Twenty three

85K 1.3K 28
                                    



Nauwi sila Colyn at Jeremie sa isang eat-all-you-can restaurant sa Mall of Asia. Kanina pa kasi tinatanong ni Jeremie si Colyn kung saan at ano ang gusto nitong kumain at kainin, kaya ayan pinili na lamang niya na sa isang eat-all-you-can sila kumain para maraming choices sila ni Colyn.

Iginiya sila ng isang waiter sa isang table for two.

"Bakit dito tayo kakain?" tanong ni Colyn sakanya.

"Eh puro 'kahit ano' at 'kahit saan' ang sagot mo kapag tinatanong kita eh.. kaya heto marami kang choices. C'mon, let's eat baka nagwawala na ang mga alaga mo sa tiyan."

Sumimangot lang ito sakanya na ikinangisi na lamang niya, Colyn looks so cute whenever she pouts.Sabay silang pumunta sa buffet table para mamili na sila ng kakainin. There were lots of dishes to choose from. From fried to steamed foods. There's also a lot of seafoods. May mga foreign dishes as well. Sa kabilang table naman, nandoon ang mga desserts. Kumuha lang siya ng kaunting kanin at mga seafoods since he is a seafood lover.

"Mauna na ako sa table." sabi niya kay Colyn. Tumango ito bilang sagot dahil busy ito sa pagpili ng kakainin.

Pagkaupo,hindi muna siya kumain dahil hinihintay niya pa si Colyn na dumating.

Bakit parang ang tagal ata niya?

Tatayo na sana siya para tignan kung nasaan na ito, pero sakto naman ang pagdating niya dala-dala ang isang plato na may kanin at fried chicken.

"Iyan lang ang kakainin mo?" tanong niya rito. Ang tagal tagal nito doon sa buffet table, tapos eto lang ang kakainin niya?

"Wait lang kasi..." sabi nito at itinaas nito ang kamay niya na para bang may tinatawag. Maya-maya lang ay may dalawang waiter na may hawak na tig dalawang plato ang lumapit sa table nila. Isa isang binaba ng mga ito ang plato na may iba't ibang putahe.

"Ang dami naman niyan. Kaya mo ba iyang ubusin?" tanong niya rito.

"Bakit ba? Mukha kasing masarap lahat, kaya gusto kong i-try. Bakit ba?" mataray na sabi nito.


"Ubusin mo iyan lahat ah! Bawal ang magtira rito, kapag may tira magbabayad ka."

"Kung iyan ang prinoproblema mo, huwag ka mag-alala, mayaman ako." sabi niyo at nagsimula ng tikman lahat ng kinuha nitong pagkain.


Siya man ay napailing nalang at nagsimula narin kainin ang pagkain na kinuha niya. Sa kabuuan ng pagkain nila, natutuwa siya kay Colyn na panay ang tanong sakanya tungkol sa mga pagkaing hindi pamilyar sakanya.

"Ano 'to? Crabs ba ito?" tanong nito na may itinuring putahe.

"Hindi crabs iyan, lobster iyan. Buttered lobster ang tawag diyan, sikat iyan sa Las Vegas. Alam mo ba na every year nakakabenta sila for almost 3 million dishes of lobster?"

"Oh talaga?" kumuha ito ng tinidor at humiwa ng kapiraso ng buttered lobster at sinubo ito. Napatango-tango ito. "Ang sarap! Ang lambot nung meat niya!"

Natutuwang tinignan ni Jeremie si Colyn na mukhang siyang siya sa pagkain niya. After thirty minutes, ay ibinaba na nito ang mga kubyertos.


"I'm full.." sabi nito habang sapo ang tiyan.


Napapailing si Jeremie dahil ang daming natirang pagkain ni Colyn. Nakalahati naman niya ito, pero marami paring nasayang na pagkain. As a chef, hindi okay sakanya iyon. Pero ano pa ba ang magagawa niya? Alangan naman na pagalitan niya si Colyn?


The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon