Twenty four

80.4K 1.3K 35
                                    



Habang nagluluto si Jeremie sa kusina ay naglibot-libot muna si Colyn sa bahay nito. Ang ganda rin pala ng bahay niya, malinis dahil may maid ito, pero kahit na ganoon, feeling ni Colyn walang lilinisin ang maid dahil parang wala naman atang dadaanan ang alikabok papasok sa bahay nito. His house is simple. Hindi katulad na typical mansion na maraming chandelier sa bawat bahagi ng bahay. Wala rin masyadong abubot tulad ng mga vases,paintings at kung ano-ano pa. Pero ang kusina nito ay parang isang buong supermarket sa dami ng laman. Ang daming cabinets! Tapos yung refrigerator niya double door. And did she mention that he has two refrigerators?





Tinignan niya si Jeremie na busy-ng busy na naghihiwa ng mga gulay, grabe ang bilis ng galaw nito.

Hindi kaya mahiwa ni Jeremie ang mga daliri nito at mailagay sa niluluto nito?

Eew.

Nandoon lang siya sa bukana ng kusina at matamang tinitignan si Jeremie sa kung paano ito kumilos sa kusina. She have seen Jeremie numerous of times na nagluluto, pero hindi niya maintindihan sa sarili niya na kung bakit hindi siya nagsasawa pagmasdan ito. Para kasing siya lang ito, para bang nata-trap sa sariling mundo. Kung ito ay sa pagluluto, siya naman ay sa pagdedesign at pananahi ng mga damit.



"May maitutulong ba ako?" tanong niya at nilapitan na ito sa kusina. She can cook naman eh, hindi nga lang kasing-sarap at bongga ng mga cuisines na kayang lutuin ni Jeremie. Ang kaya niya lang ay yung mga madadaling lutuin, tulad ng itlog,hotdog,ham,bacon. Yung tipong prito lang. Pero alam na naman din niyang lutuin ang adobo. Nung time kasi na mag-asawa pa sila ni Jeremie ay pinag-aralan talaga niya ito...she stopped of what she just thought. She immediately brushed it off and repeated her question na mukhang hindi narinig ni Jeremie.




"Hey, may maitutulong ba ako sa'yo?"



Mukha namang napansin na siya nito kaya tinignan na siya nito at nginitian. "Huwag na, kaya ko na. Just sit back and relax."




"How can I relax kung nagugutom na ako? Dapat talaga nag-fastfood nalang tayo. Eh 'di busog na sana tayo ngayon."




"Hindi healthy ang mga pagkain sa fastfood kapag inaraw-araw mo. Ang dami kayang mantika ng mga pagkain sa fast food. Maganda na mga pagkaing puno ng sustansya at pagmamahal ang kainin mo." he said while chopping some pork at itinapon sa kumukulong tubig. Hindi nalang niya pinansin ang sinabi nitong pagmamahal. She knows that he's just joking.




"Patulungin mo na kasi ako para mabilis kang matapos!" naiinis na sabi niya rito. Ayaw kasi makinig eh. Para namang pasasabugin niya ang kusina nito kapag pinatulong nito siya.



"No Colyn, baka madumihan ka lang."




"Dali na kasi Jeremie! 'Cause seriously,I'm really hungry."



Nakita naman niya itong tumigil sa paghahalo ng kung anumang niluluto nito at hinarap siya na nakapameywang. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.



"Okay, pumunta ka sa kwarto ko at ikuha ako ng shirt. Pagbaba mo dito, tapos na ang niluluto ko."




"Ano ko,katulong mo?" nakataas na kilay na tanong niya rito. Ang kapal ng mukha ng balahurang ito! That's not the help she's offering.




"Dali na Colyn, my room is at the end of the hallway. Ikuha mo na ako ng shirt. "




Wala ng nagawa si Colyn kung hindi sundin nalang ito. Pasalamat ito dahil gutom na siya kaya hindi na siya nakipagtalo rito, at baka mamaya hindi pa siya nito pakainin dahil sa hindi niya ito sinunod. Umakyat na siya papunta sa kwarto ni Jeremie.

Nasaan ba yun?

Dire-diretso lang siya ng lakad kasi sabi nito end of hallway daw, at tama nga ito dahil nandoon nga ang kwarto nito. Pumasok na siya at hinanap ang closet nito. Kinuha niya ang isang tshirt na unang nahawakan niya. Naisipan niya na maglibot sa loob ng kwarto nito. Tulad ng isang typical na kwarto, may kama at closet. May isang couch din doon. The walls are just plain white na may mga patterns of black horizontal lines. Carpeted ang buong flooring ng kwarto nito. May isang pinto roon na nahulaan niyang banyo. At one side of his room, may isang glass table and a swivel chair. Maybe that's his so called office. May isang laptop na nakapatong lang at puro mga folders rin. May mga pictures din na nakaframe sa table niya. There's one picture of him in his chef uniform, a picture of his family, picture nila ng isa't kalahating gago gang...and a picture of...her?!




What the heck? Kuha ito nung event na kung saan may proposal siya kay Mrs. Lim. Kinuhanan pala siya nito.


"Colyn.."



Bigla niyang binitawan ang picture frame at hinarap si Jeremie. Agad siyang lumayo sa lamesa nito at kinuha ang tshirt na pinatong niya sa kama nito.



"Ah...eto na yung shirt oh." abot niya rito.


"The food's ready..hintayin mo na ako magpapalit lang ako."


Tumango nalang siya rito, akala niya magbibihis ito sa banyo pero hindi! Ang hinayupak na ito ay nagbihis sa harap niya! Nanlaki ang mata niya dahil oh-so-sweating ang dibdib nito pababa sa abs at tumulo pa pababa sa...gulp!


Agad naman siyang tumalikod at hinawakan ang pisngi niya. Pucha! Nag-iinit ang pisngi niya, bakit niya pa kasi tinignan? Ugggghhhh!

"Jeremiah Santillan! Tapos ka na ba magbihis?!" sigaw niya rito.



Narinig niya itong tumawa. "Oo, you can look at me now."


Dahan dahan siyang lumingon dito. Pero dapat talaga hindi muna. "JEREMIAH! ANO BA!"


Ang walanghiyang lalaki! Hindi pa nagbibihis, pagharap niya rito, malapit na ito sakanya at nakapameywang habang may konting pawis parin ang dibdib hanggang sa..ano. Basta! Nakakainis. Nakakadistract!


Tumawa ito at pinunasan na ang pawis at dali-daling sinuot ang tshirt na binigay niya kanina. Goodbye oh-so-sweating abs!


"You're still that cute whenever you're blushing."


"Shut up!"


"Food's ready, let's go." sabi nito habang naglalakad sa glass table niya at inayos ang picture frame na kanina ay tinitignan niya, at iyon ang picture niya. Hindi pala niya ito naiayos ng lagay, nagmamadali kasi siya.


"Uhm..bakit may picture mo ako?" tanong niya rito.


"Kasi kinunan kita?"


"Okay! Bakit mo ako kinunan?"


"Kasi ang ganda ng ngiti mo dito."


"Palagi naman maganda ang ngiti ko ah. Bakit kailangan stolen pa?"




At bakit ba tanong ng tanong siya?

Eh di parang sinabi niya na kinikilig siya dahil may picture siya nito na nakalagay sa office table nito, at iyon ang nagsisilbing inspirasyon niya para pag-igihan ang trabaho? At bakit alam na kaagad niya ang shot? Bakit nag-a-assume na naman siya? Ah! ang gulo!


Ngumiti muna ito sakanya pero hindi umabot sa mata nito. Feeling lang naman niya yun.



"Kasi totoo ang ngiti mo rito, and I haven't seen you smile like this again. Simula nang nagkita ulit tayo, this is the first time that I saw that smile again. That smile that made my heart flutter with joy and calmness. And I want you to smile and be that happy again.. Colyn, how can I make you that person again?"

============

Follow me @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon