Five

104K 1.6K 33
                                    




Sandali lang nagkatitigan sina Jeremie at Colyn pero agad din nakabawi si Colyn.





"Uhm.. T-Tara na. Baka mahuli pa tayo." napaka-awkward na sabi ni Colyn.





"S-Sige." sabi ni Jeremie. Miski siya ay hindi din alam kung ano ang nangyari. Kung hindi pa nakabawi si Colyn ay baka sa malamang ay nahalikan na niya si Colyn. At kung nahalikan niya ito hindi niya alam kung tutugon ba ito o kaya makakatanggap ba siya ng isang napakalakas na sampal o flying kick.







Mabilis na pumasok si Colyn sa kotse ni Jeremie. Ganun din ang isa. Sa buong byahe nila papunta sa musical theatre na pupuntahan nila ay napakatahimik lang nila. Hindi alam ni Colyn kung ano ba ang iniisip niya ng mga panahong nagkatitigan sila ni Jeremie. Flashes of their past just rushed back in her mind. Mga alaalang ayaw na niyang balikan. Mga alaalang kahit isang segundo ay ayaw na niyang maalala.





Hindi niya alam kung suicide ba itong ginagawa niya dahil alam niya sa pagpayag sa kundisyon ni Marco ay alam niya na manganganib nanaman ang puso niya. Pero siyempre hindi na niya ito hahayaan. She learned from her mistakes.







"We're here." wika ni Jeremie.





Hindi siya sumagot at basta nalang lumabas ng kotse. Hinintay nalang niya si Jeremie na lumabas narin ng kotse.





"Let's go?" tanong nito.







Tumango nalang siya bilang sagot. Sinusundan niya si Jeremie. Nang papasok ay ibinigay niya ang dalawang ticket sa babaeng nasa likod ng counter. Kita sa mata ng babae ang pagkahumaling kay Jeremie. Bigla nalang tumaas ang kilay ni Colyn.





Pero agad din niya itong binaba. So what kung may babaeng mahumaling sa ex niya?? Psh.







"Colyn? Okay ka lang?"





"H-Ha?"





"Kanina pa kita tinatawag eh. Okay ka lang ba? Kung masama pakiramdam mo, huwag nalang tayo tumuloy. Maiintindihan naman ni Marco siguro iyon."





"Ahh. Hindi okay lang. Nandito na tayo eh. Tara na." aya niya kay Jeremie.







Nang makapasok sila sa loob ng theatre ay may sumalubong sakanilang isang lalaki.







"Good evening sir,ma'am. Kayo po ba si Jeremie and Colyn?" tanong nito sakanila.





"Yes. Why?" she asked.





"Ah yes, let me take you to your seats. This way."







Nagtataka man ay sumunod sila sa lalaki na sumalubong sakanila. At totoo ngang may nakareserve talagang upuan para sakanilang dalawa.





"Mr. Marco ordered us to reserve you the best seats. Enjoy the show." paalam na ng lalaki.





Pinaupo muna siya ni Jeremie at sumunod na ito sa pag-upo. Kung alam lang niyang malamig sa pupuntahan nila sana nagdala siya ng jacket. Eh paano ba naman, isang sleeveless dress lang ang suot niya. Pero sanay naman siya sa lamig kaya kakayanin niya nalang.





Nang magsimula ang show ay pumailanlang na ang tunog ng mga violin at cello. Pero hindi iyon ma-appreciate ni Colyn dahil lamig na lamig na talaga siya. Ikiniskis niya ang mga palad niya sa magkabilang braso niya na napansin naman ni Jeremie.





The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon