge sa kanya. They were in the Batangas Firing Range niyaya kasi siya nito. At katatapos lang ng three fire session nila. And the reason why he invited him ay dahil may itinatayo itong malaking resort hotel dito sa batangas. "Mukhang pabor ang boto ng ama mo kay albert. So paano ka? Kapag naging CEO si albert. It's so easy to him to demote you. Lalo pa't hindi lang dalawa o tatlong beses na kayong nagkakabangga."

Padaskol niyang ibinato ang hinubad na ear muffs at goggles sa window desk na nasa harapan niya. "Hindi ako makapapayag." Mariin niyang saad.

Sumabay ng paglalakad si Jorge sa kanya. "And what will you going to do? Cheat? Vote buying?"

"Susuyuin ko mabuti ang board. I will show them that i also have a K to be the next CEO. And not that asshole jerk!" Mariin niyang tugon.

Humarap si Jorge sa kanya. "Pare.. Maybe it's about time na para isuko mo ang paghahabol mo sa posisyon ni tito. Bakit hindi ka nalang magfocus at ituloy ang investment mo sa kompanya ni David. For sure, magiging successful ka doon. Hindi sa habol ka ng habol sa posisyon na 'yan. Just focus on your own business." Yes, he has his own business. Nagpapatakbo siya ng isang Telecom company. Sa ngayon, hindi iyon kasing lago at laki ng kompanya ng ama niya na nasa telecom business din.

Umiling siya. "Hindi lang naman dahil sa anak niya ako kaya gusto kong makuha iyon. I want it, because i deserve it! Malaki na ang puhunan ko para sa kompanyang iyon. And being in my father's wings will bring me to the top. I want more than like him." Yes. He was ambitious. And when he dreamed. Gagawin niya ang lahat makuha lang iyon. Dahil lahat ng bagay ay pinaghihirapan muna.

"When time comes, mamanahin mo ang maiiwan ng mga magulang mo. You don't have to compete with Albert para lang sa isang posisyon. You can have your own name pare.." Jorge didn't understand him. Malaking bagay sa kanya ang maging kagaya ng kanyang ama. He idolized him. He admired him.

His father was a perfect example of a good and very reliable leader. Matalino, mahusay at maabilidad. That's why he always do what make him proud. Kaya hindi niya matatanggap na sa huling laban ay si Albert ang mananalo.

"Well, I'm your friend. And what makes you happy will make me happy too. Suportado kita." Tinapik siya ni jorge sa balikat.

"Thanks pare.. " They're getting passing through the glass door when his eyes darted to the blonde woman walking in the middle of the Lobby and looking around the area. Tila may naalala siya. And when the woman crossed over the door and walked outside. Doon siya tila natauhan. Mabilis niyang hinabol iyon.

At pati rin naman si Jorge ay nakihabol din sa kanya.


"Miss! Wait up!"







To be continued...





-------

I was laughing everytime na may mababasa akong comment about sa plot. Nakakaisip tuloy akong gawan ito ng plot twist.. Ang cute kasi na may mga matiyagang nanghuhula ng mga mangyayari.. Like.. Mamatay siguro si marie. Or mukhang hindi si simmeon ang tatay ni james. Namomotivate akong magsulat sa kabila ng kahirapan humanap ng oras.. It's really fun, na nagsusulat ako habang sakay ng tricycle dahil lang sa may naisip akong eksena..

Minsan pa nga, bumibili ako sa cooperative ng biglang may naisip akong panibagong twists. And mukha akong baliw dahil pinagtitinginan ako ng mga tao na nakapila sa counter dahil bulong ako ng bulong.. Hahaha.. Gumagawa ako ng drafts sa isip ko. And when i reached home.. Bigla kong kinuha un note ko at saka ko isinulat sa scratch ung naisip ko.. Hayy.. Writing is like a baliw-an rollercoaster. Hahaha!

Happy reading.
Ai:)

P. S
Please enjoy reading this.. Kasi super nageenjoy ako. :)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon