Twenty nine

79.3K 1.3K 36
                                    


"Wow, I never thought a chick flick could be that awesome."

Matapos nilang manuod nung movie, naghahanap na silang dalawa ng makakainan. Jeremiah Santillan is holding her hand publicly, kaya kanina pa naiilang si Colyn sa attention na nakukuha nila. Maraming napapalingon sila, some knows Jeremie as the tycoon for restaus and bars, some knows both of them as famous business people but most of them just wants to stare at Jeremie. Sino ba ang hindi mapapalingon sa lalaking ito? Eh simpleng pagtayo lang ata niya sa kasuluk-sulukan mapapalaglag panty na ang mga babae.

Ngayon pa kayang nakangiti ito ngayon at masayang pinupuri ang movie na napanuod nila, sige nga! Sabihin niyo, sino ang hindi mahuhulog sa lalaking ito?

"Hey, hindi mo ba nagustuhan ang movie?" untag ni Jeremie sakanya.

"Ha? Ah, nagustuhan siyempre! Natutuwa lang ako sayo kasi ang daldal mo." nakangiting sabi niya rito.

Tumawa naman si Jeremie at mas lalo nito hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Do you like it when I talk a lot?"

Nakatingin sakanya si Jeremie ng diretso. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nitong nakangisi sakanya. Napalunok siya ng marahan, sheeeetssss! Parang ang sarap halikan ng labi nito.

"I like it more when you kiss me."

Biglang napatakip siya ng bibig.

Did.she.just.said.that?

OH MY GOD!

Nang tignan niya si Jeremie ay halata rito ang pagkagulat sa sinabi niya, his eyes were in shock and his mouth is half open. Then it suddenly changed with a sexy smirk.. OH NO.


Colyn and her big mouth..

"So you like it when I kiss you?" mapang-asar na sabi nito.


Sa sobrang kahihiyan na nadanas na ni Colyn, hindi niya na alam kung paano pa ba siya lulusot sa sinabi niya. Might as well go with the flow. Siya ang nagsimula kaya wala siyang choice.

She looked at Jeremie straight in the eyes and matched his sexy smirk. She encircled her hands in his arms and whispered in his ears. "Yes, I love it when your soft lips touches mine."


Tinignan niya kung ano ang reaksyon ni Jeremie sa sinabi niya. She saw how he was stunned from what she did. She silently giggled. "Tara na, kain na tayo. Ginugutom na ako eh."

Hinila na niya si Jeremie sa Pizza Hut at umorder na sila. Sa totoo lang, nahihiya talaga siya sa pinaggagagawa niya kay Jeremie ngayong araw. Ewan ba niya, ang sarap kasing asarin nitong si Jeremie. Nakakatawa ang itsura. Habang hinihintay ang order nila, minabuti ni Colyn na itext ang manager ng botique niya para i-check kung ano na ang nangyayari.

Matapos magtext, napansin niya na kanina pa walang imik si Jeremie sa harap niya. Nakasandal lang ito sa upuan at nilalaro ang phone sa lamesa habang nakatingin sa labas. Dinutdot niya ang braso nito kaya naman napatingin ito sakanya.

"Ano problema mo?" tanong niya.

"Nothing."

Napakunot noo siya, ano bang problema nito? Gusto pa sana niyang magtanong kaya lang biglang dumating naman ang order nila kaya hindi na siya nagtangkang magtanong pa ulit. Naku, napaisip tuloy siya. Mukhang badtrip si Mr. Chef sa ginawa niya kanina. Tskk. Kinabahan tuloy siya. Kaya she busied herself with her pizza.


"Tsk, ano ba iyan!" napatingin siya kay Jeremie dahil parang iritado ito. Ano nanaman ba ang ginawa niya?

"What?" she asked.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon