Chapter 51: The Empress' Gang

Magsimula sa umpisa
                                    

Sophia felt her heart sank when she saw those kinds of emotions. Ilang taon na niyang hindi nakikita ang mga expression na iyon. Pero ngayong nakita na niya iyon ay parang gusto na lang niyang ibalik ang oras para hindi na lang niya nakita ang mga expression niyang iyon.

"Can you please leave us, Sophia?" Nag-nod si Sophia at sinara na ang pinto. Habang pabalik si Sophia sa office ni Narrisa ay hindi niya maiwang maalala ang mga nabasa niya sa mga mata niya.

"I'm sorry." Sophia mumbled and she broke down. Tuloy-tuloy na nahulog ang mga luha ni Sophia. Ang sakit na matagal na niyang tinatago sa pinakamadilim na parte na puso niya. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili niya. Na kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari ang lahat ng iyon. Kasama na ang mga expression na iyon.

"You still love the darkness, huh?" Sabi ni Reese at napatawa na lang. Natawa na lang siya sa sinabi ng dalaga at napailing. It's been years since the last time that they met, as a friends. Marami ng nagbago, pero kahit anong mang nangyari sa mga taong nakapaligid sa kanila ay walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't-isa.

"Well, I wanted to see you for some questions, maybe." Reese said then she shrugged with her last word. Tumayo siya at kinuha ang acoustic guitar at nagsimulang mag-strum.

"Then, what do you want to know? And you really searched for me, huh?" Natawa si Reese ng mahina. Nabalot sila ng katahimikan, ang tanging naririnig lang nila ay ang strum na ginagawa niya mula sa paglalaro ng mga string ng gitara.

"Paano mo nalaman kung sino siya?" Umangat ang isang gilid ng labi niya nang marinig ang tanong ni Reese. Inaasahan na niya na itatanong ito ng dalaga sa kanya, pero hindi naman niya inaakala na ito ang unang itatanong nito sa kanya.

"Pinanood ko lang siya. And somehow, naging familiar ako sa appearance niya. I made an investigation on my own and I found out. That's how it is. But don't worry, no one knew about what I've got in my investigation." Nakahinga naman ng maluwag si Reese dahil sa narinig niya. Pero ang maliit na ngiti sa mga labi niya ay hindi pa rin nawawala kahit na nasagot na niya ang tanong ni Reese.

"But..." Napatingin si Reese sa kanya dahil sa sinabi niya. Bigla namang nakaramdam ng kaba si Reese. "...don't underestimate my comrades. Lalong-lalo na siya." Napatango na lang si Reese dahil kilala na niya ang tinanukoy niya. Kahit na ganoon ang ugali niya ay alam niyang delikado pa rin ito. Lalong-lalo na kung may hawak itong trump card.

"Nako, kaibigan ba talaga kita? Huwag mo nga akong siraan kay Miss Reese." Napalingon kaagad si Reese sa pinto pero wala namang tao. Napatingin na lang siya sa isang side at may nahagip siya na isang anino. Gamit ang kaliwang paa ni Reese ay in-on niya ang switch sa isang parte ng silid na iyon. At bumungad sa kanya ang taong pinag-uusapan pa lang nila.

May ngiti ito sa labi na ikinakunot ng noo ni Reese. Sa likod ng mala-anghel na mukha nito ay nakatago naman ang isang nilalang na alam niyang pwedeng manakit sa kanila kahit na anong oras nito gustuhin. Pero nang mawala ang ngiti na iyon sa labi nito ay kumalma ang expression nito. Bumalik ito sa pagiging dati nito. Na kalmado at palaging nakangiti.

"Calm down, Reese. Hindi kita sasaktan. Baka ako pa ang saktan ng katabi mo." Bumalik sa pagkakauponiya si Reese habang tumabi naman ito sa kanya. Umamba si Reese na susuntukin niya ito pero tinapat lang nito ang palad niya sa kamao ni Reese habang nakangiti.

"Paano ka napunta dito? Don't tell me kanina pa nandito? At may klase ka. Don't tell me, nag-skip ka ng class mo?" Tanong ni Reese. Agad naman nitong tinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko sa mga police. "Actually, nauna pa ako sa kanya dito. Nakatulog ako dyan kasi napuyat ako kagabi kakalaro ng PS3. Kaya ayan. Hindi ko naman narinig lahat ng pinag-usapan niyo. Nagising lang ako nang balaan ka na niya."

Marami pang itinanong si Reese sa kanila. At sa bawat tanong ay magkaiba sila ng sagot. Pero isa lang ang naging sagot nila sa isang tanong. "Ano nang mangyayari niyan sa kanya, kapag nalaman na nila kung sino siya?"

"I don't really know. Maybe, they will freak out. Kahit naman ako ay nabigla noong nalaman ko kung sino siya. Pero isa lang ang maaapektuhan niyan ng sobra. Marami pa akong gustong alamin. Something is missing with the information. Parang may mali. Especially on his part. Paano niya nalaman ang mga iyon?" Napatango si Reese sa sinabi niya. Pero napadako ang tingin niya sa acoustic guitar na ayaw nitong bitawan, kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Yeah, tama siya. Maraming kulang, maraming mali. No one really knew what happened in that time. Pati siya ay hindi alam ang totoo. Kung pati siya ay hindi alam ang totoo, mas lalo na tayo. Kasi wala naman tayo noong panahon na yun." Sagot pa ng isa. Natahimik sila pagkatapos. Dahil alam nilang tama ang bawat side.

Nasa kalagitnaan sila ng pagku-kwentuhan ay bigla silang nakarinig ng mga boses sa labas. Tumayo si Reese at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita niya ang kaibigan niya. Lalabas na sana siya pero may nag-pat ng balikat nito na ikinatigil niya.

"Hayaan na muna natin silang mag-usap. They need time." Reese nod. And close the door. Napabuntong hininga na lang siya at tumitig sa pinto.

"Summer." She mumbled.

***
Nag-update na ako. Kasi wala ako bukas hahaha. Here you go guys.
Abangan! Chapter 52: Tell The Truth

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon