PROLOGUE

6.5K 179 24
                                    

"Ahh . . . " Ungol ko sa panaginip ko. Paano ba naman, niroromansa raw ako ni Ken. Oo, si Ken--yong kapartner ni Barbie! "Ohhh . . . " ungol na dulot ng nakakaliting sensasyon gawa ng paghalik ni Ken sa pusod ko. "Oohhh . . . K-Ken . . . " Humaplos ang kamay niya sa kasilanan ko. "H-H-Huwag . . . " protesta ko pero binigo ako ng boses ko dahil para itong nakikiusap. "H-Huwag . . . huwag mo ng patagalin pa."

***

Tumatama ang sikat ng araw sa mukha ko. Napangiti ako dahil sa napanaginipan ko. Nadala siguro ako sa kasal ng best friend ko kahapon kaya napanaginipan kong niroromansa raw ako ni Ken! Diyos ko! Dream come true!

Nakangiti akong inaalala ang napanaginipan nang may gumalaw sa tabi ko. Dala ng pagkagulat ay tinulak ko ito at kumalabog na nahulog sa kama. Pupungas pungas na tumayo ang lalaking gulo gulo pa ang buhok. Mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa-- "aaaahhhhh!"

"Aaaaaahhhhh!" Sumigaw din siya sa gulat.

"Bastos! Aaaahhhh!" Tumayo ako pero may biglang kirot akong naramdaman sa ibabang parte katawan ko. Pagtingin ko--agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita. "Bakit ako nakahubo?!"

"Pucha!" Bulalas ni payat sa nakita sabay talikod siya. Hinablot ko kumot at itinakip sa katawan.

"Bastos!" Nakatalikod siya kaya nakikita ko ang pwet niya kaya humarap na naman siya na mas lalong nakapagpalaki ng mata ko. "Bastos ka!"

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya na gamit ang dalawang palad na itinakip sa 'ano' niya at sa katawan kong hubad sa ilalim ng kumot, kasunod ay sa puting kama na may mantsa ng........"dugo!"

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now