Chapter 44: Empress Butterfly

Start from the beginning
                                    

Kapag natalo ako ni Comet, alam ko ang hihilingin niyang kapalit. Ang alisin ang maskarang suot ko. Iyon ang kinatatakutan kong araw. Ang araw na sana ay hindi na dumating pa kahit kailan. Pero ito ako ngayon, nagpapatakbo ng mabilis na motorbike para sa araw na iyon.

Natatakot ako na magkasakitan kami dahil sa kapangyarihan. Kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. Kapag nag-forfeit ako, ibig sabihin ay talo ako. At kahit na magpatalo ako sa laban namin ay talo pa rin ako sa kondisyon. Isang decision na kahit sa dalawa ay isa lang ang kakahantungan ko ngayon, walang iba kung hindi ang makikilala ako ng lahat.

Isa lang ang sagot na kaya kong gawin. Iyon ay ang talunin si Comet, sa kahit anong paraan. Nakita ko na kung paano mag-training noon ang BDG. Si Rain laban kay Kuya Ken, si Trale laban kay Mitsuo, si Gabrielle laban kay Natsu, si Michael laban kay Reina, si Louie na match kay Ate Reese at ako at si Comet.

"Summer? Hello, Summer? Hello!" Napangiti na lang ako ng mapakla. Ilang oras na lang at mawawala na sila ng tuluyan sa akin. Ilang oras na lang at ang lahat ng mga mahal ko ay mawawala sa akin.

Nabalot ako ng takot. Ayokong matalo ako, pero ayoko rin na mawala sila sa akin.

"Princess, napatawag kayo?" Narinig ko ang tawanan nila at ang boses ng mga boys sa kabilang linya. Ang saya nilang pakinggan. Kung sanang hanggang sa huli ay ganito na lang. Pero hindi, hindi maaari.

"Oh! Ate Narrisa." Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Ate Narrisa. Tinanong niya kung sino ang kausap nila at sinabi nilang ako. Mukhang nabigla si Ate Narrisa dahil narinig kong bumulong si Alice na natahimik daw si Ate Narrisa.

"May laban mamaya ang BDG." Biglang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang mga sinabi ng Princess. Na matatalo daw ng BDG kung sino man ang makalaban nila. "Sino ba yung makakalaban ng BDG, Ate Narrisa?" Tanong ni Nathalie.

"Ang Black Royalties Gang. Also known as the gang of the Empress of the Gangsters. Empress Butterfly." Ang kaninang mgs nagsasaya ay nabalot ng katahimikan. At dahil sa sobrang katahimikan ay narinig ko ang mga yapak na papalapit.

"So, finally. I can finally meet the Empress. The Empress that I want to kill in the first place." Hearing him saying those words pierce my heart. I quickly end the call. I don't want to hear any of his harsh words. It's enough.

Mabilis kong pinatakbo ang motorbike. Hindi ko sigurado kung saan ako pupunta. Mabigat ang pakiramdam ko, mas gusto ko na lang maglaho. Gusto kong ibalik yung panahon na sana hindi ko na lang siya tinignan at ini-snob. Kung hindi ko lang iyon sana ginawa, hindi siya sisipot sa first class ko. At hindi niya ako paglalaruan.

Kung sa una pa lang, sana ay umiwas na ako. At hindi ko pinayagan ang sarili ko na mapalapit sa kanila. Sana pinakilala ko na lang ang sarili ko sa lahat. Baka sakali, baka sakaling hindi ko sinisisi ang sarili ko ngayon dahil sa mga nangyayari.

Napaupo na lang ako sa buhanginan at umiyak ng malakas. Peste! Pesteng buhay 'to! Pero dumating rin yung oras na nagsawa na ang mga mata ko sa paglalabas ng mga luha. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang kawalan.

"Summer?" Napalingon ako at bumungad sa akin ang mga pamilyar na mukha. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa igitna nila ako at umupo sila sa magkabilaang side ko.

"Kanina ka pa namin nakikitang umiiyak. Ngayon na ba ang araw na iyon?" Ang sinabi ni Zachery ay parang palaso na tumama sa akin. Masakit at walang bahid ng ilusyon. Ngayon na ang araw na iyon at hindi ko iyon matatakasan.

"Ngayon na nga. At wala na akong magagawa para pigilan pa ito." Alam nila kung sino ako. At alam na nila na si Comet ang Emperor. Hindi ko alam kung bakit na-kwento ko sa kanila ang lahat. Siguro dahil alam kong maiintindihan nila ako.

"Anong nangyari sayo Heaven?" Napatingin siya sa direction ko at mukhang nagulat siya dahil sa biglaan kong pagtatanong. Umiwas siya ng tingin sa akin habang may maliit na ngiti. Pero bago siya nakaiwas ng tingin sa akin ay nakita ko sa mga mata niya ang pangunguli, ang kalungkutan at pagmamahal.

"May nangyaring hindi maganda. Siguro kapalaran na niya na mangyayari ito sa kanya?" Napatawa si Vincent. Pero sa tawang iyon ang mababakas ang kalungkutan.

"Hay, nakakabaliw talaga ang pagmamahal. Hindi niyo ba napapansin? At napansin ko lang na ito na yung pangalawa nating pagkikita." Natawa silang lahat dahil sa sinabi ko.

"Bakit ang complicated ng mga love life niyo? Bakit hindi kayo gumaya kay Antimony. Going smooth!" Pagpapatawa ni Caesium. Napatawa kami dahil sa sinabi niya at inasar namin si Antimony. Napatingin ako sa payapang dagat. Sana, sana kasing payapa ng dagat ang pagtatapos ng araw na ito.

Pero, hindi. Dahil ito na ang huli.

Sinuot ko ang mask ko. Mula sa kinatatayuan ko ay naririnig ko ang hiyawan ng mga gangsters. Tumingin ako sa harap at agad rin namang tumingin sa palad ko.

"Let us welcome! Black Royalties Gang!" Mas lalong humiyaw ang mga manonood. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko. Pero...

Tumayo ako at nagsimula ng humakbang papalabas ng room.

"And everyone, this night isn't complete without her! The Empress of the Gangsters! Let us welcome her back! Empress Butterfly!"

***

Happy 17th birthday to Mrs. Jocel Park! Ang asawa ni Chanyeol! 😍😘

Abangan! Chapter 45: Underground Fight!

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now