C h a p t e r (40)

Start from the beginning
                                    

Naramdamn kong nagvibrate ang phone ko, hudyat na nagtext na si Mel.

Mel: So ano na happenings?

Ako: Kumakain lng kmi.

Mel:Napancn nia na? >:)

Ako: D prin eh. -_-

Mel: Tch! Dat guy… wait, may mtaas kaung ktchen cbinet dba?

Napakunot ang noo ko.

Ako: Ah oo? Bkit?

Mel: Kunwari may aabutin k dun! BILIS!!! >:D

Ako: Ha? O.o

“Yung pagkain mo, Shara.”

“A-ah…hehe… oo nga. Sorry.” Sinimulan ko na ulit ang pagkain. Naguguluhan parin ako. Bakit naman ganun yung inuutos sakin ni Mel?

Nagvibrate na naman ulit. Agad kong binasa yung text, hoping na malilinawan ako sa sinabi niya.

Mel: Ngwa mo na?

Tch. Di naman pala.

Ako: Dpa.

Mel: Ohgawd! Gawin mo na!

Seriously? Ano ba kasing iniisip nito ni Mel?

“Sino ba ‘yang katext mo?” napatingin ako kay Jace na nakataas kilay at diretso ang tingin sakin. Yikes. “Sa pagkakaalala ko, hindi ka mahilig magtext.”

“Wala ‘to.” Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago tumayo. Feeling ko ay sinundan niya ako ng tingin o feeling ko lang ‘yun?

Tinungo ko ang kitchen cabinet. Sige na nga, gagawin ko na!

Napatingin ako sa taas. Ano namang aabutin ko?

Napunta ang tingin ko sa ketchup na hindi ko magets kung bakit nga ba nasa pinakataas ng kitchen cabinet. Weird.

Tumingkayad ako para abutin ‘yon. Shiz ha! Ano ba ‘tong pinaggagagawa ko? Bigla akong naconscious. Oo nga pala! Maikli lang ‘tong shorts ko! Shiz! Malamang kita na itong kaluluwa ko ngayon! So ito ang plano ni Mel?!?!

Naalala ko naman ‘yung sinabi niya kanina.

“Nice legs you got there! I’m sure maglalaway ‘yun sayo! Wahahahaha!”

Hey Sir! I Love You! (FINISHED)Where stories live. Discover now