Twenty one

81K 1.3K 91
                                    



Kinabukasan rin ay pinuntahan ni Jeremie si Colyn sa bahay nito pero wala ng tao pagkadating niya kaya naman dali dali siyang pumunta sa botique nito kung saan alam niya na palaging pinupuntahan nito.


"Good morning po sir, welcome to Menvasion!" bati sakanya ng security guard na pinagbuksan siya ng pinto. Pagkapasok niya, hinanap agad ng mga mata niya si Colyn pero hindi niya ito makita kaya nagtanong na siya sa isang saleslady.

"Uhm miss, nadiyan ba si Colyn?"


Nakita naman niyang bahagyang nagulat ito na tila nakilala siya.


"S-Sir Jeremie, uhm kaalis-alis lang po ni Ma'am Colyn eh. May kasama pong babae, mukha pong matatagalan pa sila bumalik."

Babae? Baka naman si Mitch o kaya si Erin. Tatawagan nalang niya ang mga ito. Madaling nagpasalamat siya sa babae at umalis na roon.


Nang makapasok sa kotse, ay agad na dinial niya ang number ni Mitch.

[Hello?]

"Kasama mo ba si Colyn?" diretsahang tanong niya.

[Bakit?]

"Just answer my question." naiinip na sagot niya.

[No.]


Hindi na siya sumagot at ibinaba na niya ang phone, pagkatapos ay numero naman ni Erin ang tinawagan niya. At kagaya din ng sagot ni Mitch, hindi rin nito kasama si Colyn.


[Why don't you just call her?] tanong ni Erin sakanya.

"Hindi naman ako tanga para hindi maisip iyan, pero hindi niya talaga sinasagot ang tawag at texts ko."

[But you're stupid enough to let her go. Bahala ka na nga, Bye!] naiinis na sabi nito sakanya.


Yeah, he knows. He's stupid. No need to rub it in.


Pero napaisip siya, kung hindi si Erin at Mitch ang kasama ni Colyn, eh sino?

-----------


Umagang-umaga palang ay nasa Menvasion na si Colyn para asikasuhin ang mga dapat niyang asikasuhin. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong tao sa botique niya. At alam naman niyang may mga malelate na empleyado niya dahil narin sa panlilibre niya kagabi.


Her phone kept on ringing the whole night even this morning. Nakakailang messages narin si Jeremie na sagutin daw niya ang tawag nito. But she chose to ignore it all! Ano pa ba ang rason para kausapin niya ito? Kitang kita naman na okay na sila ni Caira.


She decided to grab some coffee at the cafe across the street.


Wala ring masyadong tao kaya naman agad siyang nakaorder. Umupo siya sa labas ng cafe dahil malamig pa naman ang simoy ng hangin. She noticed that someone sat beside her at laking gulat nalang niya na si Caira iyon.


"Caira?" untag niya sa babae. Nilingon naman siya nito na tila nagulat din sa pagkikita nila.

"Colyn, I didn't expect you here." nakangiting sagot nito.

"Yeah me too, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Had some major hangover last night, kaya I decided to take a walk at napadpad ako dito so nag-coffee narin ako. My condo unit is at the next street."


Napatango tango nalang si Colyn, hangover? Baka hangover kay Jeremie? May nangyari na ba sakanila?

Stop it Colyn! Why'd you care?

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon