Chapter Thirteen

66.8K 1.4K 84
                                    

Tan family profess na sila ang mag aasikaso ng binyag ni VJ. Ayaw man niya ay pumayag na rin siya para wala nang pagtalunan pa. They made the baptismal possible in less than three days. Ganoon kumilos ang pera nila. Well, pabor naman siya doon. At least mapapadali ang lahat para sa kanya.

Pagkatapos ng baptismal ceremony ay dumeretso ang lahat ng bisita sa reception. They hired a caterer para iaccomodate ang mga bisita. Noong una ang nasa isip niya ay isang intimate lunch lang ang magaganap. Pawang pamilya at ilang kaibigan. Pero ang restaurant ay punong puno ng bisita.

She even saw the gaggles of paparazzi in the corner of the beanery. May isa pa ngang humabol sa kanya at may mga kung ano anong itinatanong. Mabuti nalang at nariyan lagi si Mrs. Tan para iiwas siya sa mga ito.

May ilang pulitiko ang naroroon. Kapartido pala ng ama ni simmeon na tatakbong gobernador. May mga business friends din ang mga ito na naroroon din. Pero ang labis na kinagulat niya ay nang makita niya si Leah.

"I can't believe that your husband is my son's father friend! What a freaking coincidence!" Naibulalas niya.

Bumugtong hininga ito. "Believe me. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala." Alam ni Leah ang totoong relasyon nila ni VJ sa isa't isa. Wala naman siyang inililihim sa kaibigan niya. Kumawala sa palad nito si alpha at hinayaan makipag laro sa mga batang naroroon. Si VJ naman ay karga ng ama nito ay ipinakikilala sa mga kaibigan nito.

"You can't keep the truth forever, my dear. Darating ang araw, na ang pagpipilian mo nalang ay ang sabihin ang totoo." Hinawakan siya ni leah sa balikat.

"Natatakot ako. I know sa oras na malaman nila ang totoo. Kukunin nila si VJ sakin. Sino ba naman ako? I'm only his tita." Naiiyak na sabi niya. Nahihirapan siya. Hindi siya sanay magsinungaling pero ito lang ang last resort niya. She need to lie para makasama niya ang anak niya. She need to hide the truth para makapiling niya ang bata.

"Gawin mo ang dapat. Kung may ibang option naman. Why not?" Sagot ni leah.

Nagsalubong ang kilay niya. "So parang sinabi mo na rin na tamang magpakasal ako sa lalaking iyon. Ganoon?" Mataray na saad niya. After simmeon indecent proposal. Ay tinanggihan niya iyon.

"Why not?" Tila balewalang tugon nito.

"That's ridiculous Leah! Hindi sagot ang kasal sa lahat ng problema. Paano kung hindi kami magclick? Ano nalang gagawin namin araw araw? Mag away?" Bulaslas niya dito. Nakakainis ang iba na parang ang turing sa kasal ay isang click ng status lang sa facebook. Na para bang kapag may nakaattached nang married sa pangalan mo ay papawiin niyon ang lahat ng problema. Diba nga mas nakadaragdag pa iyon ng problema.

"Ganoon naman dapat diba? May anak kayo kaya dapat lang na magpakasal kayo." Lalong kumunot ang noo niya.

"Kinukumpara mo ba ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo noon? Naalala ko, nagpakasal nga pala kayo ni Lucas dahil nabuntis ka niya." Umismid siya. Iyon nga pala ang totoo. Bakas sa mukha nito ang pagkapahiya.

"Iba kami noon." Pagak siyang natawa. "Anong pinagkaiba noon? Sabagay may punto ka naman talaga. Iba kayo noon sa ngayon." Napipikon na niyang saad.

Alam niyang masama na ang loob nito sa mg sinasabi niya. "Sinaniban na naman ba ng masamang hangin si Marife?" Nasabi lang nito. Kahit nakakapikon na siya. Hanga pa rin siya sa haba ng pasensya ni leah. Mas madalas pa nga na siya ang nagtatampo kaysa ito. "Should I really have to blame myself dahil sa nangyari sayo? Kasi alam kong isa ako sa dahilan mg bitterness mo. Pinagseselosan mo kasi kami ni Dex palagi." Bumungisngis ito.

Umirap siya. Nangingilabot siya sa tuwing maaalala niya kung paano sinabi nito sa kanya na bakla si Dexter. "Hindi ka nga nabasted. Pero mas masahol pa sa pagkabasted ang naranasan mo." Na sinabayan pa nito ng malulutong na pagtawa.

"Shut up! Leah! Baka may makarinig sayo. Nakakahiya." Nilingon lingon niya ang paligid. Busy ang mga bisita sa kanya kanyang ginagawa. Pero may isang pares na mga mata siyang nasalubong.

Pamilyar sa kanya ang hitsurang iyon. "Kilala mo siya?" Tanong ni leah na nakatingin din pala sa tinitignan niya.

Tumango siya. Niyugyog ng kaba ang puso niya. Lalo na ng dahan dahan itong lumakad papalapit sa kanila at huminto mismo sa harapan niya.

Gustong umalpas ng ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. How can she forget the face of the man she used to love before? Ang mukha nito na noon ay kahit sa panaginip niya'y nakatatak.

"Marife.. " Halos pabulong na sabi nito ng makalapit na sa kanila. Siya naman ay hindi malaman ang sasabihin. Matagal na panahon na, pero bakit ngayon lang? Marami itong pangako sa kanya noon pero walang natupad. Mapait siyang napangiti. Ano nga ba ang aasahan niya?

Deretsong tumingin siya sa mga mata nito. Nakikita niya ang nakaraan sa kislap ng mga iyon. Akma niyang ibubuka ang bibig na mula sa likuran nito ay ang madilim na mukha ni simmeon at ang mabangis nitong tinig.

"Stop flirting with my fiancé Albert!"





To be continued...



GENTLEMAN series 8: Simmeon TanOnde histórias criam vida. Descubra agora