Thirty eight

75.1K 1.2K 41
                                    


"Kaya mo ito,Colyn. Nandito ka na, aatras ka pa ba?" alo ni Colyn sa sarili niya. Nandito kasi siya ngayon sa tapat ng mansyon ng mga magulang ni Jeremie.

Matapos ng pag-uusap nila ni Jeremie kanina sa condo nito, ay napagdesisyunan niyang kausapin ang mga magulang nito without him knowing.

"Pababa na po si Mrs. Santillan." pagbibigay alam sakanya ni Manang Helena.

"Salamat ho."

Hindi rin siya naghintay ng matagal at bumaba na si Mrs. Santillan.


"Good Afternoon po." bati niya rito.

"Good Afternoon rin, maupo ka." mahinahong sabi nito sakanya. Nasaan na ang malditang nanay ni Jeremie? Hindi kaya kambal niya lang ito? Bakit tila nagbago ata ang mama nito?


"Ano'ng kailangan mo sa'kin?" diretsyahang tanong nito sakanya.

Nagkamali pala siya, ganoon parin ang mama ni Jeremie.

"Gusto ko po sana kayong makausap ni Mr. Santillan."


"Wala rito ang asawa ko, nasa trabaho. Ano ba iyon?" naiinip na tanong nito.


"Gusto ko pong sabihin na, mahal ko po ang anak niyo. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit lagi nalang kayong tutol sa relasyon namin?"


Tumaas ang kilay ng mama ni Jeremie at humalukipkip na tinignan siya. "Kung tungkol lang sainyo ng anak ko ang ipinunta mo rito, makakaalis ka na. Wala na akong pakealam sainyong dalawa. Simula nang talikuran niya kami at pinili ka,hindi ko na siya papakealaman pa. Bahala na kayo sa buhay niyo." akmang tatayo na sana si Mrs. Santillan nang pigilan ito ni Colyn.


"Paano niyo po kayang tiisin ang anak niyo?" tanong niya.

"Wala kang karapatan para husgahan ako niyan! Hindi mo alam kung gaano ang hirap naming mag-asawa para marating ang buhay namin ngayon. We just want what's best for our son." diretsong sabi nito sakanya.


"At hindi po ako ang best na iyon? Kaya po ba ginipit niyo si Jeremie para lang i-divorce ako? Ano po bang problema niyo sa'kin? Kasi hindi ko po maintindihan kung bakit ayaw ninyo sa akin. Mahal ko po ang anak niyo, hindi pa ba sapat iyon? Bakit hindi niyo nalang iyon tanggapin?" may namumuong luha na ang nagbabadyang bumagsak sa mga mata niya.

Huminga ng malalim ang nanay ni Jeremie at tinignan siya ng seryoso.

"Alam ko Colyn, simula kasi nang makilala ka ng anak ko nagkandagulo-gulo na ang pamilya namin." may halong galit sa tono nito.



"Ano pong ibig niyong sabihin?" takang tanong niya.


"Simula nang pumasok ka sa buhay ng anak namin, nag-iba siya. Natuto siyang magsinungaling sa amin! God, nang sabihin niyang ikinasal siya,my husband had a heart attack! Pero hindi kami nangealam nun, dahil baka akala namin hindi seryoso si Jeremiah. But until Jeremiah decided to take Culinary at iwan ang business ng pamilya namin para sa'yo! And that's the last thing we can take! We had to make an action bago mawala samin ang anak namin. Ginipit namin kayo..hindi mo alam na ang tita or ninang whatever she is to you, naghihirap na sa negosyo nila nun yet you're still with Jeremie..



..Buti nalang natauhan ang anak namin at pumayag na hiwalayan ka. Pero buong akala namin nagbalik na siya sa dati..dahil makalipas ng isang taon, he left the company at itinuloy ang pagtatayo ng negosyo niyang mga restaus. Nagkagalit sila ng daddy niya, until now ayaw nila kausapin ang isa't-isa. We used to be a happy family, until you came. I don't wanna hate you..pero masisisi mo ba ako?" Umiiyak na ang mama ni Jeremie sa pagkekwento niya. Pati si Colyn..hindi niya alam pero nagi-guilty siya.


"..Ang sakit para sa isang ina at asawa na makitang nag-aaway ang dalawang lalaking sobrang mahal mo. Iniwan kami ni Jeremiah sa States para bumalik rito sa Pinas para hanapin ka. Iniwan niya kami para sa'yo..sarili niyang pamilya tinalikuran niya para sa'yo! Hanggang ngayon, ikaw parin.. Kaya ayaw kita. Dahil ikaw ang sumira ng lahat!"

"I-I am sorry..h-hindi ko alam.. God.." naiiyak na sabi ni Colyn.

Nakayukong tumakbo nalang siya paalis sa bahay ng mga Santillan. Nagi-guilty siya.. siya nga ba talaga ang may kasalanan ng lahat? Hindi niya alam..pakiramdam niya isa siyang home-wrecker ang pinagkaiba lang, she's not a mistress.

Umiyak lang siya ng umiyak sa loob ng kotse niya.. tinignan niya ang phone niya na kanina pa ring ng ring. Nang makitang si Jeremie ang tumatawag..pilit niyang inayos ang boses niya. She doesn't want to let Jeremie know that she is crying.


"Hello?" she tried sounding normal.

"Hey,love! Saan ka? I have a surprise for you.." masayang sabi nito.


"I'm driving..ano ba iyan?"


"Surprise nga eh..punta ka sa Happy Tummy.. I'll wait for you.."


"Okay.."


I love you..


"I-I love you too.."

Bago pa makahalata si Jeremie ay agad na niyang pinatay ang phone at tuluyan nang naiyak. Agad niyang ini-start ang kotse at pumunta na sa Happy Tummy, isa sa mga restaus ni Jeremie. Nang makarating siya ay agad siyang pumasok pero nakita niyang walang kahit ni isang customer ang nandoon. May mga waiters na nakahilera sa harap niya. Agad na naghiwalay ito sa gitna at nakita niya si Jeremie na naghihintay sa kanya na may hawak na red and white balloons. Tinakpan ni Colyn ang bibig para hindi marinig ang hikbi niya.


"Naiyak ka ba sa sobrang kagwapuhan ko?" biro ni Jeremie sakanya. Hinampas nalang niya ito sa braso at kaagad na niyakap.

"I love you Jeremiah Santillan..tandaan mo iyan.." bulong niya rito.

Nagtataka si Jeremie sa biglaang paga-I love you nito. Pero baka naman talaga sobrang na-touch lang si Colyn sa sorpresa niya. Haaay. Masyado na siyang paranoid.

Matatapos na sila sa pagkain, napansin ni Jeremie na parang tulala si Colyn. Ni hindi nga siya masyadong kumain eh.

"You okay?" alalang tanong niya rito.

"Ha? Oo..okay lang ako." sagot nito.

Tumango nalang siya sa sagot ni Colyn. Tinanguan ni Jeremie ang mga waiter na nakahilera at isa isa na itong naghanda para talaga sa 'sorpresa' niyang totoo.

Nagulat si Colyn ng biglang may pumailanlang na tunog ng violin sa background at sa biglaang pagluhod ni Jeremie sa harap niya.

"Colyn Valdez, for seven years ikaw lang ang nilalalaman ng puso ko. Pilit ko mang palitan ka, pero nagsusumiksik ka parin dito." Turo ni Jeremie sa puso nito. "I know, na maraming taon ang nasayang, pero hindi ko iyon panghihinayangan dahil alam ko na panghabang buhay ang papalit sa mga taong iyon. Gaya nga ng sabi ko, you're worth fighting for..kaya Colyn Valdez..will you marry me?"

Ipinakita ni Jeremie sa kanyang harapan ang singsing na kumikinang dahil sa mga ruby na nakapalibot rito. Nakita niyang naglabas ng isa isang mga placards ang mga waiters na nagsasabing 'SAY YES'. Umiiyak na hinarap niya si Jeremie.

She loves him so much. Pero..matapos lahat ng nalaman niya, hindi niya maatim na pakasalan ito habang nilalamon siya ng guilt dulot ng pagkasira ng pamilya nito. She knows how hard to lose someone important to you. Alam na alam iyon ni Colyn..dahil lagi siyang iniwan ng mahahalaga sakanya noon. Including Jeremie.

Pero she is not doing this para maiparamdam rito kung paano ang maiwanan. Gagawin niya ito, dahil mahal niya ito. At a part of it, is to let go.


"I'm sorry Jeremie..pero hindi. Hindi ko kaya.."

Agad siyang tumakbo palabas ng restau at pinasibad ng takbo ang kotse niya. Nakita niya pa si Jeremie sa side mirror niya na hinabol siya palabas ng restau.

"I'm sorry Jeremie..I think this is the best for all of us.."

---------
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon