2.0

136K 2.3K 302
                                    



Nagtataka si Colyn dahil akala niya ay sa Tagaytay sila pupunta dahil nandoon si Jeremie. Pero heto siya, at dinala nila Mico sa mansyon ng magulang ni Jeremie.

"Ano ito? Bakit tayo nandito?" natatarantang tanong niya sa mga ito.

"Chillax, nandiyan kasi sila Mitch sa loob." sagot ni Erin at bumaba na sa sasakyan.

Sumunod nalang si Colyn sa mga kaibigan kahit na kumakabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Aba,siyempre! Malay ba niya kung nagsisinungaling si Jeremie sa sulat niya about sa parents nito. O kaya, sa limang buwan na wala siya bigla nalang nagbago ang mga ito.

"Hoy Colyn..tara na!" tawag sakanya ni Erin.

"Oo,susunod na ako." sabi niya rito. Tinignan niya muna ang singsing niya na bigay ni Jeremie at tila ba napawi lahat ng what if's niya.

She has Jeremiah Santillan's heart. She should not worry.

Pagkapasok niya ay agad siyang sinalubong ng yakap nina Mitch.

"Gumanda ka lalo! Ikaw ah..ano'ng sikreto mo?" tanong sakanya nito.

"Inlove eh." natatawang sagot niya rito.

"Ay, kaya pala maganda rin ako eh." sakay nito sa sagot niya.

Naiiling nalang siya. Nakita ni Colyn na magulo ang sala ng mga Santillan. Ang daming tao na paikot-ikot at kanya kanya ng mga ginagawa. Sila Dylan kinawayan lang siya at nagpatuloy na sa pagtawag sa phone nito.

Sila Erin naman ay tumulong sa mga kasambahay sa mga binubuhat na vases habang kasunod ng mga ito si Mitch na bitbit ang mga bulaklak.

"Ano'ng meron?" tanong niya sa mga ito pero hindi siya pinansin.

Medyo naiinis na si Colyn dahil mag-iisang oras na siyang nakaupo sa hagdan. Oo! Sa hagdan siya nakaupo dahil walang space ang mga sofa. Puro boxes ang nakapatong sa mga sofa, kaya heto siya at pinagmamasdan ang mga tao na busy sa kung ano ang mga ginagawa. Naiinis si Colyn kasi gusto na niyang makita si Jeremie. Ang usapan ay dadalin siya nila Erin sa Tagaytay at masorpresa si Jeremie sa pagdating niya. Pero ano? Nandito siya sa bahay ng mga magulang nito.

"Colyn? Hija?"

Nilingon niya kung sino ang tumawag sakanya. And speaking of magulang, dad pala ni Jeremie ito. Agad siyang tumayo at binati ito.

"H-Hello po tito.."

"Gumanda ka lalo. Kaya baliw sa'yo ang anak ko eh." masayang sabi nito.

Ngumiti si Colyn at pakiramdam niya nag-init ang pisngi niya. Baliw sakanya si Jeremie. Ang sarap sa tainga.

"Nakita ka na ba ng asawa ko?" tanong nito sakanya.

"Ho? Hindi pa po." sagot niya. Jusko. Ayan na, makakaharap na niya ang nanay ni Jeremie.

"Ay naku, excited siguro sa pag-aayos kaya di naalala ang pagdating mo. Halika at puntahan natin, kanina ka pa nun hinihintay."

Hindi na siya nakasagot dahil hinawakan na siya ng papa ni Jeremie sa palapulsuhan at hinila papunta sa garden.

Nagulat siya dahil pati pala sa garden ay ang daming tao! Nagkakagulo sila sa pag-aayos ng mga puti at sky blue na tela. Agad niyang nakita ang mama ni Jeremie at nilapitan na pala ito ng asawa nito at may ibinulong hanggang sa tumingin na ito sakanya.

Nakangiting lumapit ito sakanya at agad siyang niyakap.

Okaaayyyyy. Di pa siya sanay. Sanay kasi siyang taasan ng kilay ng mama ni Jeremie.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon