Forty

86.2K 1.4K 124
                                    

Pagkarating na pagkarating nila Jeremie sa hospital room ng mama niya ay nadatnan niya ito na nakaupo sa hospital bed nito at nakatingin sa bintana. Nang lingunin sila ng mama niya, nagulat ito dahil nandito sila.


"Ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong sakanya ng mama niya.

"Dad told me." he said at nilapitan niya ang ina niya. "What happened to you, Ma?" alalang tanong niya rito.

"Wala. Bakit? Nag-aalala ka? Di ba tinalikuran mo na kami ng papa mo dahil kay Colyn?" halos maiyak na sabi ng mama niya.

"Siyempre nag-aalala ako ma! Nanay kita. Mahal kita. At hindi ko kayo tinalikuran ma, I would never do that."


Umismid ang mama niya sakanya at umiwas ng tingin. "Ginawa mo na Jeremiah, ever since you've fallen inlove with that girl, tila ba parang wala na kami sa iyo. Na kaya mo na kaming balewalain pagdating sakanya..and it hurts so much na makita kang nagkakaganyan ng dahil sakanya." may galit sa tono ng boses ng mama niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin ma? Bakit? Ano bang mali sa ginagawa ko?"

"Nawala na ang anak ko. Yung anak kong labis na close samin. Yung anak ko na masunurin. Nang makilala mo iyang si Colyn, biglang naglaho ang lahat! Lumayo ka samin..unti-unti kang lumayo samin! Masakit para sa isang ina makita iyon..na ang ka-isa isa kong anak, wala ng pakealam sa amin." umiiyak na sabi sakanya ng mama niya.

Naawa siya sa mama niya. Simula pagkabata niya ay hindi niya pa ito nakikitang umiyak. Ngayon lang. Inabot niya ang pisngi ng mama niya para punasan ang mga luha nito pero tinabig lang iyon ng mama niya.

"Huwag kang maawa sa akin. Hindi pa naman ako mamatay."

"Don't say that ma. Matagal ka pa mawawala.."


"Bakit dahil masamang damo ako?"


"I didn't say that ma.."


"Totoo naman eh! Tingin mo sa akin, kontrabida sa inyo ni Colyn, hindi ba?"


"MA! Bakit ba lagi niyo nalang sinisisi si Colyn? Hindi niyo man lang ba naisip na BAKA lang, Baka lang na isa kayo sa mga dahilan kung bakit ako nagkakaganito? Pagod na pagod na ako ma! Pagod na pagod na akong i-meet ang expectations niyo sa akin ni Dad. Simula bata palang ako, mulat na ako sa katotohanang ako ang magpapatakbo ng kompanya natin..ni hindi ko ata naranasang makapaglaro sa labas ng bahay.. dahil dapat lagi akong nag-aaral.."

Ayaw niya sanang sumbatan ang mama niya. Pero she left him no choice. Gusto niyang itama ang maling paniniwala ng mama niya. Na hindi lang si Colyn at magulang niya ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya. Dahil siya mismo ang may desisyon kung paano ang gusto niyang gawin sa buhay niya.


"Hindi totoo iyan! I just did what is right for you.. ginawa ko ang mga iyon para sa ikakabuti mo!" naiiling na sabi ng mama niya na para bang hindi makapaniwala sa ibinunyag niya.


Jeremie held his mother's hand tightly. "I know,ma. Alam ko na ginagawa mo iyon para sa ikakabuti ko, kaya nga po hindi ko kayo sinusuway. Hindi ako nagrereklamo..dahil mahal ko kayo. At alam kong mahal niyo ako ni papa kaya niyo iyon ginagawa. Pero ma..hindi niyo manlang ba naisip na hindi ako masaya? Na hindi talaga ang pagiging CEO ng kompanya natin ang pangarap ko? Hindi ko po kayo sinusumbatan.. sinasabi ko po ito para ipaintindi ko sainyo na lahat ng ito ay choice ko. Matanda na ako ma.. siguro naman po, kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko.. dito po ako masaya. At si Colyn ang nagpamulat sakin kung paano maging totoong masaya.. Pero Ma.. huwag niyong isipin na tinalikuran ko kayo dahil hindi ko kaya iyon. Hindi ibig sabihin na pinili ko si Colyn dahil ipinaglaban ko siya sainyo. Di ba ang turo niyo sa akin ni Dad.. ipaglaban ang mahalaga sa akin? That's what I'm doing ma. Hindi ko kayang mamili sainyo dahil pareho ko kayong mahal, pareho kayong mahalaga sa akin. Sorry ma.. sorry kung nasaktan man kita..kayo ni Dad.. believe me, hindi ko intensyon iyon.."

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon