Eleven

87.1K 1.3K 14
                                    


Nagising nalang si Colyn nang maramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Papungas niyang inabot ang kanyang iPhone sa bedside table only to find out that it's already two am in the morning!

Anak ka nga naman ng tinalupan!

Kaya pala nagwawala na ang kanyang tiyan sa gutom eh anong oras na kaya!



Napatigil siya sa naalala niya, si Jeremie! Ang ungas na iyon, hindi siya ginising! Naalala niya na sabi niya na gisingin siya ng eight pm dahil nga sa kasunduang nilang ililibre siya nito ng dinner. Ibang klase talaga kausap iyon.



Tumayo na siya at kinuha ang robe niya at sinuot iyon. Pupunta nalang siya sa kusina, kung ano nalang ang makita niyang edible ay kakainin nalang niya basta ba malagyan niya na ng pagkain ang kanyang alaga niya sa tiyan niya. Pagkababa niya, nagtaka siya dahil bukas ang television sa may bandang sala.





Gising pa sina mama Lulu?



Sa isip isip niya kaya dahan dahan siyang pumunta sa kusina para 'di na siya makalikha ng ingay para hindi na rin niya maistorbo sina mama Lulu. Sakto, may nakita siya pagkain sa ibabaw ng lamesa na natatakpan ng food cover. Binuksan niya iyon at mukha namang masarap, kumalam nanaman ang sikmura niya nung amuyin niya pa iyon. Kaya maingat siyang kumuha ng plato at kubyertos tsaka siya umupo at kumuha ng pagkain.



"Tsk, eating like a sneaky mouse eh?"

Naibagsak niya ang kutsara niya sa sobrang gulat sa nagsalita sa likod niya. Grabe naman kasi, bigla-bigla nalang susulpot eh siya nga nag-iingat na huwag makalikha ng ingay. Tsaka teka! Di ba dapat magalit siya dito? Aba! Nanginginig na siya sa gutom dahil sakanya. Kinuha nalang niya ang kutsara sa sahig at pinunasan gamit ang robe niya tsaka ibinalik sa plato niya.



"Ano ba 'yan Colyn! Madumi na iyan, kumuha ka ng bago." sita sakanya ni Jeremie.

"Gutom na ako." simpleng sagot niya.

Akma na siyang susubo ng pagkain ng bigla nitong hablutin ang kutsara niya.

"Ano ba?!"



Bago pa ulit siya makaalma ay inabot na nito sakanya ang bagong kutsara na kakukuha lang nito, padabog naman niya itong kinuha.



"Kahit kailan talaga ang tamad mo. Nakita mo na kasing nahulog eh hindi pa kumuha ng bago." panenermon nito. Tinignan naman niya ito na prenteng nakasandal sa counter sa harap niya.



"Wala kang pakealam."

"Teka nga, napapansin ko ah. Bakit ang sungit mo sa'kin ha?"

"Hindi ah."



Patuloy lang siya sa pagnguya sa pagkain niya. Infairness ah! Ang sarap nito. Matuto ngang magluto nito.



"Oh c'mon Colyn, I know you! May nagawa ba ako?"



Sa sobrang inis niya padabog niyang binaba ang kutsara't tinidor at masamang tinignan si Jeremie. Eh sa naiinis talaga siya eh. Usapan gigisingin siya ng eight pm, pero two am na! Take note pa! Kusa siyang nagising!



"Eh sira ulo ka pala eh, 'di ba sabi ko sayo gisingin mo ko ng eight? Eh kung hindi pa kumalam ang sikmura ko hindi pa ko magigising."



"Hey. As far as I remember ang sabi mo katukin kita ng eight pm." kalmadong sabi nito.



Napaisip siya sa sinabi nito then she remembered.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon