Epilogue

97.7K 1.4K 87
                                    


After five months...

"This is the captain speaking..please fasten your seatbelts as we are about to land..again please fasten your seatbelts. And Welcome to the Philippines.."

Ikinabit ni Colyn ang kanyang seatbelt gaya ng sinabi ng captain. She's excited to see her friends again. It's been five months since she decided to fly to Paris pagkatapos ng fashion week. Matapos ang nangyari sakanila ni Jeremiah..she needed to stay away.




Five months ago (Fashion week)

Nagpalakpakan ang mga tao nang maipakita na ang mga designs ni Colyn kasama ang mga jewelries ni Mrs. Lim.

"And as for the people who are behind these creations..please give a big hand for Mrs. Jewel Lim and Ms. Colyn Valdez!"

Nagtayuan ang mga tao nang sabay na lumabas sina Mrs. Lim at Colyn na magkahawak kamay. May ibinigay sakanilang dalawang boquet of flowers bilang pagkilala. Nandoon ang buong pamilya ng mga Lim. At para ibigay ang suporta kay Colyn, ay nandoon ang buong barkada. Sina Mico,Marco,Vin,Erin,Dylan,Mitch at syempre hindi nakaligtas sa paningin ni Colyn ang lalaking tinitibok parin ng kanyang puso. Ang lalaking nakasakit sakanya ng todo pero nagmahal rin sakanya ng todo. Ang lalaking nakatayo katabi ni Dylan at nakangiting pumapalakpak para sakanya.

Kahit na nalulungkot at nasasaktan parin siya sa huling pag-uusap nila, still her hearts shouts for him. Maybe she can move on..and it's possible. Maybe she can fall inlove again..but right now,one thing's for sure, Jeremie is the only one who occupies her heart.






"Congratulations,Colyn! Grabe! The best yung finale mo! Shining shimmering splendid!" bati sakanya ni Erin na may pakumpas-kumpas pa ng kamay.

Niyakap naman siya ni Mitch. "You're amazing..collection mo ata ang pinakamaraming bids. Nag-bid nga ako eh.." natatawang saad nito.

"Bakit nag-bid ka pa? Pwede ko naman sa'yo ibigay." sabi niya rito.

"Hindi na,ano. Besides, pera naman ni Dylan yung pinang-bid ko kaya okay lang yun.. tsaka for a cause naman."

"Ikaw talaga, winaldas mo nanaman ang pera ng asawa mo." biro niya rito. Pero ang totoo, si Mitch ay hindi maluhong tao. Bilib nga siya sa kaibigan niyang ito eh. Kahit na maraming pagsubok silang pinagdaanan ni Dylan, heto at may kambal na. At parang mas minamahal pa nila ang isa't isa sa paglaon ng panahon.

"Sus, okay lang waldasin niya ang pera ko. As long as she's happy. Congrats Col, the best!" hinalikan siya ni Dylan sa pisngi at nag-thumbs up pa bago akbayan ang asawa nito.

"Thanks,Dyl."

Ginroup-hug naman siya nina Marco,Mico at Vin.

"Congrats!" parehas nilang sinabi sakanya.

Nagpasalamat nalang siya sa mga ito. She's so happy that she has friends like them. Who are always at your back no matter what.

Nagutom si Colyn sa walang-humpay na pag-congrats sakanya ng mga tao kaya naman pumunta siya sa pinakadulonh table at kumain ng kanyang red velvet cake..isusubo na niya sana ang cake nang lapitan siya ni Jeremie.


"Hey." bati nito sakanya.

Natulala siya.

Shet malagkit! May pogi! Hindi..mali. Ulit ulit! Shet malagkit! May oh-so-yummy papable sa harap niya.

Agad na nakabawi si Colyn at nginitian si Jeremie bilang pagbati. Wala kasi siyang masabi. Nawala ata yung boses niya pagkasilay sa angkin nitong kakisigan. Shet talaga.

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon