Twenty eight

78.1K 1.2K 26
                                    



"Mall?! Kinidnap mo ko para dalhin sa mall?!" Colyn said while getting out of his car.

"Bakit? Saan mo ba gusto na dalhin kita?" sabi nito na nakangisi.

Knowing Jeremie, alam na alam ni Colyn ang iniisip nito at siya din, kapag iniisip ito ay namumula siya. Kaya imbis na sumagot pabalik ay pinili nalang niyang tumahimik. And who is she kidding? Alam niya sa sarili niya that she also wants this.

"Let's go." aya nito sakanya. Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang kamay at pinagsiklop ang kanilang mga daliri.

"A-Ano ba?" kinakabahang sabi niya. Jusko! Inaatake na ng tambol ang dibdib niya. Her heart is pounding fast. Ganito ba talaga ang epekto sakanya ng ex niya?

"What?" Jeremie raised his eyebrow while smirking.

Hindi na nito hinintay ang sagot niya at basta nalang siya hinila papasok ng mall. Seriously, ano ba ang gagawin nila sa mall? Kung magde-date sila ay hindi sa mall. Matagal na niyang kilala si Jeremie. Lalo na bago sila ikasal, siyemre they have been in several dates. Madalas ay sa mga mamahaling lugar siya nito dinadala. Minsan nang inaya niya na sa park or mall sila mag-date noon pero lagi itong umaayaw sa suhestiyon niya. And now? Ano'ng nangyari at parang nagbago ito?


Napadpad sila ni Jeremie sa movie house ng mall. Pumila sila sa isang lane na ang palabas ay isang comedy chick flick.

"Really? Seriously, manonood ng sine si Jeremiah Santillan? At chick flick pa." Colyn raised her eyebrow while mocking Jeremie that was just smiling from ear to ear by her side.

Ngunit hindi sumagot itong si Jeremie sa tabi niya at nagkibit balikat nalang sa pang-aasar niya rito. Grabe! Kanina pa talaga siya nawi-weirdo-han sa lalaking ito kaya hindi na siya nakatiis at nagtanong ulit.

"Ano ba talagang meron ha?" naiinis na tanong niya rito.

"Date nga, kulit mo talaga!" sabi nito at kinurot nalang ang ilong niya.


"Ang sweet naman nila!"

"Teka! Si Jeremiah Santillan iyon di ba? Yung tycoon sa restos and bars?"

"Wait, kilala ko yung girl! Oh my God! Si Colyn yun eh, yung sikat na designer!"

"Are they dating?"

Nilingon niya ang mga babaeng nag-uusap sa gilid nila. Nasa kabilang lane sila nakapila kaya madali para lingunin sila. Nakita siguro nila na tumingin siguro siya at nag-iwas ng mga tingin. At nang sulyapan naman niya ang lalaking nasa gilid niya, ngingisi-ngisi lang ito at grabe ha! Mukhang nagustuhuhan pa ang mga narinig niya eh halata namang narinig din ang pag-uusap ng mga babae sa gilid nila.

Finally, it was their turn to buy the tickets. Kinuha na iyon ni Jeremie at dimiretso naman sila sa may bilihan ng pagkain at pumila ulit.

"Ayokong manood ng sine!" bigla niyang sabi. Nilingon naman siya ni Jeremie at nagtatakang tinignan siya.

"Nakabili na tayo ng tickets."

"Edi maghanap ka ng ibang makakasama!"

Aalis na sana siya nang bigla siya nitong hilahin papunta sa harap niya at niyakap mula sa likod nang sa gayon hindi siya makatakas.

"Pero ikaw ang gusto kong kasama." bulong nito sa tainga niya na nagpataas ng mga balahibo niya. Nakiliti rin bahagya siya dahil sa naramdaman. Ay potakte! Umaatake na naman ang nga tambol niya sa dibdib!

"H-Hindi ako manunuod kung hindi mo sakin sasabihin na para saan ang mga ito." she said with finality in her tone. Iyon lang naman talaga ang ipinuputok ng butsi niya eh! Ayaw pa kasi sabihin kung ano meron. Malay niya ba na idine-date siya nito sa mall for the first time at malay-malayan niya ay last time narin ito! Tapos malalaman niya na ikakasal ito bigla Caira? NO! HINDI SIYA PAPAYAG.

"Ano Jeremie? Sasabihin mo ba o aalis ako?" nagpumiglas si Colyn mula sa pagkakayakap sakanya ni Jeremie pero mas lalo lang hinigpitan ng lalaki ang yakap nito sakanya.

"Di ba I've promised you that I'll never leave you?"

Tangna! Bakit ang sexy ng boses ni Jeremie? Potakte talaga! Kahit ata ano'ng gawin nito ay pakiramdam niya inaakit siya nitong machong ito. Umusad na ng kaunti ang pila pero nanatiling nakayakap si Jeremie sa likod niya habang naglalakad sila.

"Hindi ko alam kung ano iyang drama at may iba ka atang iniisip sa date na ito but.." narinig naman niyang huminga ng malalim ito bago ipinagpatuloy ang sasabihin nito. "..Sa maniwala ka't sa hindi I just want to date you. To be with you. You don't know how much I want to be with you everyday..every minute."

"B-But why here? It's not your type. You used to date me in fancy places not that I'm asking for it though."


"Because.." narinig niya muli na huminga ito ng malalim na tila ba ay nahihirapan sa kung anuman ang sasabihin. "..I want us to start anew. Bukod sa pagmamahalan natin noon, ayoko ng balikan ang mga alaalang nasaktan kita. Dahil pinagsisisihan ko iyon Colyn."

Gusto niyang maiyak sa sinasabi ni Jeremie ngayon pero hindi niya magawa dahil nahihiya siya. And nasa public place sila! Pero aaminin niya, that she feels happy. Very very happy. At shet na malagkit, kinikilig siya ng bonggang bongga!

"And besides.. For a change, gusto kong mag-date tayo like a normal couple would do. Yung ganito, stroll lang sa mall, manunuod ng sine, kakain sa fast food or sa kahit anong restauants. Di ba parang mas masaya iyon?"


Tumango siya bilang sagot rito. "Yeah, at tsaka medyo boring yung dates natin dati. Masyadong limited ang mga kilos. At least dito, kahit magpakabalahura tayo, okay lang." natawa naman silang dalawa sa sinabi niya.

Nang nasa bungad na sila ng pila ay kumalas na si Jeremie sa pagkakayakap sakanya para maka-order. Nadisappoint siya ng kaunting kaunti nang tinanggal nito ang mga bisig sa pagkakayakap sakanya pero muli naman nabuhay ang kilig bones niya nang hawakan siya nito sa bewang niya at hinapit palapit sa katawan nito habang hawak nito sa isang kamay ang isang plastic bag na naglalaman ng pagkain nilang dalawa. Siya naman ay hawak ang ticket nila.

"Let's go?" aya nito sakanya.

Tumango siya at nauna ng maglakad pero hinapit ulit siya nito papunta sa kanya at mabilis na hinalikan ang labi niya.

Narinig niya ang mga kaunting tili ng mga babae, namula ang pisngi niya. Oo, alam niyang pumula ang pisngi niya dahil kinikilig siya. Shet kasi! Dapat nagsasabi ito bago siya halikan para namang makapag-ready siya. Tinignan niya ang mga tao sa paligid, at kita sa mga mukha ng mga ito ang kilig, inggit pero mostly kilig talaga.


"Let's go!"

Nagpatianod na lamang siya rito dahil hindi na talaga siya makapagsalita sa gulat at kilig.

Hayyyy Jeremiah Santillan!

===========

Follow me @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon