Thirty

78.6K 1.3K 24
                                    



Nagising si Colyn dahil sa kung may ano'ng kumikiliti sa batok niya. Umikot siya sa kanyang higaan at tumambad sakanya ang mukha ni Jeremie.

"Morning sleepy head, tired?" tanong nito. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Sa tingin niya ay nakapaghilamos at toothbrush na ito dahil medyo basa ang kaunting buhok nito eh. At nakasuot narin ito ng boxers habang siya ay hubo't hubad parin sa ilalim ng kumot.

"Mm-hmm.. let me sleep more." sabi niya at tsaka pumikit ulit.

Naramdaman naman niya ang braso nito na yumakap sakanya. Oh shet. Wala pa siyang damit! Kaya naman, dahan-dahan niyang tinulak si Jeremie palayo sakanya. At mukhang alam ni Jeremie kung ano ang ginagawa niya kaya naman napatawa ito.


"Nahihiya ka pa, eh ang tagal ko ng nakita at nahawakan iyan." natatawang sabi niya.

Pinalo niya ito sa dibdib dahil nahihiya na talaga siya. "Ano ba!"


Kasi naman 'di ba? Kailangan talaga ipangalandakan iyon? Pero hindi ata ito natinag dahil mas lalong lumapit pa ito sakanya at hinalikan sa labi.

"You are so cute lalo na kapag nahihiya ka. Pero as much as I want to be here with you all day, we need to go. May trabaho ka pa 'di ba?"


"Oh shit. Oo nga pala!" napaupo agad si Colyn sa kama at inayos ang kumot niya. Nakalimutan niya na may lunch meeting siya sa isang client niya. Ano'ng oras na nga ba? Inikot niya ang tingin sa kwarto, at nang may makitang wall clock agad niyang tinignan ang oras. 9:15am. Medyo maaga-aga pa.

Tumayo na siya sa kama, still wrapped in the blanket, at isa-isang pinulot ang mga damit niya. At etong si Jeremie? Hayun at nakahiga ng patagilid, his head resting on his palm, tila masayang nanunuod ito nang kung anong palabas. Tinaasan niya ito ng kilay.


"What?" tanong niya.

"Nothing, parang gusto ulit kita dalhin dito sa kama and make you scream for--"


"JEREMIAH!"

Humagalpak ng tawa si Jeremie at tumayo na sa pagkakahiga. Lumapit ito kay Colyn at niyakap ito at pinagtapat ang mga mukha nila.

"Joke lang po." he kissed her forehead. "Sige na, maligo ka na. Nakapagluto na ako ng breakfast. Ihahatid na kita sa trabaho mo." at again, hinalikan nanaman siya nito but this time sa labi na.

Matapos niyang maligo ay pumunta na siya sa kusina at nakita si Jeremie na nakabihis na ng simpleng black shirt,jeans and kicks. Nagtitimpla ito ng juice nang makita siya.

"Let's eat?"

Nakangiting tumango siya at umupo na sa lamesa. Inilapag nito ang pitsel ng orange juice at umupo sa tabi niya. At nun lang niya naalala ang mga tanong niya dapat kagabi pa. Hindi niya tuloy naitanonv kagabi kasi bigla na lamang nito inatake ang labi niya.

"Uhm Je,?" tawag niya rito.

"Hmm?" sagot nito habang nilalagyan siya ng fried rice sa plato niya.

"Kaninong condo 'to?"

"Sa akin. Secret place ko ito. Kapag gusto ko ng alone time, dito ako nagtatago." sagot nito sa tanong niya at ngayon naman ay kinuha nito ang egg muffin ata iyon.

Tinignan niya ang lamesa at jusko! Kung siguro typical na breakfast ay may pandesal,hotdog,ham,bacon at kape. Pero eto namang si Jeremie, pinasosyal ang itlog at pandesal.

"Ako na." agaw niya ng pitsel ng orange juice kay Jeremie. "Secret place mo pala ito, dito mo pa ako dinala." sabi niya habang sinasalinan ang mga baso nila.


"I'd share my secrets to you Colyn. Tsaka kung dati ang alone time ko ay ako lang, ngayon when I say alone time it means I want to be with you ALONE."

Nag-init nanaman ang pisngi niya sa sinabi nito. Tangna talaga nitong lalaking ito! Umagang-umaga pinapakilig siya.

"You're blushing again." he stated.

"Eh pinapakilig mo ko eh!"

Natawa naman ito sa pag-amin niya. My God, para silang mga teenagers. And it feels good.

Matapos nilang kumain ay naglinis muna sila ng pinagkainan. Medyo nagtalo pa sila ni Jeremie dahil ayaw nito siyang paghugasin. Siyempre, nakakahiya naman 'di ba? Ito na nga ang nagluto, ito pa ang maghugugas? Tsaka hindi naman makapal ang mukha niya ano at sa huli, hinayaan nalang niya itong maghugas habang pinunasan nalang niya ang lamesa.


Nang binabaybay na nila ang daan patungo sa main branch ng Botique niya na Glambition naalala niya ang kanyang kotse.


"Hey, nasaan nga pala ang kotse ko ha?"

"Nasa botique mo na. Pinadala ko na sa driver ko. Don't worry."

Di na siya nagsalita at tumango na lamang. In less than thirty minutes ay nakarating na rin sila sa botique niya. Nauna itong bumaba at mabilis na umikot sa side niya para lang pagbuksan siya nito.


"Thank you." sabi niya pagkababa.

"A kiss would do."

Bago siya makaalma ay mabilis na siyang nahalikan nito sa labi. Siya rin ang humiwalay dahil nasa public place sila, take note! Sa sidewalk at jusko naman! Ang daming tao sa ganitong oras! Nahiya siya dahil pinagtinginan sila ng mga tao at hidi rin sila nakatakas sa mga empleyado niya na ngayon ay nakadungaw sa glass wall ng kanyang botique. Lahat ng mga ito ay may mga nakakalokong ngisi sakanilang dalawa ni Jeremie.


"Did I make you blush again?" natatawang sabi nito sakanya.

"Stop doing that!" saway niya rito.

"But I love doing that. Well anyways, I gotta go baby. Don't skip meals. I'll call you."


"Okay, bye!"


"Bye!" at ayun nanaman. Hinalikan nanaman siya nito sa labi at tumakbo palayo sakanya para hindi siguro niya mapalo.

"JEREMIAH SANTILLAN!"


"Bye baby, I LOVE YOU!" Sigaw nito sakanya bago sumakay sa kotse at pinaharurot ito paalis.

She was stunned. Para atang na-glue ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. He said I love you. Hindi na bago sakanya iyon. As far as she remembers, narinig na niya ito magsabi ng 'I love you' sakanya dati. But this is the first time he said that again matapos nila maayos ang issues nila.

She was happy, of course. But at the same time hindi siya dapat maging kampante. Dahil oo, masaya sila kahapon at ngayon. But how can she be so sure that it will last long? Bakit parang pakiramdam niya na may mangyayaring hindi niya gusto?

Huminga siya ng malalim.

"Kaya ko ito. Kaya mo 'to Colyn." sabi niya sa sarili niya.

Tama. Kaya niya ito. Hindi na siya ang dating Colyn na nagpapadala sa nangyayari. Kung naging tanga siya dati sa relasyon nila ni Jeremie. Ngayon hindi na. Oo, mahal niya si Jeremie. Pero hinding-hindi niya muna sasabihin ito. Dahil ayaw na niyang maging tanga. Tapos na siya roon. Now, she will be careful in every move and decisions she will make.

But one thing's for sure,she will not give up without a goddamn fight.

=======
Follow me @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon