Twenty seven

79.8K 1.2K 22
                                    

Kanina pa nagtataka si Mitch sa inaasal ni Colyn ngayon. Hawak nito ngayon ang anak niyang si Dami at parang timang na nagme-make faces sa harap ng anak niyang nagtataka kung anong sumaping demonyo sa ninang niya.

"Hoy Colyn! Baka matakot ang anak ko say'o! Tignan mo ang itsura oh, mukhang bubunghalit na ng iyak." saway ni Mitch kay Colyn.


"Ang sama mo rin, ano?! Ang ganda ko kaya para umiyak si Dami. Ano, Dami? Ninang is pretty right? Right?" sabi nito na pinapaliit pa ang boses na parang baby talk.


"Ano bang sininghot mo?" nagtatakang tanong ni Mitch.


"Ano bang problema mo? Masama bang laruin itong inaanak ko?"

Nagulat nalang si Colyn nang biglang salatin ni Mitch ang noo niya. Agad naman niyang inalis ang kamay nito at binaba muna si Dami at hinayaan gumapang kung saang lupalop ng kabahayan nila.


Nandito siya sa bahay nina Dylan at Mitch. Wala lang, tinatamad kasi siyang pumasok sa botique niya at busy naman si Erin sa bagong 'hobby' nito. Ewan ba niya sa babaeng iyon, paiba-iba ng trip sa buhay. Napaka-weirdo. Kaya heto siya ngayon, binulabog ang mag-iina. Naabutan naman niyang gising si Dami kaya ito nalang ang nilaro niya. Tulog kasi si Isaac.


"Ano ba Mitch! OA ka na ah."

"Eh kasi naman, ikaw? Lumabas sa lungga mo? Take note, kusa kang pumunta dito. Anong nakain mo?"

"Pwede ba, huwag ka na magtanong. Mabuti nga binibisita pa kita eh. Ibig sabihin nun, I still care for you."


"Wow, thank you ha?" Mitch replied with sarcasm.

Umayos nalang siya ng upo at ininom ang juice na inihanda ni Mitch.

"So, ano ngang meron Colyn?" tanong ulit ni Mitch.

She exhaled and rolled her eyes at her. "Ang kulit mo rin, ano? Kailangan ba laging may dahilan?"


"C'mon Colyn, I know there's a reason for your sudden visit. Spill it."

Huminga nalang siya ng malalim. Bakit ba ang galing ng babaeng ito basahin kung ano ang nasa utak niya?

Totoo ngang may pakay siya kay Mitch kaya binisita niya ito. Pero kasi nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ito o isasarili nalang muna. Knowing Mitch, napakadaldal nito lalo na sa asawa nito. At hindi pu-pwede iyon.

"So ano na?" She insisted.

Well, bahala na.

"May itatanong lang kasi ako."

Mitch raised her eyebrow and looked at her. "What?"

When she was about to raise her question to her friend, sakto namang nag-ring ang cellphone niya. She fished out her phone from her pocket at nakitang si Jeremie ang tumatawag!

"Wait, I need to take this." paalam niya kay Colyn at tsaka tumayo at pumunta sa may garden.


Okay, hinga ng malalim Colyn! Takte, bakit ba siya ninenerbiyos? It was just Jeremie for crying out loud! She heaved out deep sighs before answering his call.


"Hello?" sagot niya.

"Bakit ang tagal mo sagutin?" halata sa boses nito na nainip ito sa paghihintay na sagutin niya ang tawag nito.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon