Patapos na kong kumain ng tumunog ang phone ko. Tinignan ko to at nakitang tumatawag si Bea kaya agad kong sinagot.

"Where are you?"

Hindi pa man ako nakakapag-hello ay nagtanong na siya.

"Ahh. Sa cafeteria ka--"

"Stay there. I'll pick you up"

Bago pa man ako makasagot ay nababa na niya ang tawag.

"Anyare dun?" Sabi ko habang nakatitig sa phone ko.

"Sino yun?" Tanong ni Mich

"Si Beatriz. Susunduin niya raw ako" tumango-tango naman siya.

Napansin kong may notification ako sa twitter kaya tinignan ko muna iyon. Tinag pala ko ni Jia sa picture namin.

Jia Morado: Salamat sa libre totoy! @MarciBacalla @JhoanaLouisse @MichMorente
(Insert photo here)

Nakita kong nilike yun ni Bea. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Nilike niya lang naman? Bakit ako natatakot?

"Tara na" pag-aaya ni Jia kaya napatingin ako sa kanila.

"Wait. Restroom lang ako" paalam ni Mich at tumayo na siya.

"Ako din pala" sabi naman ni Jia kaya naiwan na naman ako kasama si Marci.

Gusto ko sanang sumama sa dalawa, kaso baka dumating na si Beatriz kaya nanatili nalang ako sa pwesto ko.

"Susunduin ka niya?"

"Kakasabi ko lang di'ba?" Napairap ako sa tanong niya. Narinig naman, ulit-ulit pa.

Mabuti naman at hindi na siya sumagot. Kinalikot ko nalang ang phone ko kahit wala naman talaga kong ginagawa. Ang tagal naman nung dalawa.

"Jho"

Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Bea. Hindi siya nakangiti pero hindi rin naman siya nakasimangot. Straight face kumbaga.

"Beh" nginitian ko siya at agad na tumayo para lumapit at bumeso. "Bilis mo ah"

"Im on my way na kasi nung tumawag ako" Binaling niya ang tingin kay Marci "Bro" tawag nito at ngumiti naman si Marci

"Musta?" Tanong ni Marci at nagfist bump sila.

"Ayos lang" ni hindi ngumiti si Bea pagkasabi niya non. Binalik niya ang tingin sa akin at hinawakaan ako sa kamay "Let's go"

"Wait sila Jia nasa--" Hindi na ko natapos dahil hinatak na niya ko paalis "Bea, wait"

"I'll just text them. May class ka pa di'ba?"

Hindi na ko sumagot at nagpahatak nalang sa kanya. Nakatingin lang ako sa likod niya habang patuloy siya sa paghila sakin. Maya-maya, huminto din siya.

"Get in" utos niya pagkabukas niya ng pinto ng kotse niya. Hindi na ko nakipagtalo at sumunod nalang. Pagkapasok niya sa loob, nakahawak lang siya sa manibela habang nakatingin sa labas.

"Bea" tawag ko pero hindi niya ko nilingon "B-bea.. Bakit?"

Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin. Kanina natatakot ako sa tingin niya, pero ngayon bumalik na ulit yung maamo niyang mata at ngumiti pa siya ng bahagya.

"I'm sorry. I just... had a bad day" pagpapaliwanag niya.

"Kumain ka na ba?" I ask and she shook her head "Bakit hindi pa? Kumain ka na muna. Sasamahan kita"

"Wag na. May gagawin pa ko eh. Kakain din ako mamaya"

"Ano bang gagawin mo?"

"Just some paper works. Hatid na kita sa class mo?" Kinabit niya ang seatbelt niya bago istart ang makina.

Complicated HappinessWhere stories live. Discover now